You've reached the end of your free preview.
Want to read all 140 pages?
Unformatted text preview: 2017, Tomo 2 Interdisiplinaryong Journal
sa Edukasyong Pangkultura Talas: Interdisiplinaryong Journal sa Edukasyong Pangkultura
2017, Tomo 2
Karapatang-ari @ 2017 Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining
at Philippine Cultural Education Program Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining
Philippine Cultural Education Program
Room 5D #633 General Luna Street, Inramuros, Maynila
Telepono: (02) 527-2192, lokal 529
Email: [email protected]
BACH Institute, Inc.
Bulacan Arts Culture and History Institute
2nd Floor, Gat Blas Ople Building
Sentro ng Sining at Kultura ng Bulacan
Bulacan Provincial Capitol, Complex
Malolos City, Bulacan 3000 The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) is the overall coordination and policy
making government body that systematizes and streamlines national efforts in promoting culture
and the arts. The NCCA promotes cultural and artistic development: conserves and promotes the
nation’s historical and cultural heritages; ensures the widest dissemination of artistic and cultural
products among the greatest number across the country; preserves and integrates traditional
culture and its various expressions as dynamic part of the national cultural mainstream; and
ensures that standards of excellence are pursued in programs and activities. The NCCA administers
the National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA). Hindi maaaring kopyahin ang alinmang bahagi ng aklat sa alinmang paraan—grapiko, elektroniko,
mekanikal—nang walang nakasulat na pahintulot mula sa mga may hawak ng karapatang-sipi. 5 Lupon ng Editor
Editor Nilalaman
Paunang Salita/Joseph “Sonny” Cristobal 8 Introduksiyon/Galileo S. Zafra Joseph “Sonny” Cristobal
Direktor, Philippine Cultural Education Program
Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining
Tagapaglathala
Joseph “Sonny” Cristobal, Punong Editor
Galileo S. Zafra, Editor ng Isyu
Alpha Ruiz, Tagapamahalang Editor
Veronica Ginez, Tagadisenyo ng Pabalat at Journal
Alpha Ruiz, Program Officer
Jennifer Barberan, Information and Documentation Officer
Agnes Villareal, Administrative Officer
Jonna Requiestas-Cadiente, Project Assistant
Sekretaryat ng PCEP
Herminia Laudencia
Rey Clement Maaliao
BACH Staff Ang Talas Journal ay isang refereed journal na dumaraan sa double-blind na proseso ng pagreferee. Ang mga artikulo ay sinuri ng mga editor at referee. May karapatan ang mga editor na
tanggapin o hindi ang mga materyal na isinumite sa journal. 7 Mga Saliksik at Malikhaing Akda
I. Kasákit endú Tudtúlan: Danas ng “Sákit” sa Kuwento
ng isang Maguindanaon para sa “Sariling Pagtatakda”
Mary Jane B. Rodriguez-Tatel II. Mga Naratibo ng Pakikibaka sa Hacienda San Antonio
at Sta. Isabel ng Ilagan, Isabela Laban sa Korporasyong ANCA
(1980-1983)
Joanne V. Manzano III. 51 Ang Bawat Panayam ay Paaralan ng Pagkatuto:
Ang Peministang Paghabi ng Kasaysayan
ng Kababaihan ng Tundo
Nancy Kimuell-Gabriel IV. 69 Sabungerong Indio, Dayuhang Manonood:
Mga Panlipunang Pananaw at Kaisipan sa Pagsasabong
at Sabungan mula sa mga Tala ng Dantaon 19
Emmanuel Jayson V. Bolata V. 109 Masid, Unawa at Arok sa Ako ng Penitensiya
sa Kalayaan, Laguna
Jeremy Reuel N. dela Cruz VII. 125 Bitak sa Tapayan: Ilang Tala at Tagay hinggil
sa Karahasan, Kagandahang-asal at
Awit-epikong Kudaman ng Palawan
Arbeen R. Acuña VIII. 91 Si Kapitan Andres Novales at ang Kaniyang
Pag-aalsa Noong 1823
Palmo R. Iya VI. 13 149 Idealismo sa Patnubay at Panuto:
Pananagisag sa Birtud ng Babae sa Awit
Pauline Mari Hernando 165 6 7
IX. U Z. Eliserio X. 189 En Memoria Cariñosa: Soldado Tenso Conserbado (1898-1976)
Amado Anthony G. Mendoza III XI. 207 Kappanimad-On: Ang Adaptibong Kasangkapang Pangwika
at Pagtingin sa Ilang Tala Ukol sa Pagpapayabong
ng Kaalamang-Bayan sa UP Kolehiyo ng Agham Panlipunan
at Pilosopiya
Vicente C. Villan XIII. 211 Tabi-tabi Folkloradyo! sa DZUP 1602: Salugpungan
ng Folklore, Agham Panlipunan at Philippine Studies
sa Pangmadlang Komunikasyon
Carlos P. Tatel, Jr. XIV. 231 Pasundayag: Pagpapalitaw ng Kapangyarihang Kultural
sa Kasaysayan at Pilosopiyang Pilipino
Ma. Theresa T. Payongayong XV. 199 Mga Tula—
Ang Tagapangalaga ng Liham
Liham Kay Sido
Liham sa Taga-Islang Lumisan
Allan C. Popa XII. Paunang Salita/Joseph “Sonny” Cristobal Sa Pagitan ng Agham at Sining:
Ang Kaso ng Epektibong Pakikipagkapuwa 241 Paglusong at Pagsulong sa Wika, Kultura,
at Lipunang Filipino sa Sistemang Dihital:
Karanasan sa Proyektong eFilipiniana MOOC
ng UP Open University
Jayson de Guzman Petras Ang mga Manunulat May bagong latag na plano ang Philippine Cultural Education Program (PCEP) ng National
Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa darating na limang taon (2018-2023). Ang
planong ito ay hinubog ng mga alalahanin at paghahanda sa kahaharaping hamon ng edukasyong
kultural ng NCCA para sa pamayanang Filipino. Ang gawain at katuparan ng PCEP 2018-2023 plan
ay mas malaki pa sa mandato ng NCCA, kaya nangangailangan ito ng suporta mula sa mga ahensiya
ng pamahalaan, pribadong mga organisasyon at institusyon sa kultura at edukasyon, at sa mga
indibidwal tulad ng guro, mag-aaral, mananaliksik sa sektor ng edukasyon upang mapagtagumpayan
ito.
Ang edukasyong kultural sa konteksto ng Philippine Development Plan 2017-2022 ay
nakakawing sa AmBisyon 2040 ng Pamahalaang Filipino. Ambisyon nito ang isang bansang ang
mamamayan ay malaya sa kagutuman at kahirapan, may pantay na pagkakataon, may katarungan, at
may lipunang pinangangasiwaan ng kaayusan at pagkakaisa.
Kailangan ding ihanda ang edukasyong kultural sa impact ng Association of Southeast
Asian Nations (ASEAN) Integration sa edukasyong Filipino, gayundin sa mga maaaring epekto ng
mga programa at kasunduang tulad ng ASEAN Qualifications Reference Framework (AQRF),
ASEAN International Mobility of Students (AIMS) Program, at ASEAN University Network
(AUN). Nakapaloob din sa naging paghahanda sa PCEP 2017-2022 ang kapalaran ng wikang
pambansa at ng K+12 Basic Education Curriculum.
Ang paglalathala ng PCEP sa Talas Journal ay isang tugon sa mga kontekstong nabanggit.
Sa pamamagitan ng akademikong lathalaing ito, inaasahang mabibigyan ang mga mambabasa,
lalo na yaong nasa larang ng edukasyong pangkultura, ng mga tekstong mapanuri at malikhain na
maaaring magsilbing hikayat at hamon para makilahok sa produksiyon ng kaalaman na mahalaga sa
nagbabagong mga konteksto ng edukasyon, kultura, at lipunang Filipino.
Pagbati sa lahat ng mga nag-ambag sa paglalathala ng Talas Journal 2017. JOSEPH “SONNY” CRISTOBAL 257 Direktor
Philippine Cultural Education Program
National Commission for Culture and the Arts 275 Tomo 2, 2017/ TALAS 8 9 Introduksiyon/Galileo S. Zafra
Kailangan ng talas sa edukasyong pangkultura. Talas ng ulo. Talas ng isip. Talas hindi lang sa
metodo ng pagtuturo kundi lalo na, sa laman ng ituturo. Talas hindi lang sa paghahanap ng nilalaman
ng pagtuturo kundi sa mismong produksiyon ng ituturong kaalaman at karunungan.
Sa koleksiyong ito ng Talas Journal, ang ikalawang tomo, napapatampok ang mga saliksik
at suri sa iba’t ibang aspekto ng kultura at lipunang Filipino. Makabuluhan ang mga artikulo hindi
lamang dahil sa inilalahad nitong mga kaalaman, pananaw, idea, kundi maging sa ipinamamalas nitong
mga paraan ng pananaliksik at pamantayan ng pagsusuri. Mababasa, kundi ma’y mahihiwatigan
sa mga artikulo ang mga batayan ng pagpili ng paksa at pagtiyak ng suliranin ng pag-aaral; ang
pagtukoy ng puwang sa pananaliksik batay sa daloy ng mga naunang pag-aaral; ang pagpapasiya
sa pinakaangkop na metodo ng pananaliksik; at ang pagtiyak sa teorya, konsepto, o dalamut na
babalangkas ng pag-aaral o magiging salalayan ng pagsusuri—ang lahat ng ito ay pawang hinuhugis
ng oryentasyong Filipino ng Filipinong mananaliksik, at pangunahing hinuhulma ng Filipinong
konteksto ng kultura, lipunan, at kasaysayan.
Sa papel na “Kasákit endú Tudtúlan: Danas ng ‘Sákit’ sa Kuwento ng Isang Maguindanaon
para sa ‘Sariling Pagtatakda’” ni Mary Jane B. Rodriguez-Tatel, itinampok ang tudtúlan (kuwento,
sa wikang Maguindanaon) bilang alternatibong pamamaraan ng pananaliksik na nakatuon sa larang
na personal—sa kaibuturan ng sarili—ng isang Maguindanaoan. Malay sa limitasyon ng mga
dominanteng paradaym, metodolohiya, at pamamaraan ng pananaliksik mula sa labas, bumaling ang
awtor sa sariling tradisyon ng pananaliksik sa Filipinas, ang mga katutubong pamamaraan (tulad ng
pakapa-kapa, pakikipagpalagayang-loob, pakikisama, pakikipagkuwentuhan) na matagal nang nilinang
sa larang ng Sikolohiyang Pilipino. Sentral na aspekto sa mga pamamaraang ito ang pagbubuo ng mga
ugnayan o pakikipag-ugnayan na maitutumbas sa Pilipinong dalumat ng kapwa at pakikipagkapwa. Sa
katapusan ng papel, bukod sa paglalarawan sa sarili ng isang Maguindanaoan na nasa hugpungan ng
samut saring tunggalian, nakapaghain din ang awtor ng ilang muni at kabatiran hinggil sa katangian
at bisa ng tudtulan bilang paraan ng paglikha ng kaalaman: kabukasan ng isip ng mananaliksik,
pakikipagpalagayang-loob, pagbuo ng pangmatagalang ugnayan, paggamit ng pandama at pagdama,
tudtulan bilang kapwa panitikan at kasaysayan, at “bayanihan sa paglikha ng kaalaman.”
Sa artikulong “Mga Naratibo ng Pakikibaka sa Hacienda San Antonio at Sta. Isabel ng
Ilagan, Isabela Laban sa Korporasyong ANCA (1980-1983)” ni Joanne V. Manzano, ang pagkalap
ng mga naratibo din ng mga karaniwang mamamayan ang pangunahing metodo ng pananaliksik.
Tinipon ng awtor ang mga kuwento ng mga magsasaka, at mula rito, hinalaw ang gunita at unawa
ng mga tao tungkol sa mga nangyari sa lupaing kanilang sinasaka at inaagaw ng kroni ng dating
pangulong Marcos. Sa pagbuo ng naratibong ito, hindi lamang naisalaysay ang tugon, tindig,
tagumpay ng kolektibong pagkilos ng mga magsasaka, kundi nag-aambag din ito sa diskursong
pangkasaysayan hinggil sa mga pangyayari sa kanayunan noong dekada 1970 hanggang 1980,
panahon ng Batas Militar.
Itinatampok naman sa papel na “Ang Bawat Panayam ay Paaralan ng Pagkatuto: Ang
Peministang Paghabi ng Kasaysayan ng Kababaihan ng Tundo” ni Nancy Kimuell Gabriel ang
kasaysayang pasalita bilang bagong batis sa pagbuo ng kasaysayan. Hindi tulad ng tradisyonal na
historyograpiyang nagbibigay-diin sa mga dokumentong nakasulat, ang kasaysayang pasalita ay
higit na nakabatay sa mga panayam, kuwento, kuwentuhan. Ang ganitong metodo ay nagiging Tomo 2, 2017/ TALAS lalong mahalaga sa pagsisiyasat sa personal at kolektibong buhay ng kababaihang mahihirap dahil
ang mga salaysay nila ay hindi nagkapuwang sa mga sangguniang nakasulat. Sa may tatlong taong
pananaliksik ng awtor sa larang, hindi lamang mga salaysay ng kababaihan ang kaniyang nalikom
kundi maging ang mga danas at kabatiran hinggil sa gawaing panlarang at kasaysayang pasalita bilang
mga pamamaraan ng pananaliksik. Ambag ang papel na ito sa patuloy na paglinang sa peministang
metodo ng pananaliksik na nakapook sa kultura at lipunang Filipino.
Sa artikulong “Ang Sabungerong Indio, Dayuhang Manonood: Mga Panlipunang Pananaw
at Kaisipan sa Pagsasabong at Sabungan mula sa mga Tala ng Dantaon 19” ni Emmanuel Jayson
V. Bolata, imbestigasyon sa artsibo at metodong dokumentaryo naman ang ginamit na mga
pamamaraan ng pananaliksik. Paksa ng papel ang kultura ng sabong sa dantaon 19. Pangunahing
batis ng mananaliksik ang primaryang sanggunian—ang 17 tala ng mga paglalakbay na sinulat ng mga
dayuhang namalagi sa Filipinas nang may iba’t ibang tagal. Ngunit hindi niya ginamit ang mga tala
ng paglalakbay bilang transparente at di-problematikong dokumentasyon ng iba’t ibang aspekto ng
kulturang Filipino, lalo na ng sabong. Sa halip, isinailalim niya ang mga ito sa mapanuring pagbasa na,
sa kabila ng mga pagtuligsa sa sabong, humantong sa kabatiran na ang patuloy na pag-iral ng sabong
ay patunay ng patuloy ring paggigiit ng mga sinakop sa kanilang kultura sa gitna ng kolonyalismo.
Mga primarya rin pati na sekundaryang materyal ang sinangguni ni Palmo R. Iya sa
kaniyang papel na “Si Kapitan Andres Novales at ang Kaniyang Pag-Aalsa Noong 1823.” Ang
pananaliksik ay nakatuon sa isang creole na nag-alsa noong unang hati ng dantaon 19, gayundin
sa pangkasaysayan at panlipunang kontekstong nagluwal ng ganitong pagkilos. Hindi lamang nito
ipinakikilala sa Filipinong mambabasa si Novales kundi naglalarawan din sa dinamika ng ugnayan ng
mga peninsulares at insulares, ugnayan ng mga Espanyol, mestiso, katutubo, at nagdaragdag din ng
kabatiran sa tradisyon ng mga pag-aalsa sa Filipinas kontra sa mga kolonyalistang Espanyol.
Sa papel namang “Masid, Unawa at Arok sa Ako ng Penitensiya sa Kalayaan, Laguna” ni
Jeremy Reuel N. dela Cruz, ginamit niyang pamamaraan sa pananaliksik ang mas kilala sa terminong
obserbasyon para pag-aralan ang tanghal ng penitensiya sa Kalayaan, Laguna. Tinawag niya ang
panimulang metodo ng pagkuha ng datos bilang masid. Maaaring mula sa lente ng isang lubog sa
larang ng dulaan, nagtuon ang masid ng mananaliksik sa gayak at galaw na nagluwal ng mga tanong.
Mula rito, ang masid ay tumungo sa unawa—ang pagtanaw sa penitensiya mula sa pananaw mismo
ng mga penitensiyador. Sa bandang katapusan naman ng pananaliksik, itinampok ang arok bilang
prosesong nagpatingkad sa dalumat ng pag-ako ng mga penitensiyador bilang pag-aalay ng sarili.
