Dugdug dugdug pinunta na ko sa labas ni chris para

This preview shows page 28 - 30 out of 48 pages.

Dugdug. Dugdug. Pinunta na ko sa labas ni Chris, para daw makahinga ako. ang bad news... hindi ko man lang narinig yung buong kanta na broken sonnet. "Sorry ah. Dahil sa kin, hindi mo tuloy narinig yung kanta." "Okay lang yun, madami pa naman eh. Gusto mo ba jan na lang?" "Daddy... uuwi na ko." "Ha? Bakit naman?" "Wala din namang silbi kung andito lang ako eh." "O sige, hatid na kita sa inyo." "Mejo hiblood si papa sayo." "bakit?!" "Eh kasi sinumbong ng kapatid ko eh." "Hai. Kahit sa street niyo lang?" "Mm... o sige." Hinatid na ko ni Chris hanggang bahay. Ako naman ang humalik sa kanya sa cheeks this time... masyado na siyang maraming nagawa para sa kin. "Thanks..." "ako nga dapat mag thank you eh. Dami mo ng ginawa para sakin." "Ginagawa ko yun... dahil... gusto kitang sumaya..." "Salamat... lalo na dun sa lyrics." "Ano?" "Sa ly-" Tapos biglang bumukas yung gate namin. Nagbbye na ko kay Chris dahil ayoko namang pagalitan pa ulit ako ng papa ko. Nung mejo 10:00, kakatapos ko lang maligo. Pagtingin ko sa cellphone ko... 53 miscalls!!! Aba! At sino naman kaya ang tumata- Kyle ko calling...
OMG. Si Kyle. Nung pinindot ko... "Ayos... sinagot mo sa pang 54." "Ano naman?" "Wala lang. Bakit bigla kang nawala?" "Umalis na ko eh. Di na talaga ako makahinga dun." "Ah... sayang... may ipaparinig sana ako sayo..." At nagulat ako nung narinig ko... Dugdug. Dugdug. Sobrang gulat... Sobrang saya... Pero pagkatapos nung huling salita sa kinanta niya, binaba na niya ang telepono... But still I see... The tears from your eyes... Maybe I'm just... not the one... for you CHAPTER 37 [lips of an Angel] Ano ba. Ano ba. Ano ba!!! Hindi ko na talaga siya maintindihan. Ano bang sinasabi niya? Ako ba?! Ako ba?! Pwede bang sabihin na niya para hindi na ko mahirapan ng ganito?! Pero pag sasabihin niya... Scandalo. Pagbaba niya ng cellphone, nakatulala na lang ako. hindi ba dapat ako ang kumanta nun? dahil... alam ko naman na hindi ako ang para sa kanya. Asar. Pero aaminin ko, kinilig talaga ako. napayakap ako sa unan ko ng sobrang higpit at nakangiti ako buong gabi hanggang sa makatulog na ko. Pagpasok nung susunod na araw, ginawa ko ang lahat para di siya makita. Oo siguro nga gusto ko siya Makita pero baka mabaliw lang ako. kaya wag na lang... "Hay." "Oy, may problema ka nanaman ba?" "Wala." "asus. As if. Kyle?!" "Wag mo nga ilakas yang boses mo... marinig ka ng ibang tao eh." "kung ako sayo... bitawan mo na siya." "bibitawan ko na... eh hindi ko pa nahahawakan?!" "nakakapit ka sa kanya... pero siya, hindi siya nakakapit sayo." OUCH. Langya talaga tong si Marj. Derechong derecho sa puso yung sinabi niya. "Start na daw ng battle of the bands three weeks after ah." "three weeks?!?!?!" "oo. Grabe nga eh. Sadista ang mapeh club." "sayang." "bakit? Gusto mo sumali?!" And boom. Narinig ata ni Rai yung sinabi ni Marj. "Sasali ka? Sino ng kabanda mo?" "ah... hindi... no plans..." "Pero Xei maganda boses mo ah... marunong ka pa magitara..." "Tigilan mo nga ako-" "Sige na Xei! Actually gusto ko din sumali eh. Eh vocals and bass lang ako." "ako pwede akong drums." "Weh Marj?! Marunong ka magdrums?!" "Oo naman. Para san pa tong mga muscles na to sa kamay?! Hmm...

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture