Hinila niya ako kaso nagpumiglas ako my gash its

This preview shows page 96 - 98 out of 249 pages.

Hinila niya ako kaso nagpumiglas ako. My GASH, it's raining and why can't he just stay with Francine and leave me alone to rot in hell? Kaya tumakbo ako nang nagkaroon ako ng pagkakataong tumakas, pero less 50% yung stamina ko kaya agad niya akong naabutan at hinila (masakit nga yung kamay ko, pati kuko) patungong waiting shed. "Ano ka ba? Magpapakamatay ka ba?" >:( >:( Tinitigan ko siya ng mabuti. Nanlilisik yung mga mata ko sa mga sandaling ito. Wala na akong pakealam sa kanya kaya bakit pa siya nangengealam sakin? Umiyak na naman ako, goodness, hindi na ba 'to matatapos? Hindi na rin ako nagsalita. "Giniginaw ka pa!" He touched my arms. Nanlilisik parin ang mga mata ko. Nang lumapit siya sakin, lumayo ako sa kanya. "Ano ba? Wa'g ka na ngang mag-inarte sa mga oras na 'to? Paano kung lagnatin ka?" NYENYENYE~ ang daming sinasabi. Baka magpabola na naman ako dito at maisipang concern siya kahit alam ko namang GRRR ewan. Lumapit siya sakin at umambang yayakapin ako. Pero sinuntok ko ang dibdib niya kaya napaatras siya. "Bakit ka andito?" Napahikbi ako. >:( :'( Lalong lumakas ang ulan. "Eh-" "Si Francine walang kasama dun! Ba't ka andito?" Tanong ko. PLEAAAAAAAAAASE, stop the rain? OR PLEASE, bigyan niyo na ako ng taxi ngayon din para makaalis na ako dito. "Symepre, baka anong mangyari sayo. Safe naman si Francine dun kasi nasa kanila siya. Alam mo ba kung saan ka pupunta ha?" Lalo pang tumulo ang luha ko. "Ni hindi mo nga alam kung saan ang lugar na 'to! Hindi mo nga alam kung papano ka uuwi sa inyo!" Pinapagalitan niya ba ako? Nagsimula na akong maghanap ng taxi na paparating. "Di mo ba talaga ako naiintindihan, Dae?"
Tumahimik siya. Ang pagpunta niya dito ngayon, mas lalong nakakapagpasakit sa puso ko. Pumara ako ng taxi pero pinigilan niya ako. Di rin naman tumigil ang taxi dahil may sakay. "Okay, I get it. Umalis ka na, ako pa ang papara ng taxi, pag humupa na ang ulan." Sabi niya habang bumubuntong-hininga. Tinitigan ko na naman siyang may kasamang poot. Hindi ko talaga mapigilang magalit sa kanya. Pero, susundin ko ba siya? Baka paghihintayin ko pa ang ulan na humupa, manlambot na naman ako't maisipan ko na namang mahal ko ang pinakawalang hiyang lalaki sa balat ng lupa. :-[ >:( :'( May napansin ulit akong taxi at pinara ulit ako at pinigilan niya na naman ako. "Ano ba!" Sigaw niya. Hindi na ako nagsalita. Bakit ngayon pa nagsilabasan ang mga taxi? Sana kanina pa nung wala pa si Dae. "Hindi ka ba talaga nakakaintindi? Ganyan ba kababa ang IQ mo?" NAKAKAINIS! Nang-iinsulto pa ang isang 'to. "Kung mababa ang IQ ko, mas mababa parin ang IQ mo, Dae!" Lumuha na naman ako. "Kasi, hindi mo naiintindihan eh. Nasasaktan ako at ayoko na, kaya pwede ba, the least thing you can do for me is to not hurt me so get out of my life!" Sabay para ko sa taxi. Tahimik lang siya habang tinitingnan akong pinupunasan ang sarili kong luha.

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture