Nakaramdam siya ng kilabot sa isapang iyon at

This preview shows page 4 - 6 out of 8 pages.

Nakaramdam siya ng kilabot sa isapang iyon at napausal siya ng dasal para sa kaligtasan ng kaisa-isang anak. Madaling araw na, ngunit wala pa rin ang anak at hindi siya makatulog. Bumangon na siya at sinindihan ang gasera sa ibabaw ng hapag-kainan, ngunit may naglagos na kay lamig ng hangin sa bahagyang siwang ng durungawan, sinapol ang liwanag ng gasera at namatay iyon, at tumindi ang kilabot na naramdaman niya. Hanggang sa ganap nang mag-umaga ay gising pa siya, hindi nanaidlip, hanggang sa dumating ang pulis na iyon at itanong sa kanya kung siya ang inani Simon. Makaraan siyang tumango ay dinugtong ng alagad ng batas: “Napatay ang inyong anak sa rambulan d’yan kanginang magmamadaling-araw. Sumama kayo sa presinto at me itatanong kami sa inyo.” Nakatanga siya, nakatulala, gayunma’y naitanong niya makailang sandali: “Naroon ho ba’ng aking anak? Gusto kong Makita ang aking si Simon.” “Nasa morge ho’ng bangkay ng inyong anak.” “Isama n’yo muna ako ro’n. Isama n’yo muna ako sa aking anak. Gusto kong Makita ang aking si Simon.” Walang na ang dati-rati’y saigla sa gagahiblang pag-asa na nadarama’t namamalas niya, sapagkat wala na, yumao na ang sandigan nggagahiblang pag-asa. Patay na si Simon, patay na ang kanyang anak, at ang pag-asa ay bangkay na rin sa kanyangdibdib. Ni hindi niya maipapalibing ang labi ng yumao. Ngayo’y gabi na, at sa buong maghapong iyon, makaraang maimbestigahan sa presinto, naglakad siyang nang naglakad, nagbakasakaling makapangutang ng perang maipagpapalibing sa anak. Ngunit sa katayuan nilang isa lamang labandera, sino ang magpapautang sa kanyang ng malaki-laki rin naming halaga ng pampalibing. Maging ang pinaglalabadahan niyang may kayang pamilya ni hindi nagkalakas-loob na magpautang sa kanya. Ngayo’y may nadaramang makapangyarihang pagkauhaw ang kaluluwa niya: nauuhaw siya, kinauuhawan ang dugo ng tumampalasan-ngunit sino ang tampalasan? Nangangapa ang kanyang isipan ng isang mapaghihigantihan. Nahan ang talampasan? Lumuhod siya sa munting altar ng barunbarong nila at siya ay nagtanong sa Maykapangyarihan. Kinabukasan ng umaga, makaraang makaraang
makapagsadya sa morge ng siyudad at maipagbigay-alam na, “Di kona ho ‘ata matutubos ang aking anak,” ay agad siyang nagtungo sa presinto upang mag-usisa sa kinalalabasan ng pag-iimbestiga ng maykapangyarihan ukol sa pagkamatay ng kanyang anak. “Ikinalulungkot ho naming, pero sa ngayo’y wala pa kaming Makita ni munting butas para malutas ang kaso ng pagpatay sa inyong anak,” sabi sa kanya ng isang pulis. Ni munting ebidensiya’y wala kamingg mapanghawakan, ni wala rin ho kaming nakuhang testigo.” ‘Pinatay na parang hayop ang aking anak ay ni di mahuhuliang kriminal!” sabi n’ya. “Ikinalulungkot ho naming, gayunma’y gagawin pa rin naming an gaming magagawa. Kung sakali, patatalastasan na lamang naming kayo…” Naroon na, nahiwatigan na niya, ang kawalang pag-asa sa ginagawang paghahanap sa

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture