Libat-1.pdf - \u201cLibat\u201d Sugilanon ni Rolando Salva\u00f1a 2002 1 Ang Konteksto ng Teksto Isinulat para sa Palanca at nanalo ng unang gantimpala noong 2002

Libat-1.pdf - “Libat” Sugilanon ni Rolando Salvaña...

This preview shows page 1 - 2 out of 18 pages.

May Temple-Maravilles. Literatures of Mindanao. Languages Department. School of Liberal Arts. Ateneo de Zamboanga University. “Libat” Sugilanon ni Rolando Salvaña 2002 1. Ang Konteksto ng Teksto Isinulat para sa Palanca at nanalo ng unang gantimpala noong 2002 ang sugilanong “Libat” (“Duling”) ni Rolando Salvaña. Umiinog ang kuwento sa paggiit ng mga bakla sa kaakuha’t karapatan matapos pagbintangang sanhi ng mga di-pangkaraniwang pangyayari sa lipunan tulad ng pagkaduling ng mga isda sa sapa. Isa ang sugilanon sa mga unang akda sa Panitikang Cebuano na lantaran at seryosong tumalakay sa isyu ng homosekswalidad. Umusbong ang Gay Literature sa Pilipinas noong dekada 90 matapos lumabas ang Ladlad (1994), ang kauna-unahang antolohiya ng mga akdang gawa ng mga miyembro ng LGBT community. Matapos manumbalik ang demokrasya sa bansa bungsod ng EDSA Revolution, naging mas malaya ang mga LGBT na makapagpahayag ng sarili. Sa unang dekada ng siglo 21 naman ito sumulpot sa Panitikang Cebuano ngunit nananatiling manipis ang bilang ng mga akdang tumatalakay sa isyu. Tulad ng “Balyan” ni Macario Tiu, napapabilang sa anyong sugilanon ang kuwentong “Libat” ni Salvaña. Pareho rin silang nagmula sa Mindanao. Dahil Bisaya 1 ang wika at punto-de-bista, lumulutang sa mga kuwento ang ilang isyu ng migrasyon tulad ng pakikipagsapalaran, kaakuhan at diskriminasyon. Ilan ito sa mga karaniwang tema ng Panitikang Cebuano sa Mindanao. Kung hindi nawawala sa mga akda ni Macario Tiu ang Davao, litaw naman sa mga sugilanon ni Salvaña ang Zamboanga. Pinili ko ang “Libat” para sa proyektong pagsasalin dahil tila mailap ang Panitikang Zamboanga. May mga epiko at kuwentong bayan ang mga katutubong Muslim at lumad ngunit tila walang mapanghahawakang panitikan ang mga Kristiyanisadong pangkat 2 (Bisaya at Zamboangueño- Chabacano) ng rehiyon. Ang “Libat” ay pagpapatunay na may panitikang pasulat ang Zamboanga sa wikang bernakular 3 . Pinapakita rin ng akda ni Salvaña na buhay ang Panitikang Cebuano sa Kanlurang Mindanao. Kung titingnan ang mga rehiyong pinanggalingan ng mga akda nina Tiu at Salvaña, lalantad ang lawak ng sakop ng Panitikang Cebuano. Pangalawa sa pinakamalaking isla ng bansa ang Mindanao at mula kanluran (Zamboanga) hanggang silangan (Davao), buhay ang panulatan. Sa katunayan, mas malawak ang rehiyong sakop ng panulatan sa Mindanao kaysa sa Visayas. Sa kabila nito, kulang na kulang pa rin ang mga pag- aaral tungkol sa Panitikang Cebuano sa Mindanao at mananatili itong ilap kung hindi isasalin sa wikang mas naiintindihan ng karamihan. 2. Ang Konteksto ng Awtor Nakilala ko si Rolando Salvaña noong 2002 nang manalo siya sa Palanca. Kaaalis pa lang niya noon sa pagkapari. Napag-alaman kong nagsusulat din siya ng mga dula. Litaw sa kanyang mga dula ang kanyang pagkapari. Bilang Heswita, naasayn siya ng ilang taon sa isang komunidad sa Zamboanga del Sur kung saan siya nagsulat ng mga dulang hango sa mga kuwento sa bibliya. Ayon sa kanya, lumahok sa 1 Sa Mindanao, mas kilala bilang “Bisaya” ang wikang Cebuano. 2 Mga Kristiyano ang bumubuo sa majority ng populasyon ng rehiyon.
Image of page 1
Image of page 2

You've reached the end of your free preview.

Want to read all 18 pages?

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

Stuck? We have tutors online 24/7 who can help you get unstuck.
A+ icon
Ask Expert Tutors You can ask You can ask You can ask (will expire )
Answers in as fast as 15 minutes