Bakit mahalaga ang wika? Sa paanong paraan ito nagiging instrumento ng mabisang pakikipagtalastasan, mabuting pakikipagkapwa-tao at kapayapaan? Isang mabisang tulay- iyan ang pagpapakahulugan ko sa salitang wika. Ito ay saying napakahalaga sapagkat ginagamit ito sa lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan at nagagamit ito sa iba’t-ibang aspeto ng pamumuhay ng tao; pangrelihiyon, pangekonomiya, pang edukasyon, pampulitika at panlipunan. Sa ating pangaraw-araw na pagharap sa buhay, nakikisalamuha tayo sa iba kaya’t ganito na lamang kahalaga ang wika sa isang mabisang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng malayang pagpapahayag ng ating saloobin at kaisipan. Nagkakaroon ng pagkakaintindihan dahil sa mainam na komunikasyon at sa ating pagsanay sa pakikipag-usap, nahuhubog din ang ating pagkatao, hindi lang ang gramatika. Nagiging instrumento ng mabuting pakikipagkapwa-tao ang wika sapagkat sa ating pagsasalita, naihahatid ang tunay na diwa ng tao patungo sa isa’t-isa, at pagbuklod-buklod ng iisang lengguwahe ang kabutihan at kagandahang- loob.1
Ngayong nabatid mo na ang mahaba at masalimuot na kasaysayan ng ating wikang pambansa, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa pagkakaroon natin ng isang wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino? Bago napagtibay ang wikang Filipino ay maraming hadlang ang dumating at maraming taon ang lumipas pa. Baon ang kaisipang ito, maipapakita ko ang aking pagpapahalaga at pagmamalaki sa ating wikang pambansa sa limang paraan. Una ay tangkilikin ko sa aking sarili ang paggamit ng lengguwaheng ito nang sa ganoon ay ganap akong makapanghikayat sa ibang kabataan. Pangalawa, palawakin ko pa ang aking bokabularyo sa Filipino sa pamamagitan ng pagsangguni sa diksyonaryong Filipino. Pangatlo, makikipagtalastan ako sa mga binasa sa wikang ito upang malinang ang aking pagsasalita at pakikipagkapwa-tao. Pang-apat, mainam akong magbabasa ng libro at iba pang mga babasahin na siksik sa sulating Filipino. At sa panghuli ay sisikapin kong gamitin ito sa lahat ng oras sapagkat nararapat lamang na ipakita sa mundo na sadyang kayganda at kaylawak ng ating wika.2
Sa paanong paraan nakatutulong sa iyo ang pagkatuto mo ng iba pang wika maliban sa inyong unang wika o L1? Sa pagdaraan ng panahon na patuloy na lumalawak ang aking mundo ay dumarami pa ang mga taong aking nakakasalamuha na may iba’t-ibang wikang ginagamit. Bibihira na lamang ang mga Pilipino na nagsasalita ng iisang wika dahil sa sistemang multilingguwalismo sa larangan ng pagtuturo at edukasyon. Isang malaking handog ang pagkakaroon ng kaalaman sa sari-saring
Want to read all 14 pages?
Previewing 4 of 14 pages Upload your study docs or become a member.
Want to read all 14 pages?
Previewing 4 of 14 pages Upload your study docs or become a member.
End of preview
Want to read all 14 pages? Upload your study docs or become a member.