548Heartbeats(Xeira&Kyle)(62195).txt - 548 Heartbeats...

This preview shows page 1 out of 303 pages.

Unformatted text preview: 548 Heartbeats allaroundprincess.xxviii Theres no such thing as number of heartbeats. As long as your heart knows what forever means, Its possible that even in death, it may still be beating ___________________________________________________________________________ CHAPTER 1 [Mr. Heart] Dugdug. Dugdug. Tumitibok nanaman si Mr. Heart. Ewan ko ba. Bat kaya ganon? Bakit kaya para mabuhay, kailangan tumibok ang puso? Labo ng tanong ko no? Ang batayan kasi kung buhay pa ang isang tao ay kung tumitibok parin ang puso niya. Pero bakit may naririnig ako na nung nawala siya, tumigil na ang tibok ng puso ko or tumigil yung pintig ng puso ko nung una ko siyang nakita? parang ewan no? ganon ang mga taong sobrang healthy ng love life. Sana ako rin. Ako si Peach Xeira Anderson. Cute ng pangalan ko no? kakaiba. One of the few things Im proud of. Kilala ako bilang Xei-xei o Xeira o Xei lang mismo. Pano ko ba idedescribe ang sarili ko? Mm Physically, hanggang kalahati ng likod ko ang wavy kong buhok. Sort of kulot. May pagkachubby pero okay lang naman yun kasi hindi naman gaano halata malalaman mo lang na chubby ako pag kinapa mo na yung chan ko. Maliit lang ako, 5 lang po ako. Mm the greatest thing about me is my eye lashes. Mahaba kasi. Emotionally? Mahina akong tao. I mean mahiyain ako. Di ako gaano friendly. Im one of the geeks in school. Haha. Hindi naman sa ganon ka geek. Grade conscious kung tawagin. Matalino ako sabi ng ibang tao. Pero tingin ko di totoo yun. Masipag lang talaga ako magaral. May pag ka kabisote at palabasa. Would you believe that my hobby is studying? Oo studying at hindi lang basta reading So yun ako. Kahit naman mahiyain ako and stuff, nagkakaroon parin ako ng secret love life. Paano yun? Eh di nagkakagusto ako ng patahimik. Wala pa kasing nakakaalam kung sino yung mga gusto ko. Actually, marami na kong crush pero I always keep it to myself. Haha hipokrita ba? Ganon ako eh. ayokong malaman ng ibang tao na nagkakagusto na ko. Bale every year meron ata akong bagong crush That is before he came. Second year high school pa lang ako. Sabi nga nila, life starts with high school. Kung ako yun, icocontradict ko yun at sasabihing, life starts when your heart beats. Ayon. May bagong transfer mula sa isang private boys high school. Hindi ko naman alam kung bakit sa lahat ng pinili niya, dito pa siya sa isang science high school. Eh cute nga sa school nila kasi his school is known for rich, popular and handsome guys At oo well isa siya dun. Ang pangalan niya? Kyle I. Solomon. Nung dumating siya sa school na to, no wonder kung bakit mula sa anit hanggang kuko sa paa niya eh crush siya ng maraming babae. Gwapo kasi at mayaman. Mejo wala nga lang utak. Uh hindi naman. Di ko nga alam kung bakit siya trinansfer dito eh Section V siya. So yun. Secret crush ko nanaman siya. Well, I bet di to tatagal kasi alam kong hanggang pangarap na lang siya. First three months ng taong ito eh naging girlfriend na niya yung pinaka magandang kabatch ko, Nung nagbreak sila of I dont care reason, naging girlfriend na niya yung pinaka magaling na dancer ng batch namin galing no? parang may magnet Compared sa mga girls niya, natural wala akong panlaban sa kanila. Bukod sa hindi ako friendly at tahimik, simple lang ako. Ni hindi nga ako nagbuburloloy. Relo lang. yun lang. di ko naman alam kung may nagkakagusto sa kin dahil wala akong tinatanungan at hindi naman kasi ako malisyosang tao Dugdug. Dugdug. Ayan nanaman si Mr. Heart. Tumitibok nanaman ng sobrang lakas dumaan kasi si Kyle kahit hanggang pangarap lang sana maabot ko siya. Pero kahit ata sa pangarap eh pinagkakait siya sa kin. Haay. Tama na ng ayan. Nung isang araw pa yun nangyari. Kunin mo na yung ballpen mo na naiwan sa locker mo. Marami pa namang magnanakaw ng ballpen ngayon. Dito na lang ako sa likod dadaan para mas mabilis papuntang room Huh? Sino to? Para siyang tuta na nakapulupot ang katawan. Bakit naman siya andito? Wait matingnan nga ng malapitan Dugdug. Dugdug. OMG. Si Kyle. Ano namang ginagawa niya dito? Uh kakausapin ko ba siya?! Lalapitan ko ba siya?! Shocks naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Hihilain ko na tong mga veins nito para tumigil I hope na marinig niya mula sa pwesto niya kung gano kalakas yung tibok ng puso ko ngayon Anong ginagawa mo dito? Ugh. Lumunok ako ng laway. Hindi ako makaandar sa pwesto ko. Talaga bang kinausap niya ko?! Gumising ka Xeira. Baka naman talagang panaginip yan? Hoi. Anong ginagawa mo dito? Aww. Too bad hindi siya panaginip. Naririnig ko talaga ang boses niya at kinakausap nga niya ako ngayon so ano pang hinihintay mo Xeira?! Maglabas ka kahit letter A man lang mula sa bibig mo. May babalikan lang. Ikaw? Narinig ko siyang nag sniff. Nung nakaharap na ng totally yung mukha niya, nakita kong kakaiyak lang niya Sa kailalim-ilaliman ng kaluluwa ko, napabuntong hininga ako. Para siyang alamat. Ang gwapo pala talaga niya. Ngayon ko lang siya nakita ng ganitong kalapit Namatay kasi bestfriend ko. Oh my gosh Gusto ko siyang puntahan pero parang naninigas yung paa ko sa kinatatayuan ko Di ko alam kung bakit. Ang sakit ata mawalan ng bestfriend P p pwede ba kong l l lumapit? Ano ka ba. Magkabatch naman tayo. Di naman ako aswang o kung ano. Lumapit ka kung gusto mo. So yun. Kailangan ko paluin yung legs ko para kumilos. Kinakabahan ako at ang bilis ng pintig ng puso ko. Sobra. Tingin ko any minute, pwede siyang sumabog. Ano nga pala ulit ang pinunta mo dito? Naiwan ko kasi yung ballpen ko sa room. Para ballpen lang nagawa mong pumunta ulit dito sa school? Nasisiraan ka ba ng bait? Wow. I cant believe this. Kinakausap ako ni Kyle at sinabihan niya ako na nasisiraan daw ako ng bait! Ang galing thank You po Lord Ikaw lang ata ang nakangiti pag sinsabihian ng nasisiraan ka na ng bait. Hindi ko masabi na, ikaw kasi. Siyempre di ko yun sinabi hindi pa naman ako ganon nasisiraan ng bait para umamin. Ah hindi naman. Uh ilang years na ba kayo ng bestfriend mo? 5 years? Di ko na alam pero sobrang tagal na ng pinagsamahan namin. Teka ayaw mo bang umupo sa tabi ko o nandidiri ka sa kin? Napaka magical naman nitong araw na to! Pinapaupo ako ni Kyle sa tabi niya! Super saya ko at hayan. Ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko. At lalo pang lumakas nung tumabi ako sa kanya. Anong pangalan ng bestfriend mo? Browny. Browny? Diba pangalan yun ng aso? Aso nga ang bestfriend ko. Bakit kala mo tao? Oo. Akala ko tao Tumawa siya. Wow ang swerte ko naman at nakikita ko siyang tumatawa. Kung tao yung bestfriend ko, di lang ako iiyak. Hahagulgol ako. Pasensya ka na. Wala kasi akong bestfriend. Di kasi ako palakaibigan tulad mo. OMG. Nasabi ko ba yun?! Nasabi ko ba TALAGA yun?! Ano ka ba Xeira! Tumahimik ka na nga lang. Nakakahiya naman yung sinabi ko. Napaka impusible naman nun. Bawat tao may bestfriend. Hindi naman tao lang ang nagiging best friend ng isang tao. Oh? Oo naman. Ano ka ba naman. Section I ka diba? Oo. Anong connection nun? Eh taga section I ka tapos di mo yun alam? Ang matatalino talaga. Alam yung pinaka complicated na bagay pero yung pinaka simple nakakalimutan. Nagkakaroon kami ng conversation this is so unreal Nakatitig lang ako sa kanya. May dimples siya at makinis ang mukha niya. Parang baby yung mukha niya. Sobrang gwapo. Hindi tuloy ako mapakali Impusibleng wala kang bestfriend. At least meron kang something na sinasabihan ng mga problema mo. Uh oo. Si Mr. Heart. Mr. Heart? Ang cute naman ng pangalan niya. Eh di kung sino man yun siya ang bestfriend mo. Sinabi sa kin ni Kyle kung sinong best friend ko Isang bestfriend na ako mismo di alam na bestfriend ko tapos parte pa siya ng katawan ko. Sana di na matapos ang araw na to. Haay nako. Halika ka na San tayo pupunta? Uuwi na. AAAAAHHHHH!!!!! Sobrang saya ko!!!! Pero siyempre naka tago yun sa loob ko. Nakangiti ang buong kaluluwa ko. Yinayaya niya kong umuwi! At eto siya ngayon nakatayo sa harap ko at inooffer ang kamay niya para umuwi na daw kami. Teka yung ballpen ko. Aynako. O eto. Tara na. Hatid na kita sa inyo. Ihahatid?!?! Tama ba yung narinig ko?!?! Ihahatid ako ni Kyle?! This is so good to be true! Tapos binigay pa niya sa kin yung ballpen niya! Naloloka na talaga yung kaluluwa na nasa loob ng katawan ko Kinuha ko yung ballpen sunod yung kamay niya. Tinayo niya ko tapos naglakad na kami. Kinuha muna niya yung backpack niya saka kami naglakad. Taga ibang bayan pa kasi siya kaya magjeejeep pa siya. Eh ako tricycle lang. pwede ngang lakarin kung sisipagin. Tulad ngayon. Naglalakad kami. Di parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Andun siya nauuna sa paglalakad. Pero lumilingon parin siya just to make sure na sumusunod parin ako Nung nasa bahay na ko, nagbabay na ko sa kanya. Ngumiti lang siya tapos umalis na. Andun parin ako sa gate ng bahay namin. Pinagmasdan ko siya habang sumasakay siya sa jeep. Dugdug. Dugdug. Sabi na nga ba. Kahit sa pagalis niya, titibok parin tong puso ko Sana di na to matapos. CHAPTER 2 [Under My Umbrella] Si Kyle. Si Kyle ang unang nilalang sa mundo na pinatibok yung puso ko na ganon kalakas. Parang rocket na nilaulaunch o mas malakas pa dun?! Ewan ko na. Call it infatuation or anything. Wala akong pakielam kung love ba to o hindi. Basta siya yung unang taong nagpatibok ng puso ko ng ganon kalakas. Hindi naman ako ganon kadesperate tulad ng ibang babae na nagkakandarapa para sa kanya. Yung iba may paaway away effect pa eh alam ko rin naman gusto nila si Kyle. Ang importante lang sa kin ay yung makita siya yung makita ko ulit yung tawa niya At marinig ang tibok ng puso niya. Parang ewan ba? Haha. Alam ko naman na hindi ko yun maririnig. As usual, dadalawin ko nanaman siya sa panaginip ko. Yinakap ko yung unan ko. Hanggang ngayon yun parin ang iniisip ko kahit ilang linggo na ang nakalipas. Hinihiling ko na sana maulit ulit yun. Oo linggo at hindi lang araw. Paguuwi ako, dadaan muna ako sa likod ng school at titingnan kung tumatambay siya dun. Pero, pagkatapos yung araw na yun, di ko na siya dinadatnan dun. Pag nakikita ko siya sa canteen o sa kahit saan ko pa siya makasalubong, ngumingiti ako as a sign of Hi pero kahit tingin, hindi ko man lang matanggap mula sa kanya. Isa lang ibig sabihin nun Tapos na. Haay. Ewan ko ba. Tapos na eh wala pa ngang nauumpisahan. Kasi naman nagusap lang kayo ng ilang minuto eh tingin mo ba magiging close na agad kayo? Tandaan mo na popular siya at ikaw ay isang taboy ng batch. Kakatapos lang ng klase namin. Inayos ko na yung gamit ko. This time, wala na kong balak na dumaan sa likod. Alam ko namang wala na kong mapapala. Plok plok Narinig ko yung patak ng ulan sa may bintana ng room. Dahil doon ko ginawa yung assignment ko sa room para wala na kong gagawin sa bahay, ako na yung nagsara ng mga bintana namin since ako yung huling tao sa room. Kinuha ko yung payong ko sa locker. Tapos inayos ko na yung bag ko. Ready na kong umalis. Nilock ko yung pinto ng room. Inayos ko muna yung mailers bag ko. Nagsuklay ako ng konti tapos bumaba na ko ng hagdan. Nung andon na ko sa may lobby malapit sa gate laking gulat ko nung andun si Kyle. Dugdug. Dugdug. Pesteng puso. Tumitibok nanaman. Kaso, nakatalikod siya sa kin. Pinagmamasdan niya yung ulan na bumababa. Napabuntong hininga ako dahil napagmamasdan ko nanaman yung maamo niyang mukha. Bigla kong napansin Wala siyang payong. Inisip ko na lang na baka may hinihintay siya. Siguro panibago nanaman niyang girlfriend o mga kaibigan na may dalang payong para sa kanya. Laking gulat ko nung bigla siyang umalis sa lobby at nagumpisang tanggapin na lang ang ulan. Hoi! Tumingin siya sa kin. Shocks. Ano nanaman yang ginagawa mo Xeira. Bakit mo siya sinagawan ng ganon?! Bakit may sasabihin ka ba? Oo. Meron. Dahil kailangan. Bakit? Tumakbo ako papunta sa kanya. Tapos pinayungan ko siya. Hindi naman pwedeng hayaan niya yung sarili niya na mabasa ng ulan magkakasakit siya nun. Ano ka ba! Okay lang naman na maulanan ako! Hindi pwede magkakasakit ka Dugdug. Dugdug. Nako. Ayan nanaman si Mr. Heart. Tumitibok nanaman. Pasaway talaga oh. Pero okay na lulunukin ko na yung pagkamahiyain ko wag lang siya maulanan wag lang maulanan si Kyle Wag lang maulanan ang unang taong nagpatibok sa puso ko ng ganon kalakas. Ngumiti siya Isang ngiti na parang nasa langit na ko Nalaglag ko yung payong dahil sa ngiti niyang yun. Pero pinulot ko naman agad para di siya maulanan. Okay lang na maulanan ako Nauulanan ka oh. Okay lang Papayungan mo ko para di ako magkasakit pero sarili mo di mo papayungan? Baliw ka na ba akin na nga yan Kinuha niya yung payong. Di hamak na mas matangkad siya sa kin. Isang dangkal kaya ang tangkad niya sa kin. Dahil sa ginawa niya napayungan na din niya ko. Lumabas kami tapos nagpara siya ng tricycle. Pinauna niya kong sumakay tapos tiniklop niya yung payong. Nagbayad siya kay kuya tricycle. Thanks ah. S sandali! Pano ka! Wala kang payong! Okay lang ako. Ayan oh ambon na lang naman. Sige na kuya. Tapos nagdrive na si manong tricycle. Ako naman nakalawit parin yung ulo ko habang pinagmamasdan siyang tumalikod at nauulanan Hindi Hindi pwede! Para manong! Dito na lang ako! Without explanation, bumaba na ko sa tricycle tapos kumaripas ng takbo. Di ko pa binuksan yung payong ko kaya mejo nabasa narin ako ng ulan. Nagulat siya nung nakita niya ko. Ano ka ba! Sabing okay lang ako yan tuloy nabasa ka na. Binuksan ko yung payong ko tapos pinayungan ko ulit siya. Naisip ko na nasa