Ang papel na “Bitak sa Tapayan: Ilang Tala at Tagay hinggil sa Karahasan, Kagandahangasal at Awit-epikong Kudaman ng Palawan” ni Arbeen R. Acuña ay gumamit naman ng pagsusuring
tekstuwal sa paghimay sa epikong-bayan sa layuning magbigay ng paliwanag hinggil sa ilang aspekto
ng kultura, kaugalian, gawi at asal, at pananaw-mundo ng mga Palawan. Isinentro ang pagsusuri sa
mga kagamitang madalas banggitin sa Kudaman upang mapasok ang mundo at kamalayan ng mga
Palawan sang-ayon sa kanilang pamantayan. Mula sa teksto, gumamit din ng mga sekundaryang
sanggunian at komparatibong lapit upang mailugar ang epiko sa salimuot ng kasaysayan at lipunan ng
mga Palawan at iba pang kaugnay na pangkat-etniko. Iniluwal nito ang pagbasang tumitinag sa mga
dikotomiya halimbawa ng mabuti/masama, marahas/mapayapa, at nagpapaintindi kung paanong
maaaring humantong ang mga Palawan sa pagtatatanggol sa sarili sa pamamagitan ng digma na
itinuturing nilang laro.
Pagsusuring tekstuwal din ang pangunahing metodong ginamit sa artikulong “Idealismo sa
Patnubay at Panuto: Pananagisag sa Birtud ng Babae sa Awit” ni Pauline Mari Hernando. Nakatuon
ang pagbasang kritikal sa awit na Patnubay nang Cabataan o Talinghagang Buhay ni Eliseo at ni 10 11 Hortensio (1901) na sinulat ni Joaquin Tuason, isa mga pinakaproduktibong tagasalin at manunulat
sa Tagalog at Espanyol noong huling bahagi ng kolonyalismong Espanyol hanggang sa unang dekada
ng kolonyalismong Amerikano. Pinatutunayan ito ng mga aklat niya hinggil sa kabutihang asal, dasal,
pagninilay, pagsasanay sa kabanalan, moralidad, at wastong pagkilos. Gamit ang lenteng makauri,
pangkasarian, at postkolonyal, naipakita ng pagsusuri na ang awit ni Tuason ay tumalima lamang sa
pamantayan ng umiiral noong sensura, at kung gayo’y naging tagapamansag ng kung ano ang mabuti
at masama, tama at mali, lalo na para sa kababaihan, ayon sa panuntunan ng mga mananakop.
Sa papel na “Sa Pagitan ng Agham at Sining: Ang Kaso ng Epektibong Pakikipagkapuwa”
ni U Z. Eliserio, inilahad at inusisa naman ng awtor ang mga idea nina William MacAskill at Peter
Singer tungkol sa etika, sa pagtulong, sa pakikipagkapuwa na para sa kanila, upang maging epektibo
at episyente, ay kailangang sukatin, bilangin, kalkulahin, at gamitan ng pamantayang makaagham.
Dinala ang awtor sa pagtalakay sa ugnayan ng sining at pakikipagkapuwa. Gamit ang mga pananaw
at kritika nina Alice Guillermo at Jonathan Beller sa sining-biswal na nakatuntong sa mga idea ng
Marxismo, natukoy ng awtor ang mga limitasyon ng utilitaryanismo na siyang tinutuntungan naman
ng dalawang naunang pilosopo, at nakapagpalitaw ng mga bagong pagtingin at kabatiran tungkol sa
kabuluhan ng sining.
Ang mga sumusunod na papel sa koleksiyon ay nagtatampok naman sa kaalamang-bayan at
kulturang Filipino, at gayundin, sa ilang pamamaraan at larang kung paano at kung saan isinusulong
ang mga ito—sa pagpapaunlad ng wika, sa pagsasa-Filipino ng mga disiplinang akademiko, sa
komunikasyong pangmadla, sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa edukasyon. Maituturing na
mga halimbawa ang tinalakay sa mga papel kung paanong maitataguyod ng mga Filipinong edukador
ang kulturang Filipino lampas sa klase at silid aralan.
Sa papel na “Kappanimad-On: Ang Adaptibong Kasangkapang Pangwika at Pagtingin
sa Ilang Tala Ukol sa Pagpapayabong ng Kaalamang-Bayan sa UP Kolehiyo ng Agham Panlipunan
at Pilosopiya” ni Vicente C. Villan, itinampok niya ang dalumat ng panimad-on ng mga Kinaray-a,
Hiligaynon, at Aklanon—tumutukoy sa naisantabing kaalamang-bayan—bilang salitang pantukoy
sa “lohikang pangkalinangan na matagal nang nakaugat sa kasaysayang intelektuwal ng Kolehiyo ng
Agham Panlipunan at Pilosopiya.” Ang dalumat na ito ay nagiging halimbawa rin ng “adaptibong
kasangkapang pangwika” (pagtuklas ng mga konsepto o kategorya sa wika na pinayayaman
ang kahulugan) upang bigyang-ngalan, kahulugan, at katuturan ang ilang aspekto ng pagtuturo,
pananaliksik, paglilingkod-bayan, at ang kabuoang tradisyong intelektuwal ng Kolehiyo sa
pagtataguyod at pagpapayabong ng kaalamang-bayan.
Ipinaliwanag ni Carlos P. Tatel, Jr., sa papel na “Tabi-tabi Folkloradyo! sa DZUP 1602:
Salugpungan ng Folklore, Agham Panlipunan at Philippine Studies sa Pangmadlang Komunikasyon”
ang karanasan ng Tabi-tabi Folkloradyo, isang programang panradyo, na nagtatampok sa folklore
bilang kaalamang-bayan. Sa paglalahad ng danas at suri sa mga naging paksa ng programa, naipakita
sa papel kung paano naging totoo at mabisa ang salugpungan—ang pagtatagpo—ng mga institusyon
at organisasyong akademiko, ng iba’t ibang larang ng kaalaman, ng tagapagpahayag at tagapakinig, ng
akademiko at bayan, ng dati at ngayon, dahil binibigkis na lahat ng folklore, ng kaalamang-bayan, ng
kultura.
Sa papel na “Pasundayag: Pagpapalitaw ng Kapangyarihang Kultural sa Kasaysayan at
Pilosopiyang Pilipino” ni Ma. Theresa T. Payongayong, ang pagsisikap na linangin ang Pilosopiyang
Pilipino, pilosopiyang nakaugat sa sariling wika at danas, ay inilugar sa naratibo ng pagsisimula at
pagsulong ng kapangyarihang kultural sa kabuoang kasaysayan ng bansa, gayundin sa kasaysayan ng
Pilipinisasyon ng agham panlipunan lalo na sa Unibersidad ng Pilipinas. Kinailangan ang ganitong
Tomo 2, 2017/ TALAS pagbabalik-tanaw sa kasaysayan upang maisakonteksto ang mga pagsisikap ngayon sa larang ng
pilosopiya at agham panlipunan sa UP at ipasundayag—palutangin ang nakakubli at magpakitanggilas—ang maaaring iambag ng Pilosopiyang Pilipino sa patuloy na paggigiit ng kapangyarihang
kultural ng mga Filipino.
Ibinahagi naman ni Jayson de Guzman Petras sa artikulong “Paglusong at Pagsulong sa
Wika, Kultura, at Lipunang Filipino sa Sistemang Dihital: Karanasan sa Proyektong eFilipiniana
MOOC ng UP Open University” ang karanasan sa pagbuo at pagpapatupad ng kursong Wika,
Kultura, at Lipunan gamit ang programang Massive Open Online Course (MOOC). Ang MOOC ay
isang kursong online na dinisenyo para sa malaking paglahok at libreng pag-akses—nakatuntong sa
mga prinsipyong massiveness, openness, at connectivism. Dahil sa lawak ng puwedeng maabot ng
kursong ito, naroon din ang malaking potensiyal nito upang mapayaman ang bahaginan hinggil sa
iba’t ibang paksa at usaping pangwika, pangkultura, at panlipunan.
Sa koleksiyon ding ito, kabilang ang ilang malikhaing akda—maikling kuwento at mga
tula: ang “En Memoria Cariñosa: Soldado Tenso Conserbado (1898-1976)” ni Amado Anthony G.
Mendoza III; at ang mga tulang “Ang Tagapangalaga ng Liham,” “Liham Kay Sido,” at “Liham sa
Taga-Islang Lumisan” ni Allan C. Popa. Lihis sa karaniwang pagbubukod ng mga malikhaing akda
sa tuwing ilalathala kasama ng mga saliksik at kritikal na papel, ang lahat ng ambag sa koleksiyong ito
ay magkakasama sa iisang hanayan lamang upang ipaalala na ang mga proseso ng pagsulat at pagbasa
ng ...
View
Full Document
- Fall '19