O Sige mag ingat ka ah Dae ihatid mo siya sa labas Po NAKUUUU kung ayaw mo eh

O sige mag ingat ka ah dae ihatid mo siya sa labas po

This preview shows page 151 - 154 out of 249 pages.

"O, Sige... mag-ingat ka ah!? Dae, ihatid mo siya sa labas." "Po?" NAKUUUU, kung ayaw mo eh di wa'g! Di naman ako mag susumbong eh. "Wa'g na po..." >:( "Anong 'wa'g na'? Sige na." Sabi ni tita at umalis naman siya agad. Parang natatakot siyang umangal pa ako ulit. Napabuntong hininga ako habang naglalakad pabalik sa table namin. Nasa likuran ko naman si Dae at nakasunod. "Magpapahatid pa, ba't di niya na lang kaya papuntahin si Nico para malaman natin kung..." "May sinasabi ka ba, DAE?" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Wala naman... May narinig ka ba?" "Kung ayaw mong ihatid ako, aba, mas lalong ayaw ko no! Kaya wa'g mo na lang akong ihatid sa labas, pwede? Pakiusap lang, Dae." Sabi ko. Pinandiltan ko siya bago nagpatuloy sa paglalakad at padabog na kinuha ang pouch sa mesa. "O, O... Ano na naman ba ang nangyari sa inyong dalawa?" Tanong ni Crayon. SIYA ANG MAY KASALANAN EH! Kung di niya lang kasi sinabi kay Dae na nasa CR ako eh di sana 'to nangyari! "Wala! Uuwi na ako, masakit ang tiyan ko. NEY..." Lumingon ako kay Ney na nakatitig lang sa PSP, "Aalis na ako, sumama ka na lang kay Crayon..." Sinulyapan niya lang ako at tumango ng bahagya.
Naramdaman kong nasa likuran ko ulit si Dae kaya naglakad na ulit ako papalabas bitbit ang pouch. Sumunod naman ang impakto. "Bahala ka sa buhay mo." Sabi ko habang mas lalong binilisan ko ang paglalakad ko. Nasa likuran parin siya. Nakakaasar na. Hanggang sa nakalabas na ako at andun na ako sa driveway. Dito ako maghihintay kay Nico para madali niya akong makita. Hinawakan ni Dae ang braso ko, "Ano ba?" "Ako na lang kasi ang maghahatid sayo!" "HA?" Totoo ba ito? "Ayoko nga! Si Nico yung nangako sakin no! Di ko naman siya iindianin, di tulad ng iba diyan." Nagpaparinig ako. "Sige na kasi, wa'g ka na ngang pakipot!" "Ang kapal mo talaga kahit kelan no?" >:( >:( >:( >:( >:( Narinig niyo yun? Nakakahighblood! Baka ma-stroke na ako dito dahil sa inis! Bwisit. Nakita kong may nagpark na sasakyan sa harapan namin. Sasakyan yun ni Nico! "Nico..." Binaba ni Nico ang salamin ng front seat. Mas lalong hinila ni Dae ang braso ko at kinaladkad niya pa ako papalayo sa sasakyan. "Aray, Dae! Ano ba!" "Serene~!" Bumaba si Nico sa kanyang sasakyan. :o :o :o 57th fall Serene Cruz: makikipaglandian? "Aray, bitiwan mo nga ako!" "Tama na, Dae." Sabi ni Nico habang hinahawakan ang braso ko at binabawi kay Dae. Nakatitig lang si Dae kay Nico at para bang isang kalabit na lang at susuntukin niya na si Nico. "Bakit? Sino ka ba?" Hinila niya parin ang braso ko. "Halika na nga, Serene! Wa'g kang sumama sa mga di mo kilala!" Hinila niya ako. "DAE, nasasaktan ako!" OUCH! Pulang-pula na ang braso ko at halatang masyadong mapwersa ang pagkakahila ni Dae sakin. "DAE, TAMA NA SABI EH!" Umaamba na ng suntok si Nico. "Nico, wa'g---"
Humanahon siya. Mabuti na lang at nakawala rin ako sa wakas. Hinila naman ako ni Nico sa likuran niya. "Ba't mo siya pinigilan, ha Serene? Ayan tuloy! Natatakot atang maintriga kaming dalawa!" Sabi ni Dae.

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture