Tomo 6 Bilang 2 Nobyembre 2017 135 TUGANO Kababaihan ng Katipunan Katipunan sa

Tomo 6 bilang 2 nobyembre 2017 135 tugano kababaihan

This preview shows page 39 - 40 out of 58 pages.

Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 135 TUGANO: Kababaihan ng Katipunan, Katipunan sa Kababaihan Saliksik E-Journal Ito ay isang matinding hamon para sa lahat ng historyador, mananalambuhay, at mananaliksik. Talahuli * Unang binasa sa Palihan sa Wika at Kasaysayan: Wika at Kasaysayan: Mapagpalaya, Mapagbago, Filipino, Agosto 18, 2017, sa Bulwagan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sudlong ng San Juan, San Juan City, Philippines. Nirebisa para sa publikasyong ito. Nagpapasalamat ang mananaliksik kay Prop. Atoy Navarro sa kanyang hindi matatawarang tulong sa ilang rebisyon sa papel na ito. 1 Tingnan halimbawa ang binabanggit sa “Ang Sunog Bago Mag - 1896” ni Virgilio Almario (1993) . Hinalimbawa niya sina Jose Rizal at Francisco Balagtas. Ani niya, tunay na dinakila ni Rizal ang bantog na manunulat na si Balagtas bilang huwaran ng “Tradisyon” at tagapagsimula ng mga makabayan at kontra- kolonyalistang sulatin. Dinakila ni Rizal ang makata ng Panginay na si Balagtas sa kanyang Arte Metrica bilang tagapagsimula ng tradisyon (Almario 1998, 190). Ito rin ang pinaniniwalaan ng mga Balagtasista nitong dantaon 20. Sa dominanteng pagsusuri ni Virgilio Almario: Laging kailangan ni Francisco Balagtas si Jose Rizal upang maging dakila. Samantala, hindi na kailangan ni Rizal si Balagtas upang umani ng pagdakila. Dumarating sa atin ang kadakilaan ni Rizal na waring isang ganap at walang pinagkakautangang anyo (Almario 1993, xiv). 2 Sa ikalawang bahagi ng Hinilawod, makikita ang pakikipaglaban ng bayaning si Labaw Donggon sa halimaw na sina Manaluntad upang makuha ang pag-ibig ng una niyang asawa na si Anggoy Ginbitinan; Sikay Padalogdog para sa ikalawa niyang asawa na si Abyang Doronoon; at ang diyos ng kadiliman na si Saragnayan upang mapasakanya ang pag-ibig ng ikatlo niyang asawa na si Nagmalitong Yawa. Kinalaunan, nagkaroon ng anak si Labaw Donggon na si Asu Mangga. Ang ikatlong bahagi naman ng Hinilawod ay naglalaman ng pakikipaglaban ni Humadapnon kasama ang kanyang kaibigan na si Buyong Matan-ayon sa sorceress na si Pinganun-Pinungganum hanggang sa mapangasawa niya si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan. Ang panhuling bahagi naman ng epiko ay naglalarawan tungkol sa kabayanihan ni Dumalapdap upang makuha ang pag-ibig ng babaeng si Lubay-lubyok Hanginun si Mahuyok-huyokon laban sa mga halimaw na sina Balanakon at Uyutang (Jocano 1964; Jocano 1984). Hindi magkatulad ang mga baybay ng mga pangalang tinukoy sa Hinilawod o Sugidanon ni F. Landa Jocano (1964, 1984) at nina Teofilo del Castillo y Tuazon at Buenaventura Medina (1964). Dahil hindi na tinatanggap ang baybay na ginamit ng mga huli kung kaya’t sinangguni ng mananaliks ik ang mga mapagkakatiwalaang pag-aaral ni Jocano (1964, 1984). 3 Ayon sa pag-aaral ni Ma. Rita Lourdes A. Alfaro (2012, 277), laganap na ang pagbebenta ng aliw ng mga prostitute. Noong mga panahon ng Español, tinatawag sila bilang mujer publica, prostitute, ramera, vagamunda, at indocumentada. Malinaw na ang mga salitang ito’y binigyan ng pagpapakahulugan ng 1884 Codigo Penal de Espana at 1887 Codigo Penal de Filipinas bilang babeng nagbebenta ng serbisyong kamunduhan kapalit ng salapi.
Image of page 39
Image of page 40

You've reached the end of your free preview.

Want to read all 58 pages?

  • Fall '18
  • Nzioka
  • Test

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture