II.PanimulaAng Bibliograpiya ay tinatawag ding talaaklatan o talasanggunian ay listahan o talaan na mgaaklat, peryodikal, dyornal, magasin, pahayahgan, di-limbag na batis tulad ng pelikula, programa satelebisyon at radio, tape, cassete, CD o VCD, website sa internet, at iba pang sangguniang gingamit sapananaliksik..III.Mga Panuto:1.Sundinang lahat ng panutong nakasaad sa mga Gawain.2.Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa iyong kwaderno.Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang mgaaraling nalinang.IV.Pamaraan:A.SURIINBIBLIYOGRAPIYAAng paggawa ng bibliograpiya o talasanggunian ay isang kasanayangsusubok sa sipag, tiyaga, at katapatan ng isang mananaliksik. Ang magandangbalita sa panahon ngayon ay marami ngwebsitesna tumutulong sa mgamananaliksik upang gumawa ng kanilang bibliograpiya. Layunin nilangmapagaan ang mga gawain ng mga mananaliksik at mabigyan ng tamang kreditoang pinagmulan ng mga impormasyon.Habang nangangalap ka ng impormasyon o datos para sa iyong gagawