worthA2ndLook season 1&2 by allaroundprincess - WORTH A SECOND LOOK Chapter One\"Hoy andyan na si Sir someone yelled There was a commotion as

worthA2ndLook season 1&2 by allaroundprincess - WORTH A...

This preview shows page 1 - 3 out of 671 pages.

WORTH A SECOND LOOK Chapter One "Hoy, andyan na si Sir!" someone yelled. There was a commotion as everybody rushed to get back to their seats... Kanya kanyang tulakan para makarating sa upuan agad; habang yung iba todo hanap ng mapapagtaguan ng balat ng kinakain nila. Bawal kasi ang kumain pag class hours, pero sa klaseng ito, walang bawal-bawal... lalo na pag gutom. Ngunit dahil Homeroom time na at any minute now eh parating na ang adviser nila, heto sila at nagpapakabait, dahil alam nilang hindi sila kukunsintehin ni Sir Mar. As everyone settled down and tried to look innocent, the classroom door opened. A stocky, big-bellied man entered, looking serious and composed. As usual. Tumingin tingin siya sa mga estudyante niya, as though spotting something wrong with their all-too-angelic expressions. "Guys, if you think na napapaniwala niyo ko sa saintly act niyo, you're very mistaken. Lalo na't nangangamoy ang sky flakes." Natawa naman ang mga estudyante ng Fourth Year Integrity sa sinabi niya. "Anyway, andito nga pala ako kasi may gagawin tayong importante." Taasan ang mga kilay. Ano nga naman kaya yun? "Ano ba. Palitan na ng seating arrangement. Say your tearful goodbyes!" "Oh, tumayo na kayo... anong hinihintay niyo?" sabi ni Sir Mar. Tayo naman silang lahat, at nagsimula na si Sir na magtawag ng mga pangalan... Ria's POV: Kanina pa akong nakatayo dito, and my muscles were seizing up due to a lack of movement. Ano ba naman yan, anong petsa na, hindi pa ako tinatawag... Pati braso ko nangangalay na. On my left arm were my books, on the other was my bag, which was still half-open, nakalimutan ko nang i-zipper. Tiningnan ko yung mga hindi pa natatawag... yung mga taong most likely na makakatabi ko... I saw Maffy, my best friend, standing at the very end of the line. She smiled at me and I did the same, hoping na sana, siya na lang ang makatabi ko. "Ria." "Po?" "Dun ka. Third row sa may aisle."
Tumango ako to acknowledge that I had understood; tapos pumunta na ako sa bago kong upuan. "Angelo... take the seat beside Ria." One of the jocks in class went and carried his bag with him. Tiningnan ko siya as he passed by... I wondered how the next quarter would go. Wala akong kahit anong idea kung anong klaseng tao si Angelo... pero dahil popular siya sa campus, I didn't think too well of him, or any of his other peers for that matter. Ayoko sa grupo nila, ang yayabang kasi, wala naming maipagmamalaki. Mga gwapo nga, ang tatamad naman, minsan sobrang slow pa. Well, ayoko talaga sa kanila... maliban siguro sa isa, yung kababata ko, si Liam. Nag-creak yung upuan sa tabi ko, cutting into my thoughts. When I looked, he smiled at me. Ngumiti din ako para hindi naman masabing bastos ako. "Paano ba yan. Kopyahan tayo ha?" sabi niya sa akin in a low voice. I went like, "HUH?" Was he expecting me to laugh?

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture