At isa sa pinakamabisang paraan upang lubusang makilala ang sarili ay sa

At isa sa pinakamabisang paraan upang lubusang

This preview shows page 8 - 9 out of 9 pages.

ay kilala ang sarili nating identidad, ang sarili nating pagkakakilanlan. At isa sa pinakamabisang paraan upang lubusang makilala ang sarili ay sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng pagkapilipino natin, na magagawa lang kung sisimulan natin ngayon pa lang ang pagbabasa ng mga sulating pangkasaysayan. Subalit, dapat ding maunawaan ng bawat isa sa atin na hindi dahil nangyari na ang isang bagay sa nakaraan ay hindi na ito mauulit pa sa kasalukuyan o sa hinaharap. Tandaan, ang mundo natin ay patuloy na nagbabago. Sa kabila ng pagbabagong ito, ang mga suliraning kinaharap natin noon ay maaari ulit nating makaharap ngayon. Maaaring magbagong bihis ang mga ito, pero pareho pa rin ang epekto nito sa sistema at pamumuhay na mayroon tayo. Isang magandang halimbawa dito ang kolonyalismo. Marami sa atin ang nag-aakala na ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang maliit na bansa, at ginagamitan ito ng pisikal na pwera na nakikita ng dalawa nating mata at nararamdaman ng iba nating mga pandama, tulad ng nangyari sa atin noon sa kamay ng mga Kastila, Amerikano, at mga Hapon. Ngunit, sa panahon ngayon, may umuusbong nang bagong pamamaraan ng kolonyalismo. Taliwas sa naranasan natin noon, hindi ito agad napapansin dahil dumadaloy ito sa kaloob-looban ng pagkatao natin. Pumapasok ito sa ating sistema nang hindi natin namamalayan. At sa paglipas ng panahon, magugulat na lang tayo na kontrolado na ng mga makapangyarihang bansa na ito ang takbo ng ating pamahalaan at pamumuhay. Sa ngayon, unti-unti nang lumalabas ang epekto ng makabagong kolonyalismo sa pagkakaroon natin mga Pilipino ng “colonial mentality.” Ito ay ang pagtingin natin mga Pilipino sa kultura ng ibang bansa bilang mas mataas kaysa sa kulturang mayroon tayo. Madalas itong naipapamalas ito sa pamamagitan ng pagtangkilik ng produktong gawa ng iba sa paniniwalang mas maganda ang kalidad ng mga ito kaysa sa mga lokal na produkto at nagpapakita rin ito ng
Image of page 8
pagiging “sosyal” at kataasan ng estado ng pamumuhay. Dagdag pa rito, hindi lang sektor ng ekonomiya ang naaapektuhan ng “colonial mentality”dahil nasasagasaan din nito ang ating wika at kultura. Mas ginugustong pag-aralan ng ilan sa ating mga Pilipino ang wikang dayuhan kaysa sa sarili nating wika. Mas sinusuportahan din ng ilan ang dayuhang musika kaysa sa Original Pilipino Music (OPM). At ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon na namana pa natin sa ating mga ninuno ay naisasawalang bahala at nakakalimutan na rin sa paglipas ng panahon dahil mas gustong isabuhay ng ilan sa atin ang kultura ng ibang lahi. Dahil sa ganitong kaisipan ng mga Pilipino, unti-unting namamatay ang nasyonalismo o kamalayang makabansa na sinisimulan pa lang nating buuin. Hindi pa man natin lubusang nakikilala ang sarili, agad na natin itong nakalimutan dahil hindi tayo natuto sa kamalian ng nakaraan. Kaya naman, napakahalagang ngayon pa lamang ay mamulat na tayo sa kasaysayan upang mabuhay muli ang ating pagka-Pilipino.
Image of page 9

You've reached the end of your free preview.

Want to read all 9 pages?

  • Spring '14

What students are saying

  • Left Quote Icon

    As a current student on this bumpy collegiate pathway, I stumbled upon Course Hero, where I can find study resources for nearly all my courses, get online help from tutors 24/7, and even share my old projects, papers, and lecture notes with other students.

    Student Picture

    Kiran Temple University Fox School of Business ‘17, Course Hero Intern

  • Left Quote Icon

    I cannot even describe how much Course Hero helped me this summer. It’s truly become something I can always rely on and help me. In the end, I was not only able to survive summer classes, but I was able to thrive thanks to Course Hero.

    Student Picture

    Dana University of Pennsylvania ‘17, Course Hero Intern

  • Left Quote Icon

    The ability to access any university’s resources through Course Hero proved invaluable in my case. I was behind on Tulane coursework and actually used UCLA’s materials to help me move forward and get everything together on time.

    Student Picture

    Jill Tulane University ‘16, Course Hero Intern

Stuck? We have tutors online 24/7 who can help you get unstuck.
A+ icon
Ask Expert Tutors You can ask You can ask ( soon) You can ask (will expire )
Answers in as fast as 15 minutes
A+ icon
Ask Expert Tutors