Kriiiing kriiiing patuloy na pinapatay ni sophie ang

This preview shows page 49 - 52 out of 249 pages.

*KRIIIING* *KRIIIING* Patuloy na pinapatay ni Sophie ang mga tawag na mukhang kay Crayon galing! Umorder pa ako ng marami para mejo magtagal kami sa fastfood nang nakita kong pinatay niya na talaga ang phone niya. *KRIIIING* "Hello?" "Hello Dae?" "Asan kayo?" "S-Sa... Jollibee malapit ng school!" "Ano? Tsk. Kala ko pa naman nasa bahay ka na nina Sophie... Papunta na kami diyan!" Sabi ni Dae habang naririnig ko ang malakas na music. Ginagamit nila ang sasakyan niya! "Huh? Asan ka?"
"Papunta na sana kami sa subdivision nina Sophie... eh andyan lang pala kayo! Kasama ko si Crayon!" "Bakit? Makikipagbreak na siya! Ibigay mo nga sa kanya ang cellphone!" "Can I take your order ma'am!" "Teka lang, Dae." Linagay ko ang phone malapit sa shoulders ko saka... "Dalawang N2, large fries, large coke, tapos... uh, palabok? meron ba? Okay, Rocky Road na sundae at Hot Caramel..." Napatunganga ang cashier. ??? "Hello?" Lingay ko ulit ang phone ko sa tenga ko. "Dagdagan niyo na rin ng isang happymeal!" "Happy meal? Eh wala yun di-" Si Dae? "Walang happy meal dito! Sa Mcdo yun!" Lumingon ako kay Sophie at doon nakita kong si Crayon na ang ka table niya. Lalapit na sana ako, kaso pinigilan ako ni Dae. "Hayaan mo muna sila, nang magkaliwanagan sila!" Tumango ako, pero naiinis ako dahil umiiyak si Sophie at mejo nagkakasalubong pa ang kilay ni Crayon! Kinuha ni Dae ang order namin, at siya na rin ang nagbayad! LIBRE?! UYYYYY, Hahah. Kulang na lang tumili yung cashier, akala ko talaga napatunganga siya kanina dahil sa dami ng order ko, kaso yun pala dahil sa gwapong kasama ko. Grrrr... Hinila niya ako sa isa pang table. Ilinapag niya ang mga pagkain. "Anong plano mo sa mga ito?" Tanong niya. "eh ano pa! kakainin!" "Ang dami naman nito!" "Ba't ka nagrereklamo! Eh bayaran na lang kaya kita! Hindi naman sasama ang loob ko eh!" "Wala pang happymeal!" "Anong happy meal!? Palibhasa di ka marunong kumain sa mga fastfood kaya di mo alam kung saan ang happymeal!" Linantakan ko na yung pagkain! Bahala na nga si Dae siyan, bahala na siya kung anong isipin niya! As if naman di niya ako nakitang naihi noon! Ang dami ko ng kahihiyan sa harapan niya eh ba't pa ako mahihiya ngayon? "Dahan-dahan lang! Baka mamaya magka LBM ka!" "Tseh!" Pati yung laway ko ata napunta sa mukha niya. "Yuck! Nakakadiri ka talaga Serene!" Sabay punas sa mukha nya.
"HEHEHE :D" "Kung crush kita, baka nadiscourage na ako sayo!" Sabay tingin niya kina Sophie. Parang gusto kong magtanong kung ano pala ang tingin niya sa akin, kaya lang... natatakot akong marining na 'KAIBIGAN' lang. :( Pero naiisip ko yung sinabi niya kanina? Yung binulong niya sakin na... 'walang kinalaman dito ang pagseselos ko kay Crayon.' WHAAAA~! Ano kaya talaga ang tunay niyang nararamdaman sakin? HMMM. Ilang sandali ang nakalipas nang natapos ko na ang pagkain, tumayo na si Sophie at iniwan niya si Crayon sa table. ________________________________________ 19th fall Serene Cruz: Dae... tapos na kami!

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture