ANG KAGILAGILALAS NG PAGLALAKBAY NINA MUMO AT AM-I

ANG KAGILAGILALAS NG PAGLALAKBAY NINA MUMO AT AM-I -...

Info iconThis preview shows pages 1–3. Sign up to view the full content.

View Full Document Right Arrow Icon
Kinantiw ng hangin ang isang bagong sulpot na tulyapis sa isang bumubukang uhay, isang umagang napakaginaw. Nag-inat ang binhi at sa pagbanat ng sarili, kasabay ang mahabang mahabang "AaaaaAAAAAH!" ay nasagi niya ang isa pang butil na katabi, kaya maikli ang naisunod niyang "E?" at ang naidugtong pang sabi, "Eskyus meee." Inis na pumaling sa kabila ang binhing nasagi nitong nagbanat, nagpahaba, nag-inat na katawan. "Nakakainis naman," sabi pa ng binhing nayayamot habang pumapakabila ng ayos, "Mag-iinat lamang e gusto pang mang-away." "Aba," sabi ng tulyapis, "hindi ko naman 'yon nais. Malay ko bang tayo pala'y magkatabi, e sa parehong palumpon tayo napasiksik." "E bakit mo ako itinulak? Nakita mo nang ako'y babagong labas, mabuway at madaling malaglag." "Eskyus me, ako po'y meron na kahit kokonting laman." "E sino bang nag-ambisyon ng buhay na walang nakalagay? Nag-iinat ako para sa mas malaking sisidlan, para sa mas malaking binhi na masisilid sa aking katawan." "E baka sa kasisiksik mo naman, ako'y matanggal sa uhay na ating pinagkakabitan!" "Psst," pananaway ng nasa ibabang kumpol ng palay. Sila ang mas matatandang binhi, iyong sa paglaki ay para nang hinihipan. Sa uhay kasi ay mas mataas ang mga bago pang sanga, na sinisilipan naman at sinusulputan ng mga mas batang binhi. "E eto po kasing aking katabi," sabi ng nayamot na binhi,"nang-aaway." Lalong humaba at lumakas ang mga sitsit ng mga palay na nasa silong na palumpon. Isa sa mga tagaroon ang nakagawa ng pabulong na sigaw, "Huwag sabi kayong maingay. May dumarating na kawan!" "Kawan?" tanong na magkasabay ng dalawang bagong labas na butil. Sila'y nagkatinginan, saglit na nagkahiyaan, saka parehong yumuko para pakinggan ang nasa silong na uhay. "Oo, isang pangkat ng ibon, sama-samang kumakampay," sabi ng mabilis magsalitang binhi sa ibabang sanga ng uhay. Saka naman sumabad ang palay na tagatanaw, isang tulyapis din, nasa pinakaibabaw,sa dulo ng tirik na tirik na usbong ng kanilang uhay. "Ang mga dumarating," sabi niyang may sinisilipan na binalisungsong na kapiraso ng talbos ng palay, "ang dumarating ay maya. Mga mayang bubungan!" Parang hinipan ng malakas na hangin ang mga binhi na nagbalikwasan nang sunud-sunod bagaman walang humulagpos sa kanilang sanga. "Naku, delikado tayo," sabi ng binhing may pinakamabintog na katawan sa silong na sanga. "Yakapin n'yo ang isa't isa!" dagdag pa niya. Na sinundan ng habilin pa nuong mabilis magsalitang binhi, "Higpitan ang kapit sa inyong sanga!" Dagdag ng isa pang mas matandang palay, "Abangan! Ang kumpas ng hangin ay mag-iiba-iba!"
Background image of page 1

Info iconThis preview has intentionally blurred sections. Sign up to view the full version.

View Full DocumentRight Arrow Icon
Na sinundan pa ng iba pang magkakasunod na sigaw, "Bugso 'yong galing sa pakpak ng maya!" "Sumunod! O mapipitas kang bunga!" "Sumunod! O mababali ang inyong mga sanga!" "Sumunod! O wala sa ating matitira!" Samantala, pinaabo ng mga anino ng lumalapit, tumatapat, bumababang mga ibon ang pitak na iyon ng palay, hanggang sa sabay-sabay na umikot muna, saka dumapo sa kung saan-saan ang mga ibon - sa putik, sa pilapil, sa baling dahon ng palay, sa madamong gilid ng pitak, saka sila waring naghiwa-hiwalay
Background image of page 2
Image of page 3
This is the end of the preview. Sign up to access the rest of the document.

This note was uploaded on 02/20/2012 for the course ACCOUNTING 102 taught by Professor Calamba during the Summer '11 term at Universität St. Gallen (HSG).

Page1 / 5

ANG KAGILAGILALAS NG PAGLALAKBAY NINA MUMO AT AM-I -...

This preview shows document pages 1 - 3. Sign up to view the full document.

View Full Document Right Arrow Icon
Ask a homework question - tutors are online