ilalim kami ng iisang payong bigla akong kinilig. Dugdug. Dugdug. Kay sa naman hayaan kitang sobrang mabasa ng ulan! Eh isang oras pa ang papunta sa inyo. Ang kulet mo din no basa na nga ako eh. Eh hindi ka pa naman ganon kabasa. Kaya kailangan mo nitong payong Wag na Tapos bigla siyang tumakbo. Hindi naman sa mapilit ako. Nakalimutan ko na nga na crush ko siya. Di ko alam. Ang mahalaga lang sa kin, mapayungan ko siya. Ang sipag mo rin ano? Sinabi niya yun nung bigla siyang tumigil. Oo masipag ako. Tanggapin mo na kasi tong payong. Sasakay nalang naman ako ng tricycle eh. Ayan oh mahina na nga yung ulan eh. Sige na okay na ko. Tumalikod na siya. Pero sinundan ko parin siya. Lumilingon siya kasi alam niyang sinusundan ko parin siya. Masaya ako kahit naging makulit ako sa kanya Oo mahina na yung ulan. Pero dun kasi sa village niya, tatlong bayan away mula sa bayan namin, alam ko sobrang lakas ng ulan dun. Binabaha pa nga. Kaya nga gusto ko ipahiram yung payong ko. Nung dumating na kami dun sa sakayan niya, nakita kong nakangiti siya. Natutuwa ako dahil nakangiti siya parang matutunaw na ko. Dugdug. Dugdug. Sumakay ka na agad ng tricycle pag kasakay ko ah. Pero tanggapin mo muna tong payong kailangan mo to. Ang kulet mo talaga no. Makulit ako dahil kailangan alam ng lahat na di ako ganito. Tapos ngumiti ulit siya. Dugdug. Dugdug. Nako. Itong puso kong to, pasaway. Oo, masaya ako. Kaya nga napangiti narin ako ng di oras. Ayokong dumating yung jeep na papauwi sa kanila pero natural, alam kong di mangyayari yun. Nung dumating na yung jeep, tiniklop ko agad yung payong ko tapos binigay ko na sa kanya. Tinanggap naman niya. At dahil dun, naging sobrang saya ko. Ang tugtog pa nga sa jeep eh, when youre looking like that ng westlife I dont wanna live my life without you. Am I suppose to leave you know When youre looking like that? Ui salamat ah? Ngumiti ako. Yun na ang tanging response ko sa kanya. At yon pinagmasdan ko yung jeep kung saan siya nakasakay hanggang sa di na maabot ng mga mata ko. Sumakay ako na ko agad ng tricycle. Masaya na ko dahil nakausap ko ulit siya matapos ang ilang linggo doon, bigla kong naisip Ilang linggo nanaman ba ang hihintayin ko? CHAPTER 3 [Song of His Heart] Mali pala. Hindi pala linggo. BUWAN. Oo. Pagkatapos nun, ni hindi niya ko kinausap. Ni hindi nga siya nagpasalamat ulit. Hindi niya sinauli yung payong ko. Hinintay ko yun hanggang dulo ng second year. Pwede ko naman siyang puntahan para bawiin yung payong ko. Dugdug. Dugdug. Pero kada magtatangka akong pumunta, bumibilis yung tibok ng puso ko. Nakakaasar. Hanggang sa susuko ako at sasabihin na lang sa sarili ko na ako mismo yung nagbigay nung payong at siguro akala ni Kyle na binigay ko na nga yun. Sigh. Ayon. Wala namang asenso. Akala ko second year na ako magkakaroon kahit man lang lantad na love life pero hanggang pangarap na lang yun. Sabagay nangangarap nanaman ako eh ang daming babaeng mas maganda sa akin sa batch. Ang hirap naman maging simpleng tao. Nangarap ako hanggang third year. Tama. Ang bilis ng panahon at third year high school na ko. Halos ilang buwan na ba ang nakalipas? Pero di ko ba alam. Sa tuwing naaalala ko yung una kaming nagusap at yung tungkol sa payong Dugdug. Dugdug. Lumalakas ang pintig ng puso ko na parang di ako makahinga. Minsan nga nagdaday dream ako habang nagkaklase eh mga tipong pwede kong ikutin ang panahon para bumalik sa dalawang alaala na yon. Tama na nga yan Xei. Pumunta ka na sa choir. May first Friday mass pa mamaya. Pagpunta ko sa MAPEH room, doon ko nalaman na nagabsent yung gitarista namin. Nagpanic kami dahil dun. Pano ba ito? Magisip ka Xei secretary ka pa naman Oo marunong ako maggitara pero sa tuwing malalaman kong tutugtog ako sa maraming tao kinakabahan ako. Kaya tinago ko yung talent ko. Sino bang marunong maggitara? Xei, si Kyle magaling maggitara yun. Try mo tawagin baka pumayag. Ikaw na lang Raiza. Ano ka ba dali na! wala na tayong oras oh. Tsaka magaayos pa ko ng kanta. Naglakad na ko. Nag umpisa na akong kabahan. Ano bang sasabihin ko? pwede ka bang maggitara sa amin? o marunong ka ba maggitara? Absent kasi yung gitarista namin. Sigh. Dugdug. Dugdug. Eto nasa harap na ko ng section V. hanggang ngayong third year, andito parin siya sa section na to. Haay. Iaannounce ko na Si Kyle po? Kyle! Wag ka ngang manggulo dito Chris! Kita mong naglalaro ako ng gameboy. Si Ms. Umbrella of your life mo. H.. H Huh?! Pano nalaman ni Chris ang tungkol dun? Well alam kong siguro bukod kay Browny na bestfriend niyang aso na namatay, si Chris yung best pal niya. Lagi silang magkasama. Pero pano nalaman yun ni Chris? Sinabi ba ni Kyle o nakita niya? Sa pagmumuni ko di ko namalayan na ang nasa harap ko na pala ay si Kyle. Ayan nasa harap mo nanaman ang pinaka angelic face na nakita mo sa tanang buhay mo. Ang sarap haplusin ng mukha niya. Gusto ko sana tanungin kung pano nalaman ni Chris kaso parang napaka papansin pag tinanong ko yun. Hindi naman pwedeng yun ang pinunta ko diba? Bakit? Uh absent kasi yung gitarista namin P p pwede ka bang maggitara para first Friday mass? Uh Ewan ko lang Okay lang naman kahit hindi maghahanap na lang ako ng panibago Ah hindi! Wag sige pumapayag na ko. Wow! Pumayag si Kyle! Yehey! Ang saya saya ko Dugdug. Dugdug. Nako tumigil ka muna puso ka lalo ako hindi makapaglakad ng maayos eh. hayan kasama ko siya sa paglalakad. As usual nauuna siya sa paglalakad. Ang ganda ng likod niya kahit ano ata maganda sa kanya eh. Andito na kami sa music room. Ano bang tutugtugin ko? Etong lahat. Mm O sige. Nagumpisa na kaming magpractice. Sa kanya lang ako nakatingin buong practice. Pero siya? Napansin ko kung kanino siya tumitingin Kay Raiza. Haay. Sinasabi ko na nga ba. Ang gusto niya yung magaganda at yung malalakas ang spirit na babae. Tulad ni Raiza at nung mga naging una niyang girl friend. Lahat sila eh magaganda at mejo loud. I mean may pagka speaker. Umasa ka na lang sa panaginip Xeira. Haay. Ayon. Napractice namin lahat ng kanta. Salamat kay Kyle. Nagproclaim na ng lunch si Raiza. Siya kasi yung vice president ng club na to. Absent yung fourth year na president kaya kami ang nagaasikaso. Umalis na silang lahat. At ako, nagwalis muna ako sa MAPEH room dahil madumi. Eh ayoko naman magalit sa min si Sir. Naglunch na ko. Nauna ako matapos sa ibang choir. Pagdating ko sa MAPEH room iisang tao lang andun natural napangiti ako. Dugdug. Dugdug. Kinuha ni Kyle yung gitara niya tapos nagumpisang tumugtog. Umupo ako dun sa may wall. Alam kong sa parte ng wall na yun kung saan ako sumandal, dun din siya nakasandal kaya ko pinili yung parte na yun. At least Isang pader lang ang humaharang sa amin. Ang kinakanta niya yung Infa...
View Full Document

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture