Pili rin ang nanonood nito kayat walang obligasyon ang filmmaker na gawing

Pili rin ang nanonood nito kayat walang obligasyon

This preview shows page 12 - 15 out of 127 pages.

minuto lamang ang haba nito. Pili rin ang nanonood nito kaya’t walang obligasyon ang filmmaker na gawing malinaw ang naratibo. Ngunit dito makikita ang husay ng filmmaker na makalikha ng isang obra sa kabila ng limitasyon sa oras o badjet. Dito rin matutunghayan ang tapang ng ilang filmmaker na tumalakay sa mga paksa na hindi katanggap-tanggap sa mainstream. Tingnan na lamang ang maikling pelikulang The Great Smoke (1985) ni Roque Lee, o mas kilala bilang Roxlee, na tumatalakay sa masamang epekto ng nuclear war. Ang Anino (2000) ni Raymond Red at Batang
Image of page 12

Subscribe to view the full document.

13 Trapo (2001) ni Mes de Guzman ay kapwa sumisilip sa minsa’y mapait na karanasan ng mga ordinaryong tao sa lungsod. Ang Mondo Manila (2004) naman ni Khavn de la Cruz ay tumatalakay sa pagkatali nating mga Pilipino sa Amerikanong gahum. Ilan lamang ito sa mga maikling pelikulang mapangahas na tumaliwas sa gawi ng mainstream. Upang malinaw nating makita kung nasaan ang pelikulang indie-alternatibo sa mundo ng pelikula sa Pilipinas ay hinati ni Clodualdo del Mundo, Jr. sa tatlong espasyo ang produksyon ng pelikula (tingnan: “The Film Industry is Dead,” 42 -49). Una ay ang sentro kung saan makikita ang mainstream o komersyal na pelikula (Star Cinema, GMA Films, Regal Films, etc.). Sa espasyong ito, ang pelikula ay nakapailalim sa kapitalistang sistema; at sa sistemang ito, ang produksyon ng pelikula ay nakasalalay sa kung ano ang inaakala ng uso at ang mga ito’ y may kanya-kanya nang pormula na kailangang sundin ng direktor (horror, comedy o love story?). Samakatuwid, sa mainstream, ayon nga sa mga Marxistang taga-Frankfurt School, ang pelikula ay isa lamang “standardized commodity” na halos magkakapareho ang nilalaman. May pormulang sinusunod ang bawat kuwento at ang pangunahing layunin ay makapagbigay ng aliw. Ikalawa, ang “ periphery ” o gilid ng mainstream kung saan maaaring magtagpo ang indie at mainstream. Narito ang mga pelikulang bagamat gawa ng malalaking studio ay hindi naman purong komersyal ang oryentasyon bagkus ay may malalim na kabuluhan din. Dito makikita ang katulad nina Lino Brocka, Ishmael Bernal at Mike de Leon noong dekada ’70 at ‘80 at sina Mark Meily, Chris Martinez at Jeffrey Jeturian sa kasalukuyan. Nasa espasyo ring ito ang ilang indie filmmaker gaya nina Brillante Mendoza, Adolfo Alix, Jr. at Auraeus Solito. Bagamat indie, gumagamit pa rin sila ng mga artista mula sa mainstream (hal: Joel Torre, Cherry Pie Picache, Angel Aquino, atbp.) at ang kanilang mga pelikula ay abot pa rin ng maraming manonood.
Image of page 13
14 Ang ikatlo ay ang espasyong malayong-malayo at ibang-iba na sa mainstream. Ito ang mundo ng mga experimental at “avant - garde” filmmaker tulad nina Khavn de la Cruz, Lav Diaz, Raya Martin at John Torres. Sila ang mga filmmaker na tila gumagawa ng pelikula para lamang sa festival at madalas ang kanilang estilo ay kanluranin ang oryentasyon ; sa madaling salita, “sining alang -alang sa sining.” Nagkamit man sila ng samu’t saring parangal sa ibang bansa, hindi naman naaabot ng mga Pilipinong manonood ang marami sa kanilang pelikula.
Image of page 14

Subscribe to view the full document.

Image of page 15
  • Spring '16
  • Albus Dumbledore

What students are saying

  • Left Quote Icon

    As a current student on this bumpy collegiate pathway, I stumbled upon Course Hero, where I can find study resources for nearly all my courses, get online help from tutors 24/7, and even share my old projects, papers, and lecture notes with other students.

    Student Picture

    Kiran Temple University Fox School of Business ‘17, Course Hero Intern

  • Left Quote Icon

    I cannot even describe how much Course Hero helped me this summer. It’s truly become something I can always rely on and help me. In the end, I was not only able to survive summer classes, but I was able to thrive thanks to Course Hero.

    Student Picture

    Dana University of Pennsylvania ‘17, Course Hero Intern

  • Left Quote Icon

    The ability to access any university’s resources through Course Hero proved invaluable in my case. I was behind on Tulane coursework and actually used UCLA’s materials to help me move forward and get everything together on time.

    Student Picture

    Jill Tulane University ‘16, Course Hero Intern

Ask Expert Tutors You can ask You can ask ( soon) You can ask (will expire )
Answers in as fast as 15 minutes