Sibyla: “Nakasama na sa kanyang ama. Hindi ba’t isa rin syang pilibustero, Padre Salvi?”Ben: “Yan ang masasabi kong murang paglilibing, ha, Padre Camorra?”(nakatawa)Camorra: “ Lagi ko ngang nasasabi, na hindi mo maaasahang ang pilibustero ay magkakaroon ng marangal na libing.” (habang tumatawa din)Ben: “ Anong nangyayari sa iyo Ginoong Simoun? Huwag ninyong sabihin na kayo ay maysakit?! Kayo na datihang manlalakbay, mahihilo sa ganitong paglalakbay lamang?”Kapitan: “Kailangan ninyong malaman, na ang paglalakbay sa ilog na ito ay hindi dapat maliitin. Ang lawang ito ay higit na malakisa alin mang lawa sa Switzerland o lahat ng lawa sa Espanya pagsama-samahin man. Nakakita na ako nang mga sanay na mandaragat na nangahilo dito.” Kabanata 4: Kabesang TalesSelo: “Magtimpi! Mas gugugol ka sa isang taong paghihintay sa usapin kaysa magbayd ka ng sampung taon sa mga paring dayuhan. Hmm! Marahil ay babayaran ka naman nila ng mga misa. Isipin mo na lamang na natalo ang tatlumpong piso mo sa sugal. O kaya’y nahulog sa ilog at kinain ng mga buwaya.”Masagana ang naging ani at naibenta sa mabuting halaga. Nakapagpagawa na ng bahay na gawa sa tabla na siyang pinapangarap ng pamilya ni Tales. Itinaas muli ng mga prayle ang buwis sa iba’t ibang kadahilanan. Binayaran na lamang ni Tales ang buwis upang maka-iwas sa gulo.Selo: “Magtimpi! Isipin mo na lang na lumaki ang buwaya!”Nang unti-unting bumuti ang pamumuhay nila Tales any inatasan siya bilang pangunahing maniningil ng buwis sa baryon