Dugdug Dugdug Eto nasa harap na ko ng section V hanggang ngayong third year

Dugdug dugdug eto nasa harap na ko ng section v

This preview shows page 2 - 3 out of 48 pages.

Dugdug. Dugdug. Eto... nasa harap na ko ng section V. hanggang ngayong third year, andito parin siya sa section na to. Haay. Iaannounce ko na... "Si Kyle po?" "Kyle!" "Wag ka ngang manggulo dito Chris! Kita mong naglalaro ako ng gameboy." "Si Ms. Umbrella of your life mo." H.. H... Huh?! Pano nalaman ni Chris ang tungkol dun? Well... alam kong siguro... bukod kay Browny na bestfriend niyang aso na namatay, si Chris yung best pal niya. Lagi silang magkasama. Pero... pano nalaman yun ni Chris? Sinabi ba ni Kyle... o nakita niya? Sa pagmumuni ko... di ko namalayan na ang nasa harap ko na pala ay si Kyle. Ayan... nasa harap mo nanaman ang pinaka angelic face na nakita mo sa tanang buhay mo. Ang sarap haplusin ng mukha niya. Gusto ko sana tanungin kung pano nalaman ni Chris kaso parang napaka papansin pag tinanong ko yun. Hindi naman pwedeng yun ang pinunta ko diba? "Bakit?" "Uh... absent kasi yung gitarista namin... P... p... pwede ka bang maggitara para first Friday mass?" "Uh... Ewan ko lang..." "Okay lang naman kahit hindi... maghahanap na lang ako ng panibago..." "Ah hindi! Wag... sige... pumapayag na ko." Wow! Pumayag si Kyle! Yehey! Ang saya saya ko... Dugdug. Dugdug. Nako... tumigil ka muna puso ka... lalo ako hindi makapaglakad ng maayos eh. hayan... kasama ko siya sa paglalakad. As usual... nauuna siya sa paglalakad. Ang ganda ng likod niya... kahit ano ata maganda sa kanya eh. Andito na kami sa music room. "Ano bang tutugtugin ko?" "Etong lahat." "Mm... O sige." Nagumpisa na kaming magpractice. Sa kanya lang ako nakatingin buong practice. Pero siya? Napansin ko kung kanino siya tumitingin... Kay Raiza. Haay. Sinasabi ko na nga ba. Ang gusto niya yung magaganda at yung malalakas ang spirit na babae. Tulad ni Raiza at nung mga naging una niyang girl friend. Lahat sila eh magaganda at mejo loud. I mean... may pagka speaker. Umasa ka na lang sa panaginip Xeira. Haay. Ayon. Napractice namin lahat ng kanta. Salamat kay Kyle. Nagproclaim na ng lunch si Raiza. Siya kasi yung vice president ng club na to. Absent yung fourth year na president kaya kami ang nagaasikaso. Umalis na silang lahat. At ako, nagwalis muna ako sa MAPEH room dahil madumi. Eh ayoko naman magalit sa min si Sir. Naglunch na ko. Nauna ako matapos sa ibang choir. Pagdating ko sa MAPEH room... iisang tao lang andun... natural... napangiti ako. Dugdug. Dugdug. Kinuha ni Kyle yung gitara niya tapos nagumpisang tumugtog. Umupo ako dun sa may wall. Alam kong sa parte ng wall na yun kung saan ako sumandal, dun din siya nakasandal kaya ko pinili yung parte na yun. At least... Isang pader lang ang humaharang sa amin. Ang kinakanta niya yung Infatuation Is Always There ng Typecast. Well, hindi kasi ako rakista tulad ng maraming tao sa batch namin. Hindi ko alam yung lyrics pero napapakinggan ko. Nagumpisa na siyang kumanta... napangiti ako sa may chorus... Words are not important, smiles are all I need from you.

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture