Kasaysayan sa Pag-unlad ng wikang Pambansa.docx - Kasaysayan sa Pag-unlad ng Wikang Filipino Panahon ng mga Katutubo Ang ating mga ninuno ay may sarili

Kasaysayan sa Pag-unlad ng wikang Pambansa.docx -...

This preview shows page 1 - 3 out of 11 pages.

Kasaysayan sa Pag-unlad ng Wikang Filipino Panahon ng mga Katutubo Ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikan bago pa ang naging pananakop ng mga Kastila sa bansa. Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan ng ating lahi – mga kuwentong-bayan, alamat, epiko, awiting-bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan at iba pa. Gayundin, nag-aangkin din tayo ng sariling baybayin na ginagamit sa paikipag- ugnayan. Ito ang katutubong alpabetong binubuo ng 17 titik na hawig sa mga ginagamit ng mga Indones o ng mga taga-Malayo-Polinesyo. Ang baybayin ay binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig. Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/. Kung nais basahin o bigkasin ang mga ktinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas. Samantala, kung tunog ng /o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok sa ibaba nito ang inilalagay. Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na kasama ng katinig sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang krus (+) bilang hudyat sa pagkakaltas ng huling tunog. Gumagamit ng dalwang pahilis na guhit // sa hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng pagtatapos nito. Panahon ng Kastila (Hango sa “Ang Wikang Pang-edukasyon noong Panahon ng Kastila,” Nelly I. Cubar, 1982) Pagkaraan ng 43 taong pagkakadiskubre ni Magellan ng Pilipinas noong 1521, nagsidatingan ang mga Kastila kasama ng iba’t ibang orden ng mga prayle na nangasiwa sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo at ng pagtatag ng mga paaralan para sa pagbasa at pagsulat upang mapahusay ang pagtuturo ng relihiyon. Inatasan ng mga
Image of page 1
pinuno sa Espanya na ituro ang Kastila sa mga kolonya nito dahil batid nila ang kahalagahan ng kaalaman sa wikang para sa mabisang pagtuturo ng relihiyon. Bagaman walang pinansyal na tulong na ibinigay ang pamahalaan, may mga ilang akademya at kolehiyong itinatag sa Pilipinas. Ang kauna-unahan ay ang Kolehiyo de San Ignacio na itinatag noong 1585 upang makapag-aral ang mga anak ng Kastila sa Maynila. Noong 1550, mayroon nang dekring inilabas na nagsaad na dapat magtatag ng mga paaralan para sa pagtuturo ng Kastila sa mga Pilipino bagaman hindi ito natupad. Ang mga ordenansa noong 1642 at 1752 ay nagbigay-diin sa pagtatag ng mga paaralan sa iba’t ibang distrito upang maturuan ng Kastila ang mga katutubo ngunit hindi rin natupad. Mayroon naming isa pang dekri noong 1792 na nagbawal ng paggamit ng mga katutubong wika bilang panturo, ngunit gaya ng ibang dekri ay wala ring nangyari. Samantala, noong 1863 si Jose de la Concha, ang kolonyal na ministro sa Espanya, ay nagmungkahi sa reyna ng isang dekri sa pagtatatag ng sistemang edukasyong pangkalahatan sa Pilipinas. Kaya matapos pag-isipan ito, iniutos ng reyna noong Disyembre 20, 1865 ang pagtatatag ng sistema para sa pagtuturo sa primary na may tiyak na mga tuntunin sa pagtuturo at superbisyon. May probisyon dito para sa pagtuturo ng Kastila. Kasama sa kurikulum ang praktikal na pagtuturo sa wikang Kastila at ortograpiya. Iniutos din sa dekri na bibigyan ng mga guro ang mga estudyante nila ng sapat na praktikal na pagsasanay sa pagsalita ng wikang Kastila. Kapag naunawaan na
Image of page 2
Image of page 3

You've reached the end of your free preview.

Want to read all 11 pages?

  • Fall '09

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture