9.1 Isang Ina, Sa Panahon ng Trahedya by Dominador Mirasol (KUWENTO lang).docx

This preview shows page 1 - 3 out of 9 pages.

Isang Ina, Sa Panahon ng Trahedya ni Dominador Mirasol Sa morge ng siyudad nang umagang-umagang yon nanghilakbot sa Aling Marta sa namalas na kay lagim na pagkamatay na sinapit ng anak na si Simon. Makaraang maalis ang nakatakip na puting kumot, rumindi sa kamalayan niya ang nakanganga’t nakadilat na kaanyuan ng yumao, nagtaka’t nabigla kaipala sa sinapit na kay lagim na pagkamatay na ni kailanma’y hindi inaasahang magaganap. Sa pagkakatihaya sa mesang namamakat sa sari-sariwang dugo, ang bangkay ay sa isang taong namatay nang nakaluhod at nakataas ang mga kamay na kaipalay nagmamakaawa. May mga taga sa magkabilang braso at ang ulong nangangapit na lamang halos sa may isang pulgadang laman at balat at litid ay nakalungayngay nang patikwas. Madaling umiyak ang sino mang ina sa pagkamatay ng isang anak, ngunit nakaapuhap si Aling Marta sa sarili ng ibayong tatag ng loob upang huwag mapaiyak, at nang mga sandaling iyon, isang ina ang namalaging nakatingin lang sa labi ng yumaong kaisa-isang anak. Sa simula’y nanghilakbot siya, ngunit sumigid sa kanyang isipan ang ilang pagtatanong: Hayop ba ang anak niya’t nagmamakaawa na ay kailangan pangtatagain? Anong malaking pagkakasala ang nagawa ni Simon para sapitin ang gayong kalagim na pagkamatay? Bakit kailangang sapitin ang ganong kalagim na pagkamatay? Bakit kailangang sapitin ang gayon ng kanyang anak, Gayong kaybait nito at ni isa man ay walang kagalit na kabataan sa kanilang lugar? At bigla, mula sa pagtatanong sa iyon sa sarili, lumikway ang paghihimagsik, ngitngit sa tampalasang lumikha ng gayong kay lagim na kamatayan. Ang panangis ay nasa kanyang kalooban, gayon man: Anak ko, Simon…, Simon, Simon, Simon! “Hindi ho kaya magagawan ng paraang maayos maski bahagya ang ayos na ‘yan ng aking anak,” Sabi niya makaikling sandali. Mula sa isang lalaking payat ay narinig ni Aling Marta ang kasagutan. “ Mam’ ya lang ho’y maitutuwid na’ng mga paa’t kamay ng inyong anak. Pero para maiuwi n’yo ang patay, kelangan ng pantubos.” “Ba’t ko ho tyutubusin pa ang bangkay ng aking anak?” “Gano’n ho, e…kailangan yon.” “Baka ala ho akong pantubos.” “Di kami na ho’ng bahala sa patay.” Nag-isip si Aligng Marta: halimbawa’y makapangutang siya ng pantubos sa may kayang pamilyang pinaglalabadahan, saan na naman hahanap ng pampalibing? Kahit paano’y kailangan maipalibing na ang kanyang anak, ang kaisa-isang anak na si Simon. Ngunit kailangan niyang bayaran ang serbisyo ng alin
mang punerarya,kailangan bayaran ang kabaong, bilhin ang maliit na sukat ng lupang mapaglilibingan, at sapagkat kailangang mabasbasan ng simbahan ang bangkay, kailangan pa rin ang pambayad sa pari. Makailang sandaling pagsasawalang imik, narinig niyang muli ang tinig ng payat na lalaki. “Kung di n’yo matutubos ang patay, kami na hong bahala.” Hindi alam ni Aling Marta, sa malapit ay may isang ospital at doon dadalhin ang bangkay ng anak para mapag-aralan ng mga kumukuha ng kurso sa panggagamot. Lalaplapin ang katawan ng yumao,

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture