Wikang Pambansa
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at mahaba ang kasaysayan ng pag-
unlad nito.
Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang wikang Pambansa ay tumutukoy sa
isang wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang bansa.
Ito ay nag-iisang wikang ginagamit batay sa kultura ng lipunan. Nagiging batayan din ito
ng identidad o pagkakakilanlan ng grupo ng taong gumagamit nito.
Sa Pilipinas, Filipino ang de jure at de facto na pambansang wika ng bansa. De
jure sapagkat legal at naaayon sa batas na Filipino ang pambansang wika. Tinitiyak ng
ating Konstitusyon ang pagkakaroon at pagpapaunlad ng isang pambansang wika.
Matatagpuan sa Artkulo XIV, Seksyon 6-9 ng Konstitusyong 1987 ang mga tiyak na
probisyong kaugnay ng wika. Ayon dito:
Seksyon 6.
Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at sa iba pang wika.
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa narararpat na maaaring ipasya
ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakabangin ang pamahalaan upang ibunsod
at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang daluyan ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Filipino ang de factong pambansang wika sapagkat aktuwal na itong ginagamit at
tinatanggap ng mayorya ng mamamayang Pilipino.ayon sa Philippine Census noong
2000, 65 milyong Pilipino o 85.5% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na ang
nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
Wikang Panturo
Nakabatay sa pangkalahatang polisiya sa wika at programa sa edukasyon ng
isang bansa, ang wikang panturo ay ang wikang ginagamit na midyum o daluyan ng
pagtuturo at pagkatuto sa Sistema ng edukasyon.
Wikang panturo ang wikang ginagamit ng guro upang magturo sa mga mag-
aaral. Sa pamamagitan ng wikang panturo, nauunawaan ng mga mag-aaral ang iba’t
ibang teorya, konsepto, pangkalahatang nilalaman at mga kasanayan sa isang tiyak na
asignatura o larangan. Inaasahan din na sa kalaunan ng pag-aaral ay nagiging bihasa


You've reached the end of your free preview.
Want to read all 3 pages?
- Fall '09