Aralin 7:
Pagsulong ng
Pambansang
Wika
UNIVERSITY OF MAKATI
HIGHER SCHOOL NG UMAK
ABM & LANGUAGES DEPARTMENT
Oras na nagsimula
: ___________
Oras na natapos
: ___________
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahang:
1. naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam at
2. natutukoy ang mga kahalagahan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
PANIMULA
Marami ang nahihirapan sa paggamit ng
purong Filipino lalo na pagdating sa pag-angkop ng
mga teknikal na ideya at salitang hiram mula sa
Ingles. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa
pagdami ng mga akdang nasusulat dito, nananatili
pa ring problema ang istandardisasyon nito at ang
pangingibabaw ng wikang Ingles na lumalabas
maging sa paggamit ng Taglish o paghalo ng
Filipino at Ingles. Marami rin ang hindi alam ang
kasaysayan ng wikang pambansa, opisyal at
panturo ng Pilipinas at kung paano ito nagsimula at
napagyabong.
PANGUNAHING NILALAMAN
Wikang Pambansa
Tinalakay na sa naunang bahagi ng aralin na Filipino ang
pambansang wika ng Pilipinas at ang mahabang kasaysayan ng pag-
unlad nito. Ayon sa
Merriam-Webster
dictionary
, ang wikang pambansa
ay tumutukoy sa isang wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga
mamamayan ng isang bansa. Ito ang itinuturing na opisyal na wika o isa
sa mga opisyal na wikang ginagamit ng pamahalaan at sistema ng
edukasyon. Sapagkat ito ang nag-iisang wikang ginagamit batay sa
kultura
ng lipunan, nagiging batayan din
ito ng identidad o
pagkakakilanlan ng grupo ng taong gumagamit nito.
Sa Pilipinas, Filipino ang
de jure
at
de facto
na pambansang wika
ng bansa.
De jure
sapagkat legal at naaayon sa batas na Filipino ang
