This preview has intentionally blurred parts. Sign up to view the full document

View Full Document

Unformatted Document Excerpt

CABELIZA,TESSALONICAV. KALBOndukan:Maypagasapaba? INIHARAPNINA ANG,ARVINS. VISTA,ERICAMAEC. FILIPINO21AAC KAYBb.ARACELLIT.FERNANDO 2 MARSO15,2010 SANBEDACOLLEGE MENDIOLA,MANILA Pansamantlang Balangkas Paksa: Ang mga pangunahing bansa na dahilan ng illegal logging sa Pilipinas Tesis: Ang mga bansang Hapon, Estados Unidos at Korea ang mga pangunahing bansa na dahilan ng illegal logging sa Pilipinas I. Ganito nagsimula ang illegal logging na nangyayari sa Pilipinas. a. Mayaman ang Pilipinas sa ibat ibang likas na yaman. b. Nais pagkakitaan ng ilan ang yamang likas ng bansa lalo na ang mga puno. c. Nagiging mas mababa ang presyo ng troso kaysa sa mga pinutol na punong may permiso mula gobyerno. d. Habang tumatagal, unti-unti nang nawawala ang mga kagubatan. e. Marami ang naghahangad na magkaroon ng mamahaling gamit na gawa sa kahoy. f. Ginagawa itong trabaho ng mga taong walang hanapbuhay. g. Pagtatayuan ng mga gusali ang lupang kinatataniman ng mga puno. h. Iluluwas ang mga pinutol na puno palabas ng ibang bansa upang mas kumita nang malaki. i. Sinisira ng kaingin ang mga watersheds at ginagawa din ito ng mga magsasaka sa slash and burn agriculture kung saan gingamit ang mga abo na pampapataba ng lupa gagamitin sa pagtatanim. II. Nangunguna ang Pilipinas sa mga bansang talamak ang illegal logging. a. Pumapangatlo ang Pilipinas sa mga pangunahing bansa kung saan talamak ang illegal logging. b. Isa ang Pilipinas sa mga nangungunang nag-eexport ng mga troso. c. Ilan sa mga mauunlad na bansa naman ang nangunguna sa pag-aangkat ng troso. d. Biglang lumaki ang bilang ng mga kompanyang nabigyan ng lisensyang pumutol ng kahoy sa Pilipinas simula sa remiheng Marcos. 3 e. Inaangkat ng ilang bansa ang mga punong pinutol sa Pilipinas upang doon mapagkakitaan at magamit. f. Nangunguna ang mga bansang Amerika, Hapon at Korea sa pag-import ng mga torso sa kanilang bansa mula sa Pilipinas. g. Maraming malalaking tao na mula sa ibat ibang lahi ang nakulong dahil sa illegal logging. h. Isa ang Ormoc flashflood sa mga malalagim na trahedya na sanhi ng illegal logging kung saan marami ang mga bansang nagbigay ng tulong sa Pilipinas i. Galing din sa lahing ito ang mga may-ari ng mga kompanya na gumagamit ng pinakamaraming kahoy sa buong mundo. j. Mga dayuhan ang unang itinuturo ng mga katutubo at ilang mga taong nakatira malapit sa kagubatan, na namumuno sa illegal logging. k. Sinasamantala ng ibang bansa ang kahirapan sa Pilipinas para makapagangkat at makaputol ng puno sa bansa. III. May kinalaman ang gobyerno sa nagaganap na illegal logging sa bansa. a. May ilang pulitiko ang pinaniniwalaang sangkot sa illegal logging na nagyayari sa loob ng bansa. b. Maraming mga pulitiko ang sumangayon sa pagbibigay ng lisensya sa mga kompanya na pumutol ng kahoy sa Pilipinas noong rehimeng Marcos. c. Ilan sa mga nangungunang kompanya na nag-eexport ng torso ang pagmamayari ng ilang mga pulitiko. d. Maaring gawing pambayad sa mga utang panlabas ang pondong magmumula sa illegal logging. e. Hindi nabibigyan ng malaking kaprusahan ang mga nagpapasimuno ng illegal logging. f. May mababa at hindi sinusunod na batas sa bansa kaya nakakapasok ang mga dayuhan upang umangkat ng puno sa bansa. g. Hinahayaan ng ilan na gawin ng iba ang pumumutol ng puno kahit na alam nilang mali ito. h. Maaaring pang ibalik sa dati ang mga nawalang puno dulot ng illegal logging. IV. Maraming masamang epekto sa buhay at kalikasan ang illegal logging. 4 a. Nawawalan ng tirahan ang mga hayop lalo na ang mga nanganganib na mawala. b. Nagkakaroon ng mga landslide sa mga kabundukan sanhi ng paglambot ng lupang dating kinatataniman ng mga puno. c. Maraming buhay na ang nawala dahil sa mga pagbahang dulot ng kaunting puno na sumusipsip ng tubig mula sa lupa. d. Mas lalong umiinit ang kapaligiran dahil sa mababang bilang ng mga punong tumatanggap ng carbon di/monoxide na ibinubuga ng mga sasakyan at ilang factories. e. Nawawalan ng tirahan ang mga katutubo dahil sa illegal logging f. Nagkukulang ang tubig sa irigasyon na ginagamit ng mga magsasaka. g. Kumakalat ang mga sakit at epedemya sa mga pook na naapektuhan ng baha at pagguho ng lupa dahil sa mga bangkay na hindi pa agad naiilibing. h. Bumababa ang turismo sa bansa. V. Maraming ginagawa para maibalik sa dati ang mga nasirang kagubatan. a. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang makikinabang sa Tropical Forest Conservation Act (TFCA) b. Pinangunahan ng Pilipinas ang pagsasagawa ng kauna-unahang Forest Landscape Restoration training workshop sa buong Asya. c. Sinusulong ng Haribon Foundation ang kanilang Adopt-a-Seed Program na naglalayong maibalik sa dati ang mga nasirang kagubatan. d. Dumarami ang mga idineklarang National Park ng gobyerno. e. Isinusulong ng DENR ang Community Based Forest Management Agreement. f. Ibat ibang mga pribadong sektor ang nagtutulungan sa pagsagip ng mga watershed kontra illegal logging. g. Isinusulong ng University of the Philippines ang agroforestry upang mas mapalawak pa ang paraan ng paggamit ng lupa. h. Nagbibigay ng maaaring ipangkabuhayan ang gobyerno sa mga nagkakaingin. 5 AngPagkalbo Napakagandang larawan ng isang paraiso ang bansang Pilipinas. Nagtataglay ito ng malawak na kagubatan, maraming puno, ibat ibang uri ng hayop at maraming klase ng mga halaman. Dahil sa pagkakaroon ng mga biayayang ito, nakilala ang Pilipinas bilang isa sa mga mayamang bansa hindi lang sa Asya, kundi pati na rin sa buong mundo pagdating sa likas na yaman. Ngunit sa pagdaan ng panahon, maraming tao ang nakakalimot na alagaan at protektahan ang mga likas na yaman ng bansa partikular na ang mga puno. Kasabay ng unti-unting pagkawala ng mga puno, sinasalamin din nito ang mga trahedya o sakunang maaaring idulot ng pang-aabuso dito. Bago pa man dumating ang mga dayuhan sa bansa, halos siyamnaput dalawang bahagdan o halos 27.5 milyong ektarya ng kapuluan ng bansa ang nababalot ng kagubtan. Sa ang paglipas ng panahon, siya rin namang pagkaubos ng mga puno dito. Sa kasalukuyan, halos nasa dalawamput apat na porsyento o 6 7.2 ektarya (2005) ang natitirang kagubatan sa bansa. Isang napakalaking palaisipan sa lahat kung saan na napunta ang halos 20.3 milyong ektaryang kagubatan na sagana sa mga puno. Illegal logging o illegal na pagrtotroso ang isa sa itinuturong sanhi ng mga eksperto sa pagkaubos ng kagubatan ng bansa. Ito ang walang pahintulot na pagputol sa mga puno sa mga kagubatan. Ayon sa ilang pag-aaral, ibat ibang bansa sa mundo ang nag-aangkat ng mga pinutol na puno upang magamit sa kanilang sariling bayan. Sa kabilang dako, ang pagkakaroon ng kahalagahang pampulitika bukod sa pakinabang na pang ekonomiya ng mga kagubatan ang siyang nag-uudyok rin sa mga tiwaling pinuno ng pamahalaan upang gamitin ang yaman ng ating kagubatan nang walang patumangga at pagsasaalang-alang sa marawal nating kahihinatnan Noong nakaraang taon, nakaranas ang Pilipinas ng isang malawakang pagbaha na tumatak sa kasaysayan ng bansa. Marami ang hindi makakalimot sa mga trahedyang idinulot ng malakas na ulan at pagbaha sa buhay ng maraming Pilipino lalong lalo na sa mga naninirahan sa isla ng Luzon. Patunay lamang ito na may nangyayaring problema at hindi maayos na paggamit sa kapaligiran na binabalewala naman ng marami. Dahil sa pangyayaring ito, nagkaroon ng ideya ang mga eksperto na tukuyin ang mga posibleng sanhi ng di-balanseng paggamit ng mga likas na yaman sa buhay ng tao. 7 Isang napakaimportanteng bagay na malaman ng lahat ang nangyayari sa kalikasan hindi lang upang makaiwas sa mga sakuna na idudulot nito kundi magkaroon din ng ideya kung paano sosolusyunan ang problemang ito. Mahalaga ring malaman kung ano ang mga maaaring gawin kahit sa simpleng paraan upang makatulong sa pagpigil ng pagkaubos ng mga puno sa kagubatan. Dapat laging alalahanin ang posibleng mangyari kapag naubos na ang mga puno sa bansa. Talaan ng Nilalaman Pahina Ang Pagkalbo.... 5 Mga Kabanata 1. Ang Perlas ng Silanganan. ..3 II. III. IV. V. Krimen sa Kalikasan.....11 Mga Bansang Nangunguna sa Illegal Logging....27 Pinsalang Dulot ng Illegal Logging......33 Ang Gobyerno at Illegal Logging.....42 8 VI. Pagbabalik sa Dati ng Nasirang Kagubatan.46 Ang Hinaharap......52 Bibliograpiya.................................................................................................53 Ang Perlas ng Silanganan Isang kapuluan sa Timog Silangang Asya ang Pilipinas na hinahangganan ng Dagat Pasipiko sa silangan, Dagat Tsina sa kanluran at hilaga, at Dagat Celebes sa Timog. Karatig-bayan nito ang Borneo, Indonesia, at Malaysia sa timog; Vietnam, Laos, Kampuchea at Thailand sa kanluran; Hapon sa hilaga; at Tsina sa hilagang-kanluran. Tinatawag din itong Tarangkahan sa Silangan mula sa Dagat Pasipiko. Madaraanan ito ng sinumang nais tumungo sa Asya mula sa Dagat Pasipiko. (Ideyal na Estado, w.p.) Binubuo ng mahigit pitong libot isang daang isla ang Pilipinas. Aabot ng tatlumpung milyong ektarya ang kabuuang lawak ng Pilipinas. Bulubundukin at tinatawid ng mga ilog ang kalupaan nito. Ang Luzon, Mindanao, Samar, Negros, Panay, Palawan, Leyte, Cebu, Bohol at Masbate ang pinakamalalaki sa mga isla. (Ideyal na Estado, w.p.) 9 Pinalilibutan ng bulubunduking Caraballo at Sierra Madre ang kapatagan sa gitnang bahagi ng Luzon. Nasa baybayin naman ng Dagat Pasipiko sa Luzon at umaabot mula Cagayan sa hilaga hanggang Sorsogon sa Timog Ang Sierra Madre. Bumabaybay ang buubundukin ng Zambales sa Dagat Tsina at abot hanggang Bataan Peninsula. Tumatagos sa mga probinsya ng Cavite, Batangas, at Laguna. Nagsisimula ang bulubundukin sa Mindoro sa Bundok Halcon at umaabot sa Calavite Point sa hilagangkanluran, sa Look ng Naujan sa silangan at sa kipot ng Mindoro sa kanluran ang bulubundukin ng Tagaytay sa Timog Katagalugan. (Ideyal na Estado, w.p.) Sagana sa mga likas na yaman ang Pilipinas. Napagkukunan ng tubig para sa mga sakahan sa kapatagan, ibat-ibang uri ng isda, ginagamit sa transportasyon at mapagmumulan ng elektrisidad ang mga ilog nito. Mataba ang lupa, at mainit ang klima. May dalawang panahon sa Pilipinas ang tagtuyot at tag-ulan. mula Marso hanggang Hunyo ang tagtuyot habang amula Hulyo hanggang Oktubre ang tag-ulan. Hindi gaanong maulan sa mga buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero. (Ideyal na Estado, w.p.) Nakapagluluwal ng ibat-ibang uri ng pananim na pagkain at pang-industriya ang matabang lupa at tamang klima. Ilan lamang sa mga produktong pang-agrikultura ng bansa ang palay, mais, at iba pang butil; niyog at kopra, tubo, tabako, abaka, goma; kamote, patatas at iba pang tubers; saging, pinya, mangga, langka, durian, at napakarami pang ibang mga prutas; mga gulay tulad ng sibuyas, at bawang. Aabot sa sampung libong uri ng mga bulaklak na halaman at pako ang tumutubo sa bansa. Mayaman din ang Pilipinas sa ibat-ibang uri ng mga hayop. Mayroon ditong 750 uri ng mga ibon. (Ideyal na Estado, w.p.) 10 Mayaman sa pagkain at iba pang yamang-dagat ang karagatan at mga ilog. Naglalaman ito ng dalawang libong uri ng mga isda. Matatagpuan dito ang mga suso, perlas, ispongha, kabibe, pagong, at pawikan at mga halamang-dagat. Matatagpuan sa Plipinas ang sampung libo sa animnapung libong kilalang uri ng mg kabibe. (Ideyal na Estado, w.p.) Umaabot sa labimpitong libong kilometro ang haba ng baybay-dagat. Marami itong mg likas na daungan. Sa katunayan, mayroong mga natural na daungan ang lahat ng mga malalaking pulo na pwedeng pagkublihan ng malalaking barko kapag masungit ang panahon. (Ideyal na Estado, w.p.) Mayaman din sa mahahalagang metal at mineral ang Pilipinas. Malawakan ang pagmimina ng mga metal tulad ng ginto, pilak, tanso, bakal, tingga, zinc, manganese at chromium. Mayroon ding mga asin, uling, graba, limestone, at iba pang mga mineral. (Ideyal na Estado, w.p.) Malawak ang kagubatang mapagkukunan ng sari-saring produkto. Mayroon ditong tatlong libong uri ng mga puno. Pinagmumulan ang mga kagubatan ng matataas na uri ng punongkahoy tulad ng narra, apitong, yakal, kamagong, teka, tindalo, at iba pa. Dahil sa malawakang pagtrotroso noong nakaraang mga taon, dramatiko ang naging pagliit ng kagubatan. (Ideyal na Estado, w.p.) May 3,800 iba't ibang uri ng punongkahoy kung saan kinukuha ang mga ito para sa mga konstraksyon. Maliban dito, may mga halaman sa gubat na ginagawang gamot (medicinal plants). Mayaman din ang kagubatan ng Pilipinas sa dyewoods, guttapercha, 11 resins, nipa, cutch, kawayan at rattan. Subalit dahil sa patuloy na pagputol ng kahoy, malapit nang maubos ang ating mga yamang gubat. (Ideyal na Estado, w.p.) Krimen sa Kalikasan Ang mga illegal loggers ang pinakamalalang klase ng mga mamamatay tao. Pinagkakakitaan nila ang pagpuspuslit ng mga ilegal na troso sa ibang bansa para mapagaral nila ang kanilang mga anak sa abroad na hindi iniisip ang kapakanan ng kanilang mga biktima. (Sison, v) Sa panahon pa lang ng mga Kastila, pinuputol na ang mga puno sa Pilipinas para makagawa ng barko na ginagamit nila sa kalakalang Galyon. (Vitug, 12) Noong 1800, nagsimula ang paglaki ng bilang ng populasyon na umabot sa isang milyon at walongdaang libo kasabay ng pagkaubos ng isang milyon at apatnalibong ektarya ng mga kagubatan kung saan apatnalibot apatnaraan at apatnaput apat na ektarya ang naglalaho taun-taon. (Vitug, 12) Maraming daungan noon ng barko ang itinayo sa Masbate, Cavite, Pangasainan, Albay, Mindoro, Marinduque at Cebu. Ang kagubatan ng Cebu ang pinakanaabuso sa 12 lahat kung saan noong 1870 pa lamang nagpapakita na ito ng palatandaan ng sobrang pamumutol ng punungkahoy. (Vitug, 12) Matagumpay din na ipinakilala sa Pilipinas ang pagbebenta ng mga Philippine mahogany sa mga Amerikano kapalit ng Central American mahogany na lumulubog na ang kalidad. Isang klase ng dipeterocarp hardwood ang Philippine mahogany na karaniwan lamang na makikita sa bansa. Mahigit ilang siglo na rin na ibinebenta ang mga dipeterocarp sa mga bansa sa may kanlurang pasipiko na ginagamit sa paggawa ng mga magagarang muwebles at mga bahay. (Vitug, 12) Noong 1900s, pitompung bahagadan ng kabuuan ng lupain ng Pilipinas ang nasasakupan ng kagubatan na umaabot pa sa dalawampung milyong ektarya.1 (Tan, ix) Pinakilala ang malawakang pagtotroso ng mga Amerikano nang dumating sila sa Pilipinas. Makalipas ng apatnapung taong pamamalagi ng mga Amerikano kasabay ng digmaang pasipiko, tanging labimpitong milyong ektarya ng lupaing natitirang nasasakop ng mga kakahuyan. Makalipas ang sampung taon ng digmaang pasipiko, labing-anim na milyon na lamang ang natitirang kagubatan. (Tan, ix) Taunang nababawasan ng limangpung libong ektarya ang mga kagubatan mula 1863 hanggang 1900 dahil sa paglaki ng mga pangangailangang agrikultural pagdating sa mga lupain at pati na rin sa pagtatayo ng mga bahay.2 (Vitug, 12) Noong 1934, labimpitong milyong ektarya ng lupa o limamput pitong bahagdan ng kabuuan ng lupain na lamang ang natira. Sa labimpitong milyong ektarya na ito, virgin 1 Tignan ang seksyon Lupaing Sakop ng Kagubatan sa mga Nakalipas na Taon sa pahina 22- 24 tungkol sa pagkaubos ng mga lupain nasasakupan ng kagubatan sa Pilipinas 2 Tignan ang seksyon Lupaing Sakop ng Kagubatan sa mga Nakalipas na Taon sa pahina 22- 24 tungkol sa pagkaubos ng mga lupain nasasakupan ng kagubatan sa Pilipinas 13 forest ang labing-isang milyon. Sa taong din na ito naitala na higit sa kalahati ng lupain sa bansa ang sakop ng kagubatan. Nagmamayari ng labimpitong milyong ektarya ng lupaing nasasakupan ng mga puno, o katumbas ng 1.13 ektarya ng kagubatan ang humigit na kumulang labinlimang milyong Pilipino. (After 2000, 4) Noong 1935 sa ilalim ng Nagasasariling Pamahalaan dumami pa ang pamumutol ng mga puno upang mapakinabangan ng mga tao dahil sa patuloy na pagtaas ng populasyon at para na rin sa pagtatanim ng mga ng produktong komersyo. (Vitug, 12) Sa bisperas ng ikalawang digmaang pandaigdig, bumababa na sa animnapung bahagdan ang lupain na nasasakupan ng mga kagubatan. (Vitug, 12) Lalo pang lumaki ang deforestation rate sa Pilipinas pagdating ng dekada 60 na humigit kumulang na tatlongdaang libong ektarya bawat taon ang nababawasan kasabay ng pagdami ng mga konsesyon pati na rin nang pagtaas ng populasyon at demand ng mga troso sa pamilihan.3 (Vitug, 13) Sa kalagitnaan ng 1960s, labindalawang milyong ektarya na lamang ng mga lupain ang natira na nasasakupan ng mga gubat. (Tan, ix) Sa loob lamang ng labingwalong taon, nawalan na ang bansa ng animnapung milyong ektarya ng mga virgin forest na kasinlaki ng Kanluran at Gitnang Visayas. Mula 1969, ang tahasa na pagkaubos ng mga kagubatan ay tatlong daan apatnapung libong ektarya bawat taon. Sa natitirang anim na milyong ektarya ng kagubatan, isang milyon na 3 Tignan ang seksyon Lupaing Sakop ng Kagubatan sa mga Nakalipas na Taon sa pahina 22- 24 tungkol sa pagkaubos ng mga lupain nasasakupan ng kagubatan sa Pilipinas 14 lamang ang virgin forest at limang milyon naman ang second-growth woodland. (After 2000, 4) Noong 1969, May labindalawang milyong ektarya na lamang ng mga virgin forest ang bansa kung saan mas mababa pa sa kritikal na lebel ang labing-isang bahagdan nito. Makalipas ang labing-isang taon, noong 1987, animnapung milyong ektarya na lamang ang natira.3 (After 2000, 4) Bumaba naman ang deforestation rate ng Pilipinas na humigit-kumulang sa isandaan at limampung libong ektarya taun-taon padating ng 1980s na lamang ngunit patuloy pa rin ang pagkaubos ng mga kagubatan at pagluluwas ng mga troso sa ibang bansa.3 (Vitug, 13) Patuloy pang bumababa ang deforestation rate sa isangdaang libong ektarya kada taon dahil sa mga logging ban at reforestation na ipinatupad sa ilang bahagi ng bansa. Ngunit kaunti lang ang benepisyong naibigay na pagbaba ng deforestation rate sa mga panahong ito. (Vitug, 13) Pagdating ng taong 1991, 6.46 milyong ektarya na lamang ang natirang kagubatan ang natira kumpara sa orihinal na 27.5 milyong ektarya. Mga mossy forests lamang ang 1.79 milyong ektarya nito at 1.8 milyong ektarya ang virgin forests. (Vitug, 13) Sa loob ng siyamnapung taon ng komersyal na pamumutol ng puno labing-anim na milyong ektarya ang nawawala. Pagdating ng taong 1993, higit para sa bawat animnapung milyong Pilipino mayroon na lamang 0.1 ektarya ng lupa na nasasakupan ng puno kung saan sa kabuuang lupain na sakop ng bansa na tatlongpung milyong ektarya, anim na milyon na lamang ang may gubat. Dalawampung bahagdan na lamang 15 ang lupain na may puno na masyadong mababa kung ikukumpara sa kritikal na lebel na limangpung bahagdan na naganap nuong dekada 50. (After 2000, 4) Sa pagitan ng taong 1990 hanggang 1999 naganap ang pinakamalalang deforestation. Tatlon-daang libong ektarya ng mga virging forest ang tuluyan nang nawala. Noong nakaraang taon, iniulat ni Senador Loren Legarda sa kanyang senate committee report na pitongdaang libong ektraya na lamang ng mga nito ang natitira. (Bengwayan, 8) Nagsimulang maging talamak ang pamumutol ng mga punungkahoy nang maupo sa kapangyarihan si Ferdinand Marcos. Tumaas mula limampu sa simula ng dekada hanggang apat na raan at labindalawa noong 1969 ang bilang ng mga lisensyadong kompanya na namumutol ng mga puno. Dito sa panahong ito naitala ang pinakamalalang deforestation sa kasaysayan kung saan tatlong libong ektarya ng mga kagubatan ang naglaho. (Tan, ix) Ginagamit ng pamahalaan ang Timber Liscense Agreement (TLA) upang magbigay ng konsesyon na mamutol ng mga kahoy. Ito rin ang ginamit ni Ferdinand Marcos para gantimpalan ang kanyang mga tagasuporta, payamanin ang mga pamilyat kaibigan at suhulan ang mga pulitiko para patuloy siyang tangkilikin. (Vitug, 13) Itinatag ang Taggat Industries nuong 1947 na may ordinaryong lisenya lamang na magtroso. Ngunit nang ipatupad ni Marcos ang konsesyon nuong 1969, bumili na ang kompanya ng dagdag na lupain na naging dahilan kung bakit umabot sa 64, 725 ektarya ang kanilang nasakupan. Pagdating ng 1989, umaabot na ang kanilang pagmamayaring lupain sa 100,000 ektarya. (Vitug, 16) 16 Isa si Alfonso Lim sa tagasuporta ni Marcos at may-ari ng Tagat Industries. Isang 107,845 na ektaryang konsesyon sa Cagayan ang ibinigay sa rito. Naging tagapamahala rin ito ng isa pang konsesyon ng pagtotroso, ang Pamplona Redwood Veneer Company Inc. Pinangasiwaan din nito ang Southern Plywood Corporation, Western Cagayan Lumber Company Inc. at Acme Plywood and Veneer Company Inc. (Vitug, 16) Noong 1969, nagbanta si Marcos na pababagsakin niya ang industriya ng pagtotroso at palalawakin na lang ang pagmimina. Ayon sa ilang batis, nais lamang ni Marcos na inisin ang loggers upang mas pagbutihin nila ang kanilang trabaho nang makakuha ng marami at mabilis na kita na magagamit sa eleksyon noong 1969. Dahil sa pagpapalabas ng labis na salapi, nagdulot ito ng inflation. (Vitug, 24) Noong 1960, galing sa mga loggers ang dalawamput siyam na bahagdan ng kita sa pagluluwas ng mga produkto. Mula 1969 hanggang hanggang 1972, nakalikom sila ng maghumigit-kumulang na $300 milyon kada taon. Naabot nila ang karurukan nang nakatala sila ng rekord sa kita na $472 milyon. Sa kabuuan, sa mga loggers nanggagaling ang limang bahagdan ng gross national product sa bansa. (Vitug, 25) Sa katapusan ng pamumuno ni Marcos, kalahati lamang o halos 6.9 milyong ektaryang kagubatan ang natira kumpara noong kauupo pa lamang niya sa puwesto. (Tan, x) Sa ulat noong 1994 ukol sa agrikultura at kalikasan ng United Nations Food and Agriculture sinasabi na nuong 1934 limamput pitong bahagdan ng lupain sa bansa ang nasasakupan ng kagubatan kung saan mga virgin forest ang labimpitong milyong ektarya nito. (Bengwayan, B8) 17 Ayon sa pag-aaral ni Dr. Frances Korten ng 1990 Ford Foundation, sa loob lamang ng limampung taon, halos 2/3 na ng mga kagubatan ang naglaho dahil sa deforestation. Natuklasan rin na umaabot na lamang sa anim na milyon at liman-daang libong ektarya ang nalalabing kagubatan, kung saan mga virgin forest ang isang milyon dito.( Bengwayan, B8) Ayon sa mga datos, bumaba ng 19.4 bahagdan ang lupaing nasasakupan ng kagubatan sa Pilipinas mula sa 22.4 bahagdan noong nakalipas na isang dekada. Cruz, A4) Ayon kay Ooi Jin Bee, isang heograpo sa National University ng Singapore, ang Pilipinas na dating itinuturing na sagana sa mga yamang gubat ang maaaring maging unang bansa sa Asya na tuluyang maubusan ng mga kagubatan pagdating ng taong 2000. (Tacio, 5) Pagdating ng taon 2005, naitala na 1.4 bahagdan ang nangyayaring deforestation sa Pilipinas mula 1990 hanggang 2000, painakamataas sa buong Asya.5 (Dela Cruz, A4) 4 (Dela 4 Kung ikukumpara ito sa Myanmar na 52.3 bahagdan ang kabuuang lupaing nasasakupan ng kagubatan padating ng taong 2000. Samantala, sa China naman 17.5 na bahagdan ng kanilang kabuuang lupain ang nasasakupaun ng kagubatan pagdating ng taong 2000. Mas mataas pa ito kung ikukumpara sa 15.6 na bahagdan nuong 1990. Ang Korea naman ang may pinkamagandang rekord sa pagpapanatili ng kanilang kagubatan na may 63.3 bahagdan ng kanyang kabuuang lupain. 5 Tignan ang seksyon Lupaing Sakop ng Kagubatan sa mga Nakalipas na Taon sa pahina 22- 24 tungkol sa pagkaubos ng mga lupain nasasakupan ng kagubatan sa Pilipinas 18 Kita sa Pag-eexport ayon sa Forest Management Bureau Kita sa Pag-eexport ng Kahoy (Milyon) 2003 Kabuuan Plywood Tabla Veneer Round Logs $20.10 $5.65 2004 $30.60 $17.70 $9.70 $3.20 $0.06 Itinaas 52% 213.70% Dami 1,793, 498 cu. m. 47, 731 cu.m. 124, 847 cu. m. 7, 493 cu. m. 1,762 cu. m. Table 1 (RPs Major Timber-Product Exports Up By 52 Percent In 2004, w.p.) Iniluluwas ng bansa ang apat na produktong kahoy na ito dahil sa pagtaas ng demand sa mga produktong may mataas na kalidad sa mga mauunlad na bansa tulad ng Estados Unidos at Canada. (RPs Major Timber-Product Exports Up By 52 Percent In 2004,w.p.) Dahil sa mahusay na kalidad ng mga produktong kahoy, mas tumaas ang halaga ng dolyar sa mga produktong ito sa mga kalakal kumpara sa mga nakaraang taon(RPs Major Timber-Product Exports Up By 52 Percent In 2004 , w.p.) Sa kabila ng malawakang pagkasira ng mga kagubatan at pagpapatupad ng batas ukol sa illegal logging, patuloy pa rin ang inklinasyon para sa mga produktong gawa sa troso. Matapos ang taong 1990, ipinagbabawal ang pamumutol ng mga kahoy sa mga sensitibong mga pook tulad ng mga virgin forests, residual forests na may taas na mahigit na limampung bahagdan at pati na rin ang mga watershed. Bilang pagsunod sa mga utos pagpigil ng illegal logging na naging mahirap ipatupad dahil sa kawalan ng mga kagamitan. (Bengwayan, B8) 19 Napakalaki ang mga kita ng mga ilegal loggers sa pamumutol at pagbebenta nito sa mga sawmills. Dahil mura lang ang mga trosong ito walang magawa ang mga nagigipit na mamimili na bilhin ito sapagkat wala itong tax na kasama. (Vetancio, 11) Maliban sa may kasamang tax, mahirap din ang pagkuha ng lisensya sa legal na pamumutol ng troso. Umaabot pa mula sa lima hanggang sampung araw para makumpleto ang mga kinkailangang papeles at mas matagal pa ang aabutin nito kung wala ang mga lima hanggang sampung beraucrats na kailangang pumipirma dito. (Vetancio, 11) Umaabot sa 26 piso per board foot ng pagbebenta at pagpuspuslit ng mga tabla o taguile dos por dos sa ibang bansa. Sa pagpapakinis ng mga troso gamit ang mga chainsaw, nababawasan ng isang pulgada mga gilid nito na magiging 1 X 1 o 2X 2. Makakita din ng mga dos por dos na katulad sa Chicago at nagkataon din na 2X 2 ang American standard na sukat ng tabla. (Vetancio, 11) Mula 1972 hanggang 1988, isiniwalat ni Loren Legarda na nakalikom ng $42.88 bilyon ang industriya ng pagtroroso ng humigit-kumulang na $2.65 bilyon kada taon ang kinikita nila. Ngunit ang kapalit naman nito, 8.57 milyon na ektarya ng kagubatan. Sa panahon din na ito, sinira ng mga magtotroso ang mahigit kumulang 3.88 milyong ektarya ng mga virgin forest na lumilikom ng $19.4 bilyon na kita. (Bengwayan, B8) Gingamit sa urban renewal ang mga lupain pinutulan ng mga kagubatan. Sa pagtaas ng populasyon, tinatayuan din ng mga bahay ang mga lupaing ito tulad ng mga subdivisions. (Benefit Of Deforestation and lots more!, w.p.) 20 Ngunit hindi lamang ginagamit sa pagpapatayo ng mga pabahay ang kahoy, Nagagamit din ito sa pagpapatayo ng mga gusali para sa mga kumpanya, pabrika sa paggawa ng mga damit at iba pa. Itnatayo din sa mga lupain na ito ng mga pasilidad o laboratoryo para sa pananaliksik sa larangan ng medisina at teknolohiya. (Benefit Of Deforestation and lots more!, w.p.) Tinuturo ng Greenpeace ang industriya ng paggawa ng mga muwebles sa Cagayan Valley na isa sa pangunahing dahilan ng paglaganap ng kalakalan ng ilegal na troso sa rehiyon. Ayon sa mga environmental group, 20,000 na tagagawa ng mga kahoy na muwebles sa Cagayan valley na nagpapatakbo ng negosyo kung saan nangngailangan ito ng palagiang suply ng mga kahoy na hindi pwedeng makuha sa legal na paraan dahil sa mga logging ban sa Sierra Madre. (Advaneda, A24) Pinamumunuan ni Lito Atienza ang isang scam na matatagpuan naman sa DENR tungkol sa patuloy na pagkawasak at pagkakalbo ng nalalabing kagubatan ng Ipo Dam Watershed. Ang problema ng Sierra Madre at ang problemang ito ang siyang pinagkakakitaan ng ilang mga opisyales ng gobyerno at ilang gahamang mamumuhunan. (Usapang Scam... Sierra Madre Style, w.p.) Kumikita sila sa patuloy na pagwasak sa Ipo Dam Watershed sa pamamagitan ng proyektong reforestation sa pamamagitan ng patong kumikita sila ng milyones at pagkaraan ng ilang taon muli nilang patutumbahin ang mga punong itinanim at ito naman ang ibebenta. Ilegal na puputulin upang ibenta yung seedling na naging puno. (Usapang Scam... Sierra Madre Style, w.p.) 21 Ipinapahayag ng mga Bulacan environmentalist ang kanilang pag-aalala sa pagdami ng mga nagsasagawa ng kaingin sa Ipo Watershed. Magiging sanhi ng kontaminadong tustos ng tubig sa Maynila ang mga kemikal na pang-agrikultura. (Sagip Sierra Madre Environmental Society, Inc (SSMESI), w.p.) Ayon kay Bro. Martin Francisco, pangulo ng Sagip Sierra Madre Environmental Society Inc. mahigit kumulang na 70 bahagdan na nakakalbo ang 6,600 ektarya sa kagubatan ng Ipo Watershed at marami na ring mga magsasakang nagkakaingin ang umaangkin sa mga lupain at nagtatanim dito. (Sagip Sierra Madre Environmental Society, Inc (SSMESI), w.p.) Sinisira ng kaingin ang mga watersheds at ginagawa din ito ng mga magsasaka sa slash and burn agriculture kung saan ginagamit ang mga abo na pampapataba ng lupa na gagamitin sa pagtatanim. Kaingin ang proseso ng agrikultura kung saan kinakalbo ang kagubatan sa pamamagitan ng pagsusunog ng mga puno at ginagamit ang mga abo na pampataba ng lupa kung saan mismo nangyari ang pagsusunog. Isa itong diskarte ng mga magsasaka pagdating sa agrikultura na karaniwan nagaganap sa mga bansang tropikal tulad ng Pilipinas. Ito ang pangunahing dahilan ng tropical deforestation. (Slash-and-Burn Agriculture - Shifting Cultivation, Problems of Tropical Deforestation, w.p.) 22 Nagdulot na rin ang mga nagaganap na kaingin ng kakulangan ng tubig pangirigasyon sa mga kapatagan sa ibaba ng bundok. Nagiging sagabal pa ito sa pag-aaani ng mga tanim ng mga magsasaka sa Pangasinan. (Sagip Sierra Madre Environmental Society, Inc (SSMESI), w.p.) Gusto mang pigilan ng pamahalaan ang nagaganap na ilegal na pagtotroso, hindi ito madaling maipapatupad dahil na rin sa ito ang pinagkakakitaan ng ilang mamamayan. Ang Integrated Project Area system (IPAS), isang programa ng DENR ang pumipigil sa ilegal na pamumutol ng mga kagubatan.Sa ngayon, nag-oorganisa ng ecotourism cooperative ang Conservation International, isang NGO para sa mga mamamayan ng Palanan. Ngunit, hindi pwedeng gawing pangunahing hanapbuhay ang ecotourism sapagkat maraming mamamayan ng Palanan ang nagugutom at hindi nito kayang matustusan ang 300 pa lamang sa kabuuang 7,000 na nakarehistrong botante ng Palanan. (Velarde, 6) Maaaring ang alternatibong pankabuhayan ang sagot sa problema kung paano ilalayo ang humigit-kumulang na dalawanglibong pamilya sa kalakalan ng ilegal na troso. Ngunit dahil sa natatangi at komplikadong sitwasyon ng mga taga-Palanan maaaring maging mahirap ang pagpapatupad nito. (Velarde, 6) Nasubukan na mismo ng mamamayang ito ang ilan sa mga alternatibong pangkabuhayan tulad ng pagtatanim ng mga kalamansi at pangingisda sa karagatan. Ngunit dahil sa klima at pagkakabukod ng kanilang lugar ng mga bundok hindi naging maging matagumpay ang mga pangkabuhayang ito. (Velarde, 6) Bukod dito, wala pang mga pasilidad para sa irigasyon ang Palanan para palaganapin ang agrikultura at matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa 23 pagkain. Galing pa sa Cauayan, Isabela ang karamihan ng mga gulay na kanilang kinakain. Pagdating ng Enero nakakaranas sila ng kakulangan sa bigas dahil sa lakas ng hanging amihan na nagpapahinto sa kanila at nagaganap ito sa loob ng apat na buwan. Dahil din sa lakas ng hanging amihan natitigil ang biyahe ng mga barko na magdadala ng karagdagang bigas. (Velarde, 6) Mga tabla at troso ang isinasakay sa mga trak at treyler mula sa Hilaga at Hilagang Silangan ng Luzon. Sinsamahan ng lahat ng klase ng dokumentasyon sa pagpapadala ng mga kahoy sa mga sawmill sa hilaga ng Manila o sa loob ng siyudad mismo. (Vetancio, 11) 24 Lupaing Sakop ng Kagubatan sa mga Nakalipas na Taon A. Noong 1900, napakalawak pa ang sakop ng B. Sa simula ng1920, unti-unti na ring nauubos kagubatan sa lupain ng Pilipinas. ang mga kagubatan sa Pilipinas. C. Ngunit, nang dumating ang 1960, maraming mga kabundukan na ang nakakalbo. Hudyat na ito ng simula ng malawakang illegal logging sa bansa. 25 D. Noong 1987, halos 23.7 bahagdan na lamang E. Dahil sa mga hakbang na ginagawa ng mga ng kabuuang kabubatan ng Pilipinas lamang ang natitira. Bunga ito ng walang humpay na pagtotroso sa buong bansa NGO at ng gobyerno, unti-unti din naming nakabawi ang bansa sa mga nawala nitong likas na yaman. F. Ngunit hindi nito napigil ang nagaganap na illegal logging. Noong 2005, bumaba mula 34 papuntang 24 bahagdan ng kagubatan na lamang ang natitira. 26 G. Sa taong 2010, 6.6 bahagdan na lamang ng kabuuang kagubatan ng Pilipinas ang natitira. Pinukaw nito ang pansin ng ilang mga pribadong sektor na gumawa na ng hakbang upang maibalik ang mga nawalang kagubatan. H. Sa gitna ng taong 2010, umabot sa 19 bahagdan ang kabuuang sakop ng kagubatan sa Pilipinas dahil sa sinagawang hakbang ng gobyerno at sa tulong na rin ng mga NGO. 27 Mga Bansang Nangunguna sa Illegal Logging Sa kolonyal na panggugubat ng mga Amerikano sa Pilipinas nagpatuloy ang pamumutol at pagkaubos ng mga kagubatan. Sa ilalim ni George Ahern, ang unang Amerikanong tagapangasiwa ng Bureau of Forestry, naitatag ang isang forest law noong 1904 na nagbigay ng kapangyarihan sa kawanihan na magbigay ng pribilehiyo na mamutol ng kahoy sa kahit anong proporsyon at haba ng panahon. Dalwampung milyong ektarya ng lupa ang nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan. (Vitug ,12) Hindi lamang mga bansang kanluranin ang namumuno sa malawakang illegal logging sa bansa. Umaangkat rin ang bansang Hapon ng mga hilaw na materyales at alternatibong mapagkukunan ng enerhiya mula sa mga bansang Asyano. Nagluluwas naman sila ng mga produktong gawa sa mga materyales na ito at parehong pinapadala sa mga Asyano at kanluraning bansa. Naging isa sa mga higante sa larangan ng ekonomiya sa buong mundo ang bansang Hapon dahil sa pagpapatibay sa nasabing dibisyon ng paggawa. Naging matagumpay ang cold war structure na pinapatunayan ng bilyun-bilyong bayad ng bansang Hapon sa gobyerno ng Estados Unidos sa panahon ng digmaan sa Gulpo at ibang regular na bayad para sa hukbong militar na nagbigay ng sinasabing tulong sa Korea at Pilipinas. (Naoe, 24) Isang pangunahing halimbawa ang kalakalan ng troso sa paglalarawan ng cold war economy sa relasyong namamagitan sa mga bansang Asyano, Hapon at Estados Unidos. Sakop ng kagubatan ang animnaput pitong bahagdan ng lupain ng bansang Hapon. Tinamnan lang muli ang limampung bahagdan ng mga kagubatan nito. Gawang lokal ang tatlumpung bahagdan ng mga hilaw nitong materyales na kahoy. Galing naman sa mga tropikal na kagubatan ang limampung bahagan ng mga kahoy na inaangkat nito. Isa sa pinakamalaking bansang umaangkat ng mga trosong 28 pantropiko sa buong mundo ang bansang Hapon na bumubuo ng dalawampung bahagdan ng kanyang inaangkat. (Naoe, 24) Sa pagitan ng 1920s hanggang 1960s, ang Pilipinas ang nangungunang nageexport ng mga troso. Mula U.S. papuntang Japan at iba pang bansa sa Pasipiko nagluluwas ng mga troso ang Pilipinas sa huling bahagi ng 1920s kasabay ng pagbunsod ng ekonomiyang industriyal. Sa panahon ding ito, ang Japan ang naging pangunahing nag-aankat ng mga troso sa buong mundo. (Naoe, 25) Sa simula ng taong 1950, unti-unting lumaki ang bilang ng mga punong kahoy na naaangkat ng bansang Hapon mula sa Pilipinas. Humantong ito sa kanyang tugatog noong 1970s ng nagtala 8,000,000 m3 dami ng trosong naangkat nito ngunit bigla rin naming bumaba ito. Sa paghina ng pag-iimport ng Japan ng kahoy mula sa Pilipinas, lumakas naman ang palitan nito sa bansang Indonesia. (Japan'sNoong 1965, patuloy ang panunustos ng ) Tropical Timber Imports-An Overview , w.p. Pilipinas sa tatlumpung bahagdan ng pangangailangan ng mundo na siyang dahilan kung bakit ang bansa ang naging pinakamalaking exporter ng troso sa buong mundo. Naging numero uno ang Pilipinas sa listahan ng log exporters. (Vitug ,25) Nagsimula ang paninira ng bansang Hapon sa mga kagubatan ng Pilipinas noong 1960s at 1970s. Kasabay ng tuluyang pag-angat ng kanilang ekonomiya, prinoproseso nila bilang mga tabla ang kahoy na kanilang inaangkat mula sa ibang 29 bansa. Noong 1955, nagsimula ang pag-iimport ng bansang Hapon ng mga kahoy na galing sa Pilipinas kung saan sinasaklaw nito ang siyamnapung bahagdan sa kabuuang imports ng bansang Hapon. Nagpatuloy ito hanggang sa huling bahagi ng 1960s kung saan tuluyan nang naglaho ang mga kagubatan ng Pilipinas dahil sa ilegal na pagtotroso. (Naoe 25) Tumataas ang pandaigdigang pangangailangan sa mga troso ng Pilipinas kasabay ng pagtaas rin ng mga konsesyon mula sa 5.5 ektarya nuong 1960 hanggang 10.6 ektarya nuong 1971. Naging pangunahing taga-angkat ang Japan ng mga troso sa Pilipinas. Sa kadahilanang ito, ang paggawa ng tabla para sa Japan ang naging pangunahing sanhi ng pamumutol ng mga Philippine tropical wood (Vitug, 14 ) Ang parehong sistema ng pagsasawalang bahala sa mga magsasaka at mangingisda at pagtuturing sa kanila bilang mga taong mas mababa ang dangal na itinaguyod dulot ng modernisasyon ng Hapon ang ginamit rin sa pagtrato nila sa mga bansang Asyano. Malinaw na sinasalamin ng mga kolonyal na patakaran ng bansang hapon sa Korea at Taiwan ang mga katotohanang ito. Hindi ito nabago maging noong panahon ikalawang ng digmaang pandaigdig. Mula 1970, patuloy pa rin na inuulit ng bansang Hapon ang mga proseso na sumasailalim sa konseptong ito na ginagamit sa tuluyang pagsakop ng ekonomiya ng mga bansa sa Asya. (Naoe, 24) Nakabatay ang muling pagbangon ng ekonomiya ng bansang Hapon noong 1970 sa katototohanang pinagkakakitaan nito ang digmaan na namagitan sa Estados Unidos at Vietnam. Isa ring maling palagay na iisiping nagkataon lamang na nakuha ng bansang Hapon ang mga oportunidad na ito. Sa halip, isa ito sa bahagi ng estratehiya ng Estados Unidos noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig, at ang pagtulong sa pagpapalakas ng mga kanluranin bansa ang naging papel ng Japan. 30 Bahagi ang Japan sa dibisyon ng paggwa sa pagitan nito at ng Estados Unidos at iba pang Asyanong bansa para masuportahan ang hukbong militar ng Amerika. Bahagi ito ng cold war structure sa rehiyon ng Asya. (Naoe, 24) Pagdating ng 1990s, nabawasan ang pag-aangkat ng mga troso ng bansang Hapon. Dahil dito, ang bansang Tsina na ang pumalit bilang pangunahing importer ng troso sa buong mundo. Ngunit, tumaas naman ang bilang ng inaankat na tabla ng Japan. Binubuo ito ng 44 bahagdan ng kabuuang kalalakalan ng tabla sa buong mundo. Kung susukatin ang mga inaangkat ng Japan hinggil sa mga roundwood equivalents, binubuo nito ang 25 bahagdan ng pandaigdigang kalakalan noong 1999, kaya ang Japan pa rin ang pangunahing importer ng mga tropical na troso sa buong mundo. (Japan's Tropical Timber Imports-An Overview ,w.p. ) Sa paghina ng pag-aangkat ng troso ng Japan, lumakas naman ang pag-aangkat nito sa mga tabla. Dahil dito, ang bansang Hapon pa rin ang nangungunang nag-iimport ng troso sa buong mundo na umaabot sa 25 bahagdan kumpara sa 21 bahagdan ng Tsina. (Japan's Tropical Timber Imports-An Overview , w.p. ) 31 Ilang taon na ang nakakaraan nang inimbitahan si Jesus C. Sison ng pamahalaan ng bansang Hapon upang makipanayam sa mga matataas na opisyal ng pamahalaang ito. Pinag-usapan nila ang isyu ng illegal log smuggling at ayon sa gobyernong Hapon sa Timog Korea na sila aangkat ng mga troso at hindi na sa Pilipinas. Ngunit, natuklasan na galing din pala sa Pilipinas ang mga inaangkat na troso ng Japan mula sa Timog Korea. (Sison, v ) Isa na ang ilegal na pagtotroso sa mga suliranin bumbagabag sa buong mundo dahil sa pagkasira ng ozone layer. Sa gayon, naging pangamba ang pag-aangkat ng bansang Hapon ng mga kahoy mula sa Sabah at Sarawak ng Malaysia na nais pigilan ng mga pandaigdigang environmentalist. Sa kasawiang palad, hindi napapansin ang pangangalbo ng bansang Hapon sa mga kagubatan ng Pilipinas sa kadahilanang hindi natatanto ng mga Hapon ang mga perwisyo at suliranin na dulot ng tuluyang pagkawala ng mga kagubatan sa Pilipinas tulad ng pagkamatay ng mga tao, pagbaha at pagkaubos ng mga namumuhay na hayop at halaman dito. Nuong 1948, ang Pilipinas ang kauna-unahang pinagkukunanan ng kahoy ng bansang Hapon. Yaong may mataas na kalidad na mga tropical wood ang iniluwas ng Hapon sa Estados Unidos. (Naoe, 25) Tuluyan nang napinsala ang kagubatan ng Pilipinas dulot ng illegal logging dahil walang kahit anumang hakbang ang isinagawa upang matigil ito. Hindi kailanman nagkaroon ng panukala ang Kagawaran ng Agrikultura, Pagsasaka at Pangingisda ng bansang Hapon maging sa loob ng sarili nitong bansa. Halos wala nang natirang virgin forest sa Pilipinas. Ang di-magandang patakaran ng bansang Hapon ukol sa pag-aangkat nito ng kahoy ang pangunahing dahilan nito. Mapanuya mang isipin, ginagamit pa ng bansang Hapon ang salitang warang na isang salitang 32 Tagalog na nangangahulugang masaganang kagubatan kanilang mga produktong kahoy (Naoe, 25) bilang pangalan ng 33 Pinsalang Dulot ng Illegal Logging Sa mga nakaraang panahon, unti-unting nawawala ang mga kayamanang ito. Nakakalbo na ang mga kagubatan at nasisira na rin ang mga anyong tubig. Dahilan sa kagustuhan ng ilan na kumita ng malaki, ang kalikasan ang sumasalo ng mga pasakit na kaakibat nito. Isa sa mga pangunahing dahilan ng mga sakunang tumatama sa bansa ang ilegal na pagtotroso. Sa pagkawala ng mga puno sa mga kagubatan at kabundukan, nawawala na rin ang mga sumisipsip sa mga tubig ulan. Maaaring magdulot ang pangyayaring ito ng mga malawakang pagbaha at pagguho ng lupa. Dahil dito, maraming buhay ang nawawala. Sagrado ang kabundukan. Sagrado ito dahil ang nagsisilbi ito bilang pananggalang ng mga bansang napalilibutan ng malalaking anyong tubig sa hagupit ng bagyo. Ang kalikasan mismo ang humulma nito upang protektahan ang mga tao sa kapatagan. Hindi ba't mayaman sa kabundukan ang Pilipinas. Dinisensyo ng kalikasan ang mga kabundukan upang pananggalang sa malalakas na bagyo. Pinahihina na ang bagsik at hagupit nito ng mga kabundukan bago pa man makarating ang bagyo sa kapatagan. Binabasag nito ang malakas na taglay na hangin sa pamamagitan nang pakikipagbuno muna sa mga nakahanay na kabundukan. (Tantizm, w.p.) Noong nakaraang taon (2009), nagulat ang mga Pilipino sa pagtama ng bagyong Ondoy (Ketsana) sa Pilipinas. Hindi inaasahan ng karamihan ang mga pinsala at kamatayang naidudulot nito. 34 Nabuo ang Bagyong Ondoy noong Setyembre 23, 2009, mga 860 km (535 mi) sa hilagang-kanluran ng Palau. Noong ika-26 ng Setyembre,2009, ang bagyong si Ondoy ay nagdulot ng malakas na pagbuhos ng ulan sa kalakhang Maynila at mga kalapit na lalawigan. Sa loob ng siyam na oras, nagbaha sa iba't ibang lugar at nagbunga ito ng pagkasawi ng 288 katao at pagkawala ng tahanan ng maraming Pilipino. Pagkatapos manalasa sa Pilipinas, dumaan ito sa Biyetnam, Kambodiya at Laos at nagdala ito ng malaking pinsala sa mga bansang yaon. Nasa ibaba ang talaan ng mga nasawi at mga napinsala nito ayon sa National Disaster Coordinating Council (NDCC) : (Bagyong Ondoy, w.p.) Talaan ng NDCC Rehiyon Rehiyon III Rehiyon IV-A NCR CAR Kabuuang Bilang (Bagyong Ondoy ,w.p.) Nasawi 47 103 135 3 288 Mga Napinsala 35 Halaga PhP 3,216,782,587.83 Agrikultura ($68,087,260.80) PhP 1,590,774,865.00 Imprastraktura ($33,670,756.46) PhP 4,807,557,452.83 Kabuuang Napinsala ($101,758,017.26) (Bagyong Ondoy , w.p.) Bukod sa pagbaha, makapagdulot din ng pagguho ng lupa ang pagragasa ng mga bagyo sa Pilipinas. Pitumpung bahagdan ng mga lupang sakahan ang maaaring maagnas. Sa dalawamput apat na probinsya, kulang-kulang limampung bahagdan and naagnas na. Magbubuhat ito ng madalas at malalang mga landslide at pagbaha. Kalahati ng limamput pitong watershed ng bansa ang malapit nang mawala. Magdudulot ito ng mga sakuna at pagbaha, kabilang na ang malawakang pagkasira ng ekonomiya tulad ng sa Ormoc. Dagdag kita para sa ilan. Dagdag kahirapan para sa marami. (Tan, xvii ) Ang pagguho ng lupa na sumunod sa bagyo ay dramatikong manipestasyon lamang ng isang malaon nang pangyayari ang pagkaagnas ng lupa sa kabundukan dahil wala na ang mga ugat ng mga punong siyang humahawak nito. (Bulletin Board ,w.p.) Dala ng bilang ng mga nasawi at mga bangkay na hindi kinikilala, lumalaganap din ang ilang epidemya sa mga pook na naaapektuhan ng baha at pagguho ng lupa. Halimabawa na lamang ang trahedya sa Ormoc. 36 Ayon sa tansiya ng mga tauhan sa gobyerno ng Pilipinas, limang libong tao ang namatay sa pagbaha dulot ng bagyong Thelma. Ang siyudad ng Ormoc ang pinakamalakas na tinamaan kung saan umapaw ang mga ilog at nagkaroon ng pagguho ng lupa na dulot ng malawakang pagbaha. Ang mga funeral homes ay kinapos na sa mga kabaong at formaline; upang matigil ang pagkalat ng mga sakit, ang mga bangkay ay inililibing na lamang sa mga mass graves. (Smith, w.p) Masakit man ang mawalan ng kamag-anak sa mga ganitong sakuna, walang magawa ang gobyerno sa mga bangkay na kanilang natatagpuan. Hindi nila pwedeng hintayin pa na may kumuha sa mga bangkay upang maipalibing ang mga ito. Maaaring pagmulan pa kasi ng mga sakit ang mga naagnas na katawan ng mga patay. Walang ibang paraan kundi ilibing na lamang sila sa mga mass graves. Kaya ang ilan sa mga pamilyang nawalan ng mga kaanak, hindi na rin umaasang buhay pa ang mga ito. Masaklap mang isipin, ito ang katotohanang hindi natin pwedeng takasan. Hindi na bago sa paningin ng mga Pilipino ang mga naganap na pagbaha at pagguho ng lupa sanhi ng bagyo tulad na lamang ng Bagyong Ondoy. Madalas natin itong mapanood sa telebisyon sa tuwing mananalanta ang bagyo sa kabisayaan at ibang bansa. Si bagyong Ondoy, isang bangungot para sa mga dinaanan at nasalanta nito. Marami ang nawalan ng tahanan, kabuhayan, at buhay. Ngunit sa kabila nito, nabigyan ng pagkakataon ang bansang Pilipinas na muling magkaisa tungo sa iisang hangarin, ang unti-unting bumangon at buuing muli ang tahanan at pusong winasak ng kalamidad na ito. Itinuturong dahilan sa mga kalamidad na ito ang ilegal na pagtotroso na sanhi ng malakihang pagkawala ng mga puno. Akala ng ilan, sila na ang lubos na 37 nahihirapan sa mga sitwasyong ito. Ngunit, sino ba talaga ang unang naaapektuhan ng mga ilegal na pagtotroso? Ang mga katutubo ang siyang unang lumalasap ng pasakit na bunga ng ilegal na pagtotroso. Dahilan sa kagubatan na ang kanilang tirahan at pinagkukunan ng pagkain, pagsira din sa kanilang buhay ang pagsira nito. Napipilitan ang ilang mga katutubo na bumaba ng bundok at manirahan na lamang sa mga lansangan ng kapatagan. Nawalan na sila ng tirahan, inaabuso pa sila ng ilang mga ilegal na nagtotroso. Sa Lucena City, ginagamit ng mga ilegal na nagtotroso ang mga katutubo sa pagkuha ng mga troso sa mga nanganganib nang mga kagubatan. Ayon sa grupong Adhikain ng mga Grupong Taong Katutubo na Nagtatanggol (Agta), sila ay hinaharas ng mga ilegal na nagtotroso sa Sierra Madre. (Mallari, A16) Ayon sa grupo, ang ilang mga Agta ay ginagamit ng mga ilegal na nagtotroso upang magtumba ng mga puno. Sila ay ginagamit bilang mga taong kalabaw na bumubuhat ng mga troso palabas ng gubat. Ilan sa mga katutubong ito ay nabubuhay lamang sa pagkuha ng rattan at pagtatanim ng mga gulay na maaaring maibenta. ( Mallari, A16) Nirerespeto naming ang Sierra Madre. Ito ang aming tahanan at aming buhay. Ngunit gusto rin nilang mabuhay at naiintindihan naming sila, sabi ng isa sa mga katutubo. (Mallari , A16) Sa nagaganap na ilegal na pagtotroso, naaapektuhan din maging ang mga tirahan ng mga hayop at ng kanilang biodiversity. Ang ilan sa mga ito ay hindi na maaaring mabawi pa. Dahilan sa maraming mga kagubatan ang nasa matataas na 38 lugar, ang pagkasira nito ay nakaaapekto rin sa ekolohiya ng mga lugar na nasa mababang lebel. (ideyal na estado, w.p.) Noon, mayroong 556 uri ng ibon ang matatagpuan sa Pilipinas. 172 o 44 bahagdan sa 395 lahi nito ang sa Pilipinas lang matatagpuan. Sa 180 uri ng panlupang hayop, 115 o 64 bahagdan dito ang katutubo. Sa 293 mga reptile at amphibian, 214 o 73 bahagdan dito ang katutubo. Ang mga ito ay hindi matatagpuan sa ibang lugar sa mundo. (ideyal na estado, w.p.) Nagtataglay ang Pilipinas ng 8400 na native na halaman o halos kalahati ng sa Estados Unidos at Canada, mga lugar na halos mas malaki ng anim na beses., ayon kay Myers. Halos 3700 ng mga specie na ito ay matatagpuan lamang sa Pilipinas. Daan-daan sa mga native na halaman at hayop ang pinaniniwalaan nang nanganganib nang mawala. Sa 628 terrestrial vertebrates ng Pilipinas, isangkatlo ang katutubo o natural hindi lang sa bansa kundi sa bawat isla ng kanyang arkipelago. Dahil dito, mas nagiging bulnerable ito sa pagkaubos. (Mariano, 7) Nakakatira ang mga tao sa mundo dahil sa proseso ng greenhouse effect. Kapag tumama ang sikat ng araw sa atmospera ng daigdig, sasaklawin ito ng mundo at ilalabas bilang infra-red rays. Sisiluhin naman ito ng mga greenhouse gases sa atmospera upang uminit ang mundo. Ang greenhouse effect ay mahalaga sa upang mapanatili ang buhay sa daigdig at kung wala ito, magiging masyadong malamig. (Deforestation and the Greenhouse Effect, w.p.) Kapag tumaas ang antas ng greenhouse gases sa atmospera, mas maraming sikat ng araw ang masisilo sa himpapawid at makapagpapainit lalo sa mundo. Dahil dito, unti-unti nang natutunaw ang mga yelo sa Polako at kapag nagpatuloy ito, 39 magreresulta ito sa pagtaas ng lebel ng tubig. Maaaring magdulot ito ng malawakang pagbaha. (Deforestation and the Greenhouse Effect, w.p.) Malaki ang ginagampanan ng mga puno sa pagpigil sa pag-init na ito. Sa proseso ng photosythesis, sinisipsip ng mga puno ang mga carbondioxide. binabawasan ng mga puno ang mga carbon dioxide sa atmospera na nagdadala ng sobrang init sa mundo. Naiipon ang ilang mga carbon dioxide sa katawan ng puno at kapag ang mga ito ay pinutol lalong lalo na kapag sinunog, magtatamuli ito sa mga oxygen at magiging mga carbon dioxide muli. (Deforestation and the Greenhouse Effect, w.p.) Isa rin sa mga malalang epekto ng pagtotroso ang pagkawala ng tubig sa irigasyon na ginagamit ng mga magsasaka. Dahil sa pagsipsip ng mga puno sa mga tubig ulan, nakakapag-imbak ito ng tubig sa ilalim ng lupa. Sa natatamasang El Nio ng bansa, mas nagiging napakahalaga ng mga tubig na ito. Ang Hilagang Sierra Madre ay itinuturing na pangunahing pinagkukunan ng tubig ng Rehiyon 2 at ilang bahagi ng Rehiyon 3. Sa hinaharap, maaaring gamitin din ito sa panustos sa National Capital Region (NCR). Ang kagubatang ito ang pinagmumulan ng mga tubig sa dam na nagtutustos sa mga kabahayan at tubig pangirigasyon ng mga nasabing rehiyon. Sa masamang palad, ang pagtotroso ay nakasisira sa lupa sa mga kagubatan. Ang mga nasa mababang lugar na mga gubat ay kumukonti at nababawasan. Isa rin ang malawakang paglilinang ng lupa sa dahilan ng pagsira ng mga kagubatan. (Tan, xiv-xv) Sa pagitan ng 1968 hanggang 1988, lumawak ng halos 14 beses ang mga lugar na pang-agrikultura na walang sapat na tubig, sitwasyon na mas pinalala pa ng mga 40 taunang tagtuyot. Sa maraming lugar, ang pagkakaingin ay sumira sa mga puno na nagdudugtong sa mga bundok. (Mariano, 7) Nagreresulta rin sa mga problemang agrikultura na gumagamit ng irigasyon Ang pagkasira ng mga watershed. Pumuputol sa panustos na tubig ang pagkasira ng mga kagubatan. Magbubuhat ito ng kakauunting saka mula sa mga palay at ibang mga pananim. Nagdudulot ito ng pag-unti ng kita mula sa agrikultura. (Tan, xviii) Mabilis makalimot ang tao sa nakaraan. Kung ikukumpara mo ang kaalaman ng mga Pilipino ngayon sa kalikasan, wala itong binatbat sa kaalaman ng mga sinaunang Pilipino. Hindi nakasayad sa lupa ang karamihan sa mga bahay noon. Alam kasi nila binabaha ang kanilang bansa. Ngayon, mas pinaburan pa ng ilan ang istilo ng bahay ng mga Kastila. Nakatira nga malapit sa Ilog ang mga sinaunang Pilipino ngunit hindi ito dikit na dikit sa ilog. Malayo ito ng ilang metro. Ginagalang nila ang ilog, sapa, lawa, bundok at bulkan. Sa tuwing sasabog ang bulkan, iniisip nila na may nagawa silang di maganda sa kapaligiran kaya nagagalit si Bathala. Nag-aalay pa sila sa kapaligiran bilang pasasalamat sa magandang ani at magandang panahon. Nagdidiwang pa sila sa masaganang ani para kay Bathala. Napakataas ng respeto ng mga sinaunang Pilipino sa kalikasan dahil ito sila umaasa sa araw-araw, kaya nila ito sinasamba. Maganda ang tanaw nila sa hinaharap at kasalukuyan. Lubos nilang inaaalagaan at pinapahalagahan ang kalikasang nagbibigay sa kanila ng buhay. Kung magkakaroon lamang sana ng kaisipan tulad ng sa mga sinaunang Pilipino ang nasa kasalukuyan, mas mapapabuti pa nila ang kanilang bansa. 41 Ngunit dahil na rin sa malawakang globalisasyon, naaapektuhan na rin ang sikolohiya ng mga Pilipino. Mas pinapahalagahan ang pera kaysa ang iba. Inaakalang mas nakahihigit ang mga banyagang bansa kaya nagpapadala sa anumang gustuhin ng mga ito. Kung kaya lang sanang ipaglaban ng mga Pilipino ang kanilang bayang sinilangan, walang mga trahedyang magaganap at maiiwasan ang pagkawala ng maraming buhay. Isinisisi ng ilan ang mga sakunang nangyayari sa kalikasan. Ngunit sino ba talaga ng may kasalanan? Sa bawat punong puputulin ng mga nagtotroso, katumbas noon ang daan-daang buhay na mawawala. Magising sana ang mga Pilipino at malaman nilang sila ang gumagawa ng mga sakunang ito. Matutunan sana nilang pag-ingatan ang kalikasan nang sa gayon, mas maging maunlad ang kanilang bansa. Ang Gobyerno at Illegal Logging 42 Pakinabang sa ekonomiya ang nag-udyok sa mga pulitiko na gamitin at kunin ang mga puno sa mga kagubatan. Nang dumating ang mga Amerikano sa bansa, ipinagkaloob nila ang mga Timber License Agreements (TLAs) sa mga korporasyong Amerikano at ibang kasosyong Pilipino. Pinutol din ang mga puno sa kagubatan upang labanan ang panghihimagsik sa mga kompanyang kontra-insurekyon mula sa panahon ng Kastila hanggang sa ngayon. Upang mapyapa ang nag-aalsang magsasaka noon, ipinamigay ang ilang lupa sa kagubatan. Pinairal ang programang ito sa ilalim ni dating pangulong Magsaysay, Marcos at sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ni Cory Aquino. Maraming pulitiko ang nagtalo pagkatapos ng EDSA Revolution tungkol sa pagpuputol ng punong kahoy. Nagkanya-kanya sila ng naisin kung opisyal na paiirali ang pagbabawal ng pagputol ng punong kahoy o total log ban at mapiling pagtrotroso o selective logging. Hindi pa man natatapos ang pagtatalo, sinundan na ito ng maraming trahedya tulad ng landslide sa Ormoc noong 1991 at pagbaha at pagguho ng lupa sa Aurora at Quezon noong 2004. (Ideyal na Estado, w.p.) Noong 1960s sa kapanahunan ng industriya ng pagpuputol ng puno, pangkaraniwan na ang pagsali ng mga loggers sa pulitika. Nagapapakita lamang ito ng pagkasangkot ng ilang pulitiko mula sa Kongreso sa nagaganap sa kalikasan lalo na sa mga kagubatan. Gaya ng ilang neosyante sumasali sila sa pulitika upang lalo pang mas mapalawak ang kanilang negosyo. Tinatawag din silang wood industrialists ng kanilang kasamahan sa negosyo. Narito ang ilang pulitikong mga loggers: 43 1. Rafael Aquino nahalal sa Sorosogon ngunit may kompanya ng troso at plywood. Natalo naman ang kanyang kapatid na si Jose Aquino, nagmamayari ng JCA Lumber at Plywood industries, sa eleksyon sa Agusan del Sur. 2. Democritio Plaza ang tumalo kay Jose Aquino at nahalal sa Agusan del Sur. Kilala rin siya sa industriya ng torso. Tinawag na battle of the Millionaires ang naging eleksyon dahil ito ang naitalang pinakamahal na kampanya sa eleksyo sa panahon ng dating Pangulong Marcos. 3. Tito Dupaya naging Governor ng Cagayan na may parte sa pag-aari ng Sta. Teresita Wood industries Inc. 4. Jose Puyat pangulo ng Philippine Chamber of Wood Industries 5. David Puson - pinuno ng United Timber Licenses at Bise Presidente ng Northern Luzon of the Philippines Chamber of Woods and Industries. 6. Pedro Roa nahalal sa Misamis Oriental at nagmamay-ari ng ROA wood Industries Inc. at Pedro N. Roa Enterprises. 7. Guillermo Sanchez apat na beses nahalal sa Agusan del Sur at nagmamay- ari ng Sanchez Logging Company. 8. Lorenzo Sarmiento Sr. - dating pangulo g Philippine Chamber of Wood Industries at chairman of the Board ng L.S. Sarmiento and company Inc. at Sarmiento Industries Inc. 44 9. Gaudencio Antonio Naging most outstanding Senator noong 1964 at naging pangulo ng West Mindanao Lumber Company, Mindanao Lumber Development Company, at GE Antonio Inc. 10. Senador Alejandro Almendras kasamahan ni Senador Antonio at nagmamayri ng Caridad C. Almendras Enterprises sa Bukidnon. Sa 196 na Cogressmen sa bansa, halos 10 ang nagmamay-ari ng industriya ng troso kung saan dito nagmumula ang kanilang kayamanan. Sa panahon ng pagtatalo sa log-ban bill noong 1991-1992, nalaman din na isang indutriyalista ng troso ang speaker of the House na si Speaker Ramon Mitra. (Loggers in Congress: Making concessions, 86-92) Isang pulitiko ang itinuturong sangkot sa problema ng illegal na pagtrotroso sa kanilang probinsya matapos maranasan ang napakalaking pagbaha na naranasan doon. Siya si Senador Edgardo Angara ng Aurora. Itinanggi niya na may kinalaman siya sa nagaganap na illegal na pagtrotroso sa Aurora at Quezon. Gayunpaman, bilang mamamayan at pinuno responsibilad niyang alagaan at protektahan ang kanilang kagubatan mula sa ilegal na nagtrotroso dito. (Mata, 5) Sa kabilang dako, ayon sa Agta tribe governor na si Nap Buendicho, ang kapaskuhan at panahon ng eleksyon madalas nagsusulputan ang mga illegal loggers. Sa panahong ito nagangailangan ng malaking pera ang mga pulitiko upang ipambili ng regalo at para sa pangangampanya. Dagdag pa niya, tumutulong upang mapabilis ang pagpapadala ng mga illegal na troso ang ulang dulot ng mga bagyo dahil padadaanin ang mga troso sa ilog. (Mallari, A16) 45 Sa kasalukuyan, binantaan ng NPA o National Peoples Army ang mga pulitikong kukuha ng pondo sa illegal na gawain tulad ng illegal logging sa Mindanao para sa nalalapit na eleksyon. Gayunman, hindi nila binaggit kung anung taktika na kanilang gagamitin at paaano nila malalaman kung sinong pulitiko ang kumukuha ng pondo sa illegal na gawain tulad ng illegal logging. (Santos, w.p.) (3) Isang opisyal ng DENR ang nalamang nagpahintulot sa ilang kompanya na pumutol at mag-angkat ng puno sa Zamboanga. Ayon, kay Governor Rolando Yebes ng Zamboanga del Norte, pinayagan ni Ramon Paje,under secretary for operation ng DENR, ang Dacon Logging Co. na mag-aangkat ng 2,281.44 metro kubiko ng torso mula sa Triple S-B o ang bayan ng Bibuco, Siocon, Sirawai at Balaqiuan, papunta sa mga planta o paggawaan ng torso sa Zamboanga City. Ayon rin sa kanya, isa itong paglabag sa utos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ipatigil ang lahat ng klase ng pamumutol ng puno sa bansa na ideneklara noong Disyembre 6, 2005 at sa memorandum na ibinigay ni Environment Secretary Michael Defensor na kanselahin ang permiso sa lalawigan ng Quezon at suspendihin ang lahat ng permiso sa buong bansa.(Zamora, 1) 46 Pagbabalik sa Dati ng mga Nasirang Kagubatan Sa kabila ng patuloy na pagkasira ng mga kagubatan sa Pilipinas, marami pa rin ang umaasang maibabalik ang mga nawalang ito. Maraming non-government organizations (NGOs) at Peoples Organization ang sumali sa pagtataguyod at pagpapanumbalik ng nasisirang kalikasan. Nahati sila sa ibat ibang aspeto ng kalikasan kung saan marami ang napunta sa pangangalaga at pagproprotekta sa kagubatan. Nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at Estados Unidos na maglaan ng pondo para magawa at matagumpayan ng NGOs at POs ang kanilang hangarin na panatilihin ang likas na yaman sa kagubatan. Tinawag na Tropical Forest Conservation Fund ang pondong gagamitin dito. Nilagdaan ito noong ika-19 ng Setyembre, 2002, kasama ang kasunduang ilagay sa fund ang ibabayad ng Pilipinas sa utang nito sa Estados Unidos. Tinawag na Tropical Forest Conservation Act (TFCA) ang naging kasunduan. Nang bumisita si Pangulong Arroyo sa Estados Unidos Nobyembre 2001, dito binaggit ng US President George Bush ang paglilipat ng ilang utang ng Pilipinas sa 47 Tropical Forest Fund. Kasama sa TFCA ang programang magsasanay sa mga NGOs at POs, mga establishimento,pagsasaayos ng mga parke, pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga naninirahan malapit sa kagubatan, pagpapaunlad ng National Mangement Resource System, pananaliksik ant pagkilalala sa ibat ibang halamang gamot, at pagproprotekta sa mga nanganganib na hayop at halaman. Dahil sa TFCA, hindi lang maproprotektahan ang kagubatan ng bansa kundi mabawasan din ng halos $5.5 milyon ang utang ng Pilipinas sa Estados Unidos. ( Gulane, 29) (7) Isa rin ang Haribon Foundation sa tumututol sa pagsira ng kalikasan. Sa pamamagitan ng organisasyong ito, nabibigyan ng oportunidad ang mga tao na malaman ang kanilang parte at maaaring gawin upang maprotektahan ang natitirang kalikasan, lalong lalo na ang mga puno sa kagubatan. Itinatag ang organisasyong ito noong 1988 upang panatilihin ang natitirang puno at pangunahan ang pagpapahinto ng pagtrotroso sa bansa. Sa pagsali sa organisasyong ito, hindi lang kaalaman sa pagligtas ng mga puno ang maaaring matutunan, may ilang benpisyo rin sila gaya ng Haring Ibon Magsin para sa isang buong taon, lectures at mga seminars, at ibat ibang oportunidad sa pag-vovolunteer. (Haribon:Planting the seeds of hope, w.p.) Halos 60% ng kagubatan sa Pilipinas ang nakakalbo at mayroon lamang 15% ang natataniman ng mga puno. Isang training workshop tungkol sa pagababalik ng nasirang kagubatan ang itinatag sa pagmamatnubay ng World Conservation Union (IUCN) upang solusyunan ang nangyayari sa mga kagubatan. Itinatag ito sa Bagac, Bataan mula Mayo 8 hanggang 12 taong 2006. 48 Lumahok sa workshop na ito ang mga kinatawan ng ibat ibang ahensya ng gobyerno, sibil na lipunan, mga pribadong sektor, lokal na komunidad at mga organisasyong nagsasaliksik upang malaman ang mga dahilan ng pagababago ng anyo ng gubat sa bansa. Itinuro din sa kanila ang konsepto ng FLR sa pamamagitan ng maraming aktibidad, patio na rin ang field trip. Hindi tulad ng dati, tinintingnan ng FLR ang kagubatan sa mas malawak na perspektiba. Tinutuunan din nila ng pansin ang aktibong pakikisama ng lokal na komunidad sa wastong paggamit ng lupa. Samantala, binigyan naman ng payo ang mga lumahok tungkol sa alituntunin o gabay sa pagbabalik sa nasirang kagubatan. ( Philippine hosts the first FLR Workshop in Asia, w.p.) Pinamunuan ng Watershed Management Sub-component (WMS) ang pagtatatag ng Southern Philippines Irrigation Sector Project (SPISP). Naisaktuparan na rin ito ng Department of Environment and Natural Resources o DENR. Pinondohan ng Asian Development Bank (ADB) ang proyektong ito. Itinatag ang SPISP-WMS upang mapnatili at mapaunlad ang hydrologic integrity ng mga watershed sa lugar. Sa gayoy maiwasan ang pagkasira ng mga daanan ng tubig ng mga irigasyon. Ilan din sa kanilang tiyak na layunin ang kontrolin ang paglipat ng mga lupa sa mga sakahan, tulungan ang mga magsasaka na paunlarin ang paraan ng pagtatanim, gamiting na husto ang limitadong batis para sa mga aktibidad ng watershed management, protektahan ang natititrang kagubatan, at magbigay ng potensyal na pangkabuhayan. Ilan sa mga hakbang na kanilang gagawin ang serbey, kampanya para sa impormasyon at edukasyon, pagsasayos ng komunidad, paglalagay ng lugar para sa mga batang halaman, rehabilitasyon at proteksyon ng mga watershed, at pagbabantay 49 sa kasalukuyang kalagayan ng bawat aktibidad.( Primer on southern Philippines irrigation sector project watershed management sub-component, w.p.) Naniniwala ang gobyerno na kung mabibigayang solusyon ang kailangan ng mga tao, sa kanilang sarili magsisimula ang pagtutulungan sa pagprotekta at pahalagahan ang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan. Sa paniniwalang ito nabuo ang Community - Based Forest Management. Hangarin ng organisasyong ito na paunlarin ang kalagayan ng mga kagubatan, magbigay hustisya at paunlarin ang lokal na komunidad, at matibay na samahan mula sa Department of Environment and National Resources at Local Government Units (LGUs). Maaaring lumahok sa organisasyong ito ang mga katutubo sa pamumuno ng kanilang Peoples Organization (Pos) at kanilang mga kagawad. Sa pamamagitan ng pakikisama ng DENR at LGUs malaki ang pag-asang maging matagumpay ang organisayon. DENR at LGUs ang tumutukoy at nagplaplano para sa CBFM ng mga komunidad at kagubatan, nagbabantay sa mga aktibidad ng organisasyon para sa komunidad at nagsusubaybay sa nagiging takbo at naidudulot ng mga aktibidad. (Primer on community based forest management, w.p.) Ginagawa ng DENR ang lahat ng kanilang makakaya upang masugpo na ng lubusan nag mga ilegal na nagtrotroso sa mga kagubatan sa ating bansa. Isang magandang halimbawa ang ginawa ng DENR- CALABARZON habang ginagawa ang Marikina-Infanta road Project malapit sa kabundukan ng Sierra Madre. Hiniling ng Department of Environment and National Resources ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) sa DPWH na makipagtulungan sa kanila sa paghuli sa mga illegal na nagtrotroso lalo na sa kabundukan ng Sierra Madre. Hiniling rin ng mga opisyal ni Nilo Tamario, director 50 ng DENR-CALABARZON, sa EC de Luna Construction na syang kontraktor ng Marikina-Infanta Road project na huwag palampasin ang mga sasakyang papunta sa lugar na ginagawaan maliban sa mga sasakyang may dalang materyales sa paggawa ng kalsada. Noong nakaraang Oktubre 21, hinuli ng mga pulis ng Baras, Rizal ang dalawang dump trak na naglalaman ng 16.53 metro kubiko ng torso na pinaniniwalaang illegal na pinutol sa Sierra Madre. Ayon kay Tamoria, nagdala ang 2 trak ng buhangin mula sa Porac, Pampanga papunta sa lugar na pinagagawaan ng proyekto, at naglalaman na ito ng mga illegal na torso ng paalis na galing sa lugar ng gawaan. Anim na tao ang sinampahan na kaso kabilang ang isang pulis na na nakadestino sa Tanay, Rizal at umaaktong eskort ng mga pinutol na mga puno. Nakakatanggap pa rin ang DENR tungkol sa mga illegal na nagtrotroso sa kagubatan. Gayunpaman, sinabi ni Tamoria na mahuhuli pa rin ang mga ito sa tulong ng mga DENR, military at ibang sector.(Mallari, A16) Napagpasyahan ng dating kalihim ng kalikasan Michael Defensor na maglaan ng pondo para sa proyektong reforestation sa Bohol. Inanunsyo ni Defensor ang nasabing proyekto sa Sitio Binabaye Barangay Cambaol Alicia, Bohol kasabay ang pagdiriwang ng World Environment Day noong Nobyembre 8, 2009. Muli niyang binaggit ang pangako sa Bohol Gobernor Erico Aumentado sa isang pagtitipon. Sa kanyang iniwang mensahe sa Cambaol, hinikayat ni Defensor ang lahat na magtanim ng maraming puno at alagaan ang nasisirang kagubatan mula sa illegal na pagtrotroso at kaingin. Ayon rin sa kanya, mayroon na lamang 6.4 milyong ektarya ng gubat ang natitira sa bansa mula sa 15 milyong ektarya noong 1960s. Dagdag pa 51 niya, sa 2004 serbey, mayroong 7.4 milyong ektarya ng gubat at kailangang taniman ng 8 milyong ektarya ang nasirang kagubatan. Ipinaliwanag rin niya na maswerte ang Pilipinas sapagkat lumalaki ang mga puno dito sa halos 7 hanggang 8 taon kumpara sa 40 taon sa Europa at Estados Unidos. Ipinangako rin niya na gawing responsibilidad ng mga korporasyon na tumulong sa pagpapanumbalik ng kagubatan. Pinangunahan ni Defensor at Aumentado ang pagtatanim ng puno ng Mabolo. Iniskedyul naman ang malawakang pagtatanim, kung saan madalas ang pag-ulan upang masiguradong hindi ito mamatay. Makapipili rin ang mga tao kung anung klaseng puno ang nais nilang itanim, maaaring punong pangkagubatan o punong namumunga. Pitongpung bahagdan (70%) ditto ang maaaring mapakinabangan ng mga pamilya, habang tatlongpung bahagdan naman ang gagamitin ng gobyerno upang muling ipantanim. Namigay rin ang Gobernador ng buto ng puno ng Pawlonia na tinaguriang Wonder tree ng Tsina dahil maraming naidudulot sa tao ang lahat ng parte nito.(Blanco, w.p.) 52 Ang Hinaharap Hapon, Amerika, at Korea ang mga pangunahing bansang umaangkat ng troso sa bansa na nagiging sanhi ng unti-unting pagkaubos ng mga yamang gubat. Habang tumatagal, lalong nadudungisan ang pangalan ng bansa. Kung ikukumpara sa nakaraang panahon, kilala sa pagtataglay ng mayamang kalaikasan ang bansa. Ngunit ngayon, isa na ang Pilipinas sa mga bansang nanganganib maubusan ng mga kabubatan. Maraming trahedya ang pwedeng idulot ng illegal na pagtrotroso.Ilan sa mga ito ang landslide o ang pagguho ng lupa at pagbaha na maaaring magdulot pagkawala ng buhay ng ilan. Maaaring maubos ang mga puno sa bansa kung patuloy kakalbuhin ang mga kagubatan ng mga illegal loggers at mga pribadong kompanya sa loob at labas ng bansa na walang habas na kumukuha ng torso sa kagubatan at di alintana ang mga idududolt nito sa iba. Kahit na mahirap nang ibalik ang mga dati nang nawala, pilit paring gumagawa ang ilang ahensya ng gobyerno upang solusyunan ang isa sa mga sakit ng lipunan, ang illegal logging. Maraming organinsasyon na rin ang nabubuo upang makatulong sa pga-aalaga ng mga puno sa kagubatan. Makikita dito na hindi 53 nawawalan ng pag-asa ang ilang mga tao sa paglutas sa problemang ito. Gaya nga ng nasusulat sa Biliya, Pagkat ang kahoy man ay may pag-asa, Kahit na putulin, ito ay magsasanga. Kahit ang ugat nito ay matanda na, at mamatay ang puno sa kinatamnan niya, Kapag ito ay nadilig magsusupling pagdaka (Job 14:7-8). BIBLIOGRAPIYA Libro Tan, Jose Ma. Lorenzo. The Last Great Forest, Luzons Northern Sierra Madre National Park. Makati City: Bookmark,2000 Vitug, Marites Danguilan. Power from the forest: Politics of Illegal Logging. Manila Philippine center for investigative journalism, 1993 Magasin After 2000. Philippine Free Press, 1991 Bulletin Board. The NMCL Vol. 3 No. 21 Death Waters. Asiaweek, 1992 Naoe, Akiyama. Japanese Involvement in the Ecological Destruction in the Philippines. Impact. 1991 Roots of Tragedy. Far Eastern Economic Review. 1991 Smith, Richard. Ordeal by Mud and Water..Newsweek, 1992 Tacio, Henrylito D. Last of vanishing tropical forests. Times Journal, 1993 Pahagayan Advaneda, Katherine. Illegal Logging continues in Sierra Madre. Philippine Star, Vol. 20, No. 279, 2005 Anas, Priscila R. Why government would find it hard to implement total log ban. Manila Bulletin, Vol. 384 no. 9, 2004 54 Bengwayan, Michael A. RP forests to disappear in 20 years, Experts worn. Phil. Post, Vol. 2 no. 106, 2000 Blanco, June S. Defensor will fund Bohols reforestation project, EME (PGMA-Bohol). 2005 Dela Cruz, Roderick T. Deforestation in RP called worst in Asia. Manila Standard Today, Vol. 1, no. 305, 2006 Gulane, Judy T. Novel way to finance Forest Revival. Business world, Vol. 17 no. 114, 2004 Loggers in Congress Making Concession Mallari, Delfin Jr. Illegal logging thrives in Christmas, polls. Inquirer Southern Luzon , 2009 Mallari, Delfin Jr. DPWH asked to help stop illegal logging: Inquirer Southern Luzon, 2009 Mallari, Delfin Jr. Logging syndicate uses tribesmen as human carabaos. Philippine Daily Inquirer, Vol. 21 no. 194, 2006 Mariano, Dan. Deforestation is worse than we think. Today, No. 3 1612, 2004 Mata, Nestor. Politics and Illegal logging. Malaya Vol. 22 No. 320, 2004 Santos, Dennis Jay. NPA warns politicians about illegal campaign funds. Philippine Daily Inquirer, 2009 Sison, Jesus C. Illegal Logging is alive and well. Malaya, V. 23 #314, 2004 Velarde, Emmie. The Illegal Logger. Sunday Times Magazine/ Manila Times,Vol. 37 no. 110, 1995 Vetancio, Romeo V. Rice/ log smuggling. Manila Bulletin, Vol. 370 no. 2, 2009 Zamora, Fe. Gov accuses top DENR exec of protecting Zambo loggers. Inquirer vol. 20 no. 48, 2001 Internet 55 All the details and information about the Benefit of Deforestation and lots more!. help find solutions to stop the destruction of our earth, 2010. http://www.solutionstoearthdestruction.com/Benefit-Of-Deforestation.html Bagyong Ondoy. 2009, http://tl.wikipedia.org/wiki/Bagyong_Ondoy Deforestation and the Greenhouse. 2005, Effect. http://www.bbc.co.uk/dna/h2g2/A3556848 Draffan, George. World's Largest Wood and Paper Products Corporations. http://www.endgame.org/gtt-corps-ranked.html Ideyal na Estado. 2008 , http://mahalshalalhashbash.multiply.com/journal/item/9. Japan's Tropical Timber Imports-An Overview, Translation with cooperation of Sarawak Campaign Committee, Japan. 2005, http://www.jca.apc.org/jatan/eng/tropicaltimber.html Philippine hosts the first FLR Workshop in Asia. 2006, http://iucn.org/about/work/programmes/forest/fp_our_work/fp_our_work_thematic/fp _our_work_flr/?459/Philippines-hosts-the-first-national-FLR-workshop-in-Asia Primer on Community Based Forest Management Agreement, http://forestry.denr.gov.ph/primer.htm Primer on southern Philippines irrigation sector project watershed management sub-component(spisp-wms). 2002-2005, http://forestry.denr.gov.ph/primer.htm Protecting Nature, Preserving life. Haribon: Plating the seed of hope. 2004, http://www.haribon.org.ph/Topic/14/Protecting-Nature.-Preserving-Life. RPs Major Timber-Product Exports Up By 52 Percent In 2004, 2010 Philippines : Gov.Ph : The Official Government Portal of the Republic of the Philippines. 2005 , http://www.gov.ph/index.php? option=com_content&task=view&id=6731&Itemid=2 Sagip Sierra Madre Environmental Society, Inc (SSMESI), 2010 Net Industries and its Licensors. 2010, http://sagipsierramadre.multiply.com/notes/item/59 Slash-and-Burn Agriculture - Shifting Cultivation, Problems of Tropical Deforestation. http://science.jrank.org/pages/6172/Slash-Burn-Agriculture.html Tantizm. Pagtanaw sa Bagsik ng Bagyong Ondoy. http://www.filipinowriter.com/pagtanaw-sa-bagsik-ng-bagyong-ondoy , 2009 56 The Philippines Wood Producers Association (PWPA). http://www.pwpa.org.ph/organization.php Top 5 Processor Companies ,The Forest Industry in the 21st Century Worlds #1 Wood Processor. International Paper USA, http://www.rainforests.net/top5woodprocessors.htm Usapang Scam... Sierra Madre Style. 2009, http://sakay2007.multiply.com/journal/item/179/UsApaNg_ScAM..._SieRRa_mADrE _sTyLe?replies_read=2. ... View Full Document

End of Preview

Sign up now to access the rest of the document