(Week 8)
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Hanggang sa Kasalukuyan
Panimula
Ang wika ay buhay, samakatuwid ang wikang
Filipino ay buhay, nagbabago, umaakma sa
pagkakataon at umaagpang sa paglipas ng panahon.
Ang wikang Filipino ay masasabing nagdaan sa
masalimuot na mga yugto at patuloy na magdaraan pa
sa paglinang at pag-aaral upang umangkop sa
nagbabagong panahon, bagong henerasyon at sa
yumayamang teknolohiya
Ang Wikang Pambansa sa Kasalukuyan
Oktubre 24, 1967 – Nilagdaan ni Pangulong
Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na
ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng
pamahalaan ay panganlan sa Pilipino. Marso,
1968 – Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap,
Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat
ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran,
tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa
Pilipino.
Agosto 7, 1973 – Nilikha ng Pambansang
Lupon ng Edukasyon ang resolusyong
nagsasaad na gagamiting midyum ng
pagtuturo mula sa antas elementarya
hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang
pambayan o pribado at pasisimula sa taong
panuruan 1974--75. Hunyo 19, 1974 -
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng
Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang
Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa
pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa
lahat ng kolehiyo at pamantasan.
Hulyo 30, 1976 – Sa pamamagitan ng
Department Memo no. 194 na inisyu ng
Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, and
Pampalakasan, ang 20 titik ng abakada ay
nadagdagan ng labing-isang banyagang-hiram
na titik. Sa 1987 Constitution – Pagkatapos ng
Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang
pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong
Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia
Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang
Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng pitak
ang tungkol sa Wika.
Artikulo XIV – Wika
Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang

nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na
Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika. Alinsunod sa mga tadhana ng
Batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang
Pamahalaan upang ibunsad at
paspasang itaguyod ang paggamit ng
Pilipinas bilang midyum na opisyal na
Komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng
Komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino
at , hanggat walang itinatadhana ang
batas, Ingles. Ang mga wikang
panrelihiyon ay pantulong ng mga
wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbi na pantulong sa mga
wikang panturo roon. Dapat itaguyod
ng kusa at opsyonal ang Kastila ng
Arabic.
Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay
dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at
dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso
ng isang Komisyon ng Wikang
Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon
at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang
mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanitili.


You've reached the end of your free preview.
Want to read all 11 pages?
- Fall '20