Ibinalik niya ang mga gamit dito sa lumang

This preview shows page 19 - 21 out of 26 pages.

Ibinalik niya ang mga gamit dito sa lumang tinutuluyan at dito na tumira muli. Kailangan niya ito, sabi sa sarili. Bumili siya ng bago at malaking telebisyon at iba pang mga kagamitan. Mga kompyuter, Playstation at kung ano ano pa. Sinigurado niyang malapit ito sa mga bintana at pinto. Alam niyang natiktikan ng mga magnanakaw na siya’y bagong lipat. Inugali niyang huwag ikandado lagi ang pinto, iniiwan niya itong bukas sa araw. Napapansin niyang pabalik balik na ang dalawa, si Kenji at Chinggoy, sa pagmamasid sa kaniyang tirahan. Ngayong gabi sila ay nakatambay na naman sa harap ng gatenila Egoy. Bumaba siya at nagkuniyaring may kausap sa telepono. “Ha?! Asan ka?!” sigaw ni Egoy, nagpaparinig sa dalawa. Nagmura siya at sinipa ang isang basurahan sa tabi ng bakal na gate. “Papunta na ko dun! Bumalik ka na dito, walang tao sa bahay! Oo hindi ko na-lock!” dagdag nito. Napansin niyang nagkatinginan ang dalawa. Dagli siyang tumakbo palabas ng compound. Nagtago siya sa isang madilim na sulok. Napansin niyang lumilinga ang dalawa, naghahanap ng makakakita. Dumaan si Egoy sa isang bakanteng lote at umakyat sa pader nito. Tumawid siya papunta sa likod ng gusali niya. Sa likod siya dumaan, sa fire exit. Umakyat siya ng dali dali papunta sa tirahan niya, at nag abang sa likod ng pinto. Wala pang ilang minuto ay nangyari ang inaasahan niya: pumasok ang dalawa. Kinuha niya ang baseball bat na itinago sa likod ng pinto. Isinara niya bigla ang pinto at tumakbo papunta sa may switch ng ilaw. Pinatay niya ito.
Page 19of 25Napalingon sa kaniya ang dalawang lalaki. Saglit niya lamang nakita ang mukha ng mga ito. Iwinasiwas niya ang hawak na kahoy sa kanilang direksyon. Isang malakas na “DAG!” ang umalingawngaw sa loob ng kaniyang tahanan. Tila natibag na kahoy, bumagsak sa sahig ang isa sa kanila. Narinig niyang tumakbo sa harap niya ang isa pa. Tama ang sabi ni Omar. Iba ang magnanakaw sa mamamatay-tao. Kumaripas ang isa pa papunta sa pintuan, ngunit hindi niya makakapa ang doorknob. Tinanggal ito ni Egoy. Kahit hindi kita sa dilim ay tinamaan ang lalaki ng isang malakas na hambalos mula sa baseball bat ni Egoy. Nabuwal ito. Binuksan niya ang ilaw. Nakahandusay ito sa sahig, duguan. Napunit ng nabasag na buto sa binti ang balat nito. Umiiyak siya, ngunit walang tunog na lumalabas sa kaniyang labi. Tiningnan niya ang isa pang lalaki. Wala itong malay, naka-salampak sa sahig. Umaagos ang dugo mula sa ulo. Naalala niya ang panaginip. Ang bawat suntok, sipa, at tadyak. Naalala niya ang hinagpis na nadarama ng kaniyang kuya habang ikinukwento niya ang mga ito sa pulis. Isa itong hiram na alaala, hindi siya ang nakakita sa babae. Ang kaniyang kuya ay witness sa isang krimen kung saan may isang sikat na artista ang napatay. Ibinibintang ng mga tao ang krimen sa iba, sa pagkakatanda niya ay mga komedyante. Hindi narin niya maalala ang pangalan ng napatay na artista. Hindi siya kilala bilang Delia. Basta ang natatatandaan niya, pinatay ng isang nagngangalang Jose ang babae.

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture