TagalogOnlinePocketbook-KungIibiginKangMuli-Foobarph

If youre going to leave sasama ako sayo kahit saan

This preview shows page 4 - 7 out of 89 pages.

“If you’re going to leave, sasama ako sayo! Kahit saan! Huwag mo lang akong iwan, please!” pakiusap nito bago siya nito niyakap ng buong higpit. Tuluyan ng umagos ang mga luha na pilit nitong pinipigilan kanina pa. Marahil, nasasaktan na ito ng sobra sa kaniyang pamamaalam. Niyakap niyang pabalik ang kasintahan. “Yehni, I need to go.” “No! You can’t go! Nangako ka!” Hinalikan niya sa noo si Yehni. Kasabay nito ay hinagkan niya ng madiin sa labi ang kasintahan. Isang halik na tila huli na sa lahat ng maaaring mahuli sa buhay na niya. Ayaw itigil ni Yehni ang halik na iyon ngunit sapilitan niya iyong pinutol dahil pakiramdam niya ay hindi siya ang karapat- dapat na lalake para dito. “Hindi ko ugaling mangako pagdating sa pag-ibig, Yehni. Hanggang dito na lang tayo, paalam…” Kusang nawalan ng lakas ang mga binti ni Yehni pagkatapos marinig ang mga sinabi niya. Kusa itong nabuwal at napaupo na parang lantang gulay sa sahig. Kasabay nito ay humagulgol ito ng malakas habang sinusuntok ang sahig na nasa harapan nito.
Image of page 4

Subscribe to view the full document.

5 Mabilis niyang nilisan ang restaurant upang iwan ang kasintahan. Hinabol pa siya ni Resty na siyang may-ari ng naturang restaurant na ipina- reserba niya ngunit hindi rin siya napigilan nito sa pag-alis. Kahit magkaibigan sila ay wala itong karapatang diktahan ang kaniyang nararamdaman at mga plano pagdating sa pag-ibig. Iiwan niya si Yehni upang mawalan na ito ng dahilan upang mahalin siya. Ito na lang siguro ang tanging paraan upang makapagsimula silang muli. Ni hindi niya nagawang lumingon upang sulyapan sa huling pagkakataon si Yehni— ang babaeng nagbigay sa kaniya ng kaso na hindi niya kayang lutasin. Kaso na siya mismo ang kusang sumuko alang-alang sa babaeng kaniyang minahal.
Image of page 5
6 Chapter 1 Many years ago… MAALIWALAS ang bati ng panahon pagkatapos niyang buksan ang bintana mula sa kaniyang silid. Mula sa labas ay nakita na naman niya ang mga ibon na malayang nakikipaglaro sa isa’t isa. Tumingin siya sa ibaba at nakita ang kaniyang ina habang nagdidilig ito ng mga halaman. Tatawagin sana niya ito ngunit agad siyang nakita nito. “Mundo, gising ka na pala iho. Good morning! Baba ka dito, didiligan din kita.” biro ng ina bago ito tumawa pagkakita sa kaniya. Kinawayan pa siya nito na parang bagong dating siya sa airport. Napanguso na lamang siya sa sinabi nito. “Mama naman, ang aga-aga, binibiro mo na naman ako!” “Ikaw talaga, hindi ka na mabiro. Bilisan mong bumaba dito bago maubos ang tubig.” birong muli ng kaniyang ina. Binigyan niya ng isang malaking belat ito. “Ayoko nga! Babasain mo na naman ako!” “Ayaw mo?” sigaw ng ina mula sa ibaba. Hinawakan nito ng mahigpit ang hose. “Ayaw.” “Pwes, etong sayo!” sigaw ng ina bago nito itinapat ang hose sa kaniya habang nakadungaw siya sa bintana. Kasunod nito ay mabilis siyang naabot ng tubig dahil sa lakas ng pressure nito mula sa gripo. Sa huli, nabasa siya ng wala sa oras. Instant hilamos ang nangyari sa kaniya.
Image of page 6

Subscribe to view the full document.

Image of page 7
  • Summer '16
  • student

{[ snackBarMessage ]}

What students are saying

  • Left Quote Icon

    As a current student on this bumpy collegiate pathway, I stumbled upon Course Hero, where I can find study resources for nearly all my courses, get online help from tutors 24/7, and even share my old projects, papers, and lecture notes with other students.

    Student Picture

    Kiran Temple University Fox School of Business ‘17, Course Hero Intern

  • Left Quote Icon

    I cannot even describe how much Course Hero helped me this summer. It’s truly become something I can always rely on and help me. In the end, I was not only able to survive summer classes, but I was able to thrive thanks to Course Hero.

    Student Picture

    Dana University of Pennsylvania ‘17, Course Hero Intern

  • Left Quote Icon

    The ability to access any university’s resources through Course Hero proved invaluable in my case. I was behind on Tulane coursework and actually used UCLA’s materials to help me move forward and get everything together on time.

    Student Picture

    Jill Tulane University ‘16, Course Hero Intern