Nabanggit sa kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabayad ni Namwaran ng 1 kati at 8

Nabanggit sa kasaysayan ng pilipinas ang pagbabayad

This preview shows page 7 - 9 out of 19 pages.

kanyang pagkakautang. Nabanggit sa kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabayad ni Namwaran ng 1 kati at 8 suwarma (865 gramo ng ginto) sa kanyang utang at naging dahilan upang maging malaya ang kanyang salinlahi sa posibleng pagiging alipin ng kadatuan. 9 Maliban sa mga binanggit, binigyang tuon din ni Ocampo sa mga huling kabanata ng kanyang aklat ang natagpuang labi ng mga elepante sa Pilipinas. Malinaw naman talagang binabanggit ng may-akda sa kanyang panimula na ang aklat ay magsisimula at magtatapos sa paksang mayroong kinalaman sa elepante (pah. vii). Minsan nang nagkaroon ng mga stegodon, elepante at rhino ang mga kapuluan ng Pilipinas. Ang ilan sa mga ito ay ang natagpuang Rhinoceros philippinensis sa kasalukuyang Fort Bonifacio, Stegodon luzonensis sa Balamban, Cebu, at Elephas beyeri sa Isla ng Cabarruyan (pah. 94). Malinaw ding naisulat ni Padre Ignacio Francisco Alcina noong 1668 sa kanyang Historia de las islas e indios de Bisayas na tinawag ng mga Bisaya ang elepante bilang “gadya” at ginamit din nila ang sungay (ivory) nito upang maging pulseras, pendants, punyal, at marami pang iba (pah. 95). Kung arkeolohiya ang pagbabatayan upang tugaygayin ang ugnayan ng Pilipinas sa ibang Asyanong bansa, naipaghambing ni Ocampo ang elepante na natagpuan 7 Scott, Barangay, Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and Society . 49. 8 Napatunayan ng rebyuwer ang kredibilidad ng sinasabi ni Ambeth Ocampo sa bahaging ito dahil nakita niya rin mismo sa Museum Gajah sa Jakarta, Indonesia ang artipak nang siya’y magtungo sa Indonesia noong Abril 20, 2018. 9 Jaime Figueroa Tiongson, Ang Saysay ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna: Bagong Pagpapakahulugan, 36. Makikita rin kay Nancy Kimuell-Gabriel, Ang Tundo sa Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (900MK-1588) (Laguna: Bagong Kasaysayan at Pila Historical Society Foundation, Inc., 2013), 137-138.
Image of page 7
TUGANO I :2 (December 2018) 64 sa Pilipinas at sa Cambodia o India. Ayon sa kanya, mas maliliit ang elepante sa Pilipinas kung ihahalintulad sa nabanggit na dalawa (pah. 95). Maraming natagpuang labi ng mga elepante sa iba’t ibang panig ng Asya at patunay lamang ito ng malayang ugnayan na namamagitan sa mga tao at elepante. Maliban sa pagiging instrumento ng mga elepante bilang regalo ng mga hari na nasaksihan pa nga ni Padre Alcina (pah. 96), naging kasama rin ito ng mga ninuno nating Austronesyano sa paghahanap ng panibagong buhay sa pagtawid sa ibayong-dagat. Isang patunay dito ang mga natagpuang fossil ng elepante o elephas sa Cagayan na nagpapahiwatig na ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino ay nakabatay sa pangangaso at hortikultura. 10 Ayon nga sa pag-aaral, mayroong samu’t saring ruta kung paano mailalarawan ang pagdating ng mga elepante sa Pilipinas. Gamit ng mga tulay na lupa (land bridges) noong epoka ng Pleistocene, tumawid ang mga tao kasama ang mga elepante mula sa Tsina gamit ang rutang Taiwan patungong Luzon (nanatili ang iba samantalang ang iba’y dumeretso patungong Borneo at Celebes via Isla ng Sangi); mula Burma patungong Java at Malaysia; rutang Java, Flores, Timor, at Sulawesi; at marami pang iba.
Image of page 8
Image of page 9

You've reached the end of your free preview.

Want to read all 19 pages?

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture

  • Left Quote Icon

    Student Picture