Tiningnan ako ni ate bloom sabi ni papa ang ganda

This preview shows page 74 - 76 out of 249 pages.

Tiningnan ako ni Ate Bloom, "Sabi ni papa ang ganda-ganda mo na daw, Serene." WAAA? LOL, I blushed. Tapos, nagising si Dae. Para akong kinabahan. Hindi pala... kinabahan talaga! Ayaw ko kasing makita ang reaksyon niya kung makita niya si Francine. At ayaw ko ring nakikita niya ako dito na parang nasa tabi-tabi lang at pakalat-kalat. "A-Ate, p-paki sabi na lang kay tito 'thanks'." Sabi ko habang sinulyapan ko ang mga dala ni Francine - mga fruits at flowers na ngayon ko lang napansin. "M-May pasok pa kasi ako." "Huh? Ahh. Okay! Sana sinabi mo - ihahatid na-" Tiningnan niya si Dae na bagong gising at mukhang nakuha ko na ang gusto niyang mangyari. Nagkatinginan si Francine at si Dae at alam kong ayoko na... "Okay lang. Malapit lang naman yun eh." I smiled fakely tapos agad kong inayos ang mga gamit ko at lahat-lahat. "Serene, saan ka pupunta?" Lumingon ako kay Dae habang nagwawala na ang puso ko. "School." "Ganun ba?" Tumango siya at tiningnan ulit si Francine. "Ate, ihatid mo si Serene." SHEEEET. Ipinasa ako sa iba? LOL. Of course, ganun ang mangyayari. Andyan si Francine eh. "Huh? Ikaw-" "Okay lang Ate. Kaya ko naman eh." I smiled. Agad na akong umalis, I don't want to hear anything from him anymore. Bakit ba ako nagkakaganito? Umaasa na nga ba ako? Mukhang umaasa na nga ako. GRRR.
Sinundan ako nina Crayon. "Couz, uwi ka na?" "Oo." Sabi ko. Syempre, ba't ko aamining uuwi na ako sa harapan ni Dae? Mapagkakamalan lang akong nagseselos. Hinabol ako ni Sophie at magkasabay na kaming naglakad ngayon. Nasa likuran namin sina Crayon at ang iba pa. Pumasok na silang lahat sa sasakyan ni Grey. Buti na lang at malaki ang sasakyan niya kaya kasya kaming anim. Ako ang pinakahuling pumasok at ako lang mag-isa sa likuran. Tahimik ako habang pinapaandar ni Grey ang sasakyan niya habang hindi ko namamalayang silang lahat pala ay tinitingnan ang facial expression ko. "Ano?" Isa-isa silang nagtawanan. "Sige sige... deny ka pa. Ayan tuloy." Sabi ni Valen. I smiled, "Anong ibig niyong sabihin?" "Nakuuu Serene, pasensya ka na talaga kay Dae. Kahit kami, di namin siya maintindihan pag lovelife na." Sabi ni Grey habang sumulyap siya sakin sa salamin at tumingin ulit sa daanan. "Oo nga. tsss, tapos hindi pa maayawan ni Dae si Francine dahil maganda." Sabi ni Valen. "Maganda naman si Serene ah?" Sophie defended. "Oo nga eh. Sa tagal nating magkakilala ba't kaya di ka pa niya makita?" I sighed. "Haaay, ba't ba kayo nag-aalala? Makukuha din ni Serene si Dae, eventually. I'm sure. Kung hindi naman ako sure, edi gagawa na ako ng paraan." "WUUUU, Crayon's dark plans!" Nagtawanan sila. "HEHE, joke. Hindi naman sa ganun pero susubaybayan ko lang silang dalawa. Tingnan natin kung anong mangyayari." Lumingon si Crayon sakin with his evil smile, again. Napangiti ako, kahit na mejo stressed na rin ako at nasasaktan. "Humanap ka na kasi ng iba, Serene." Sabi ni Grey.

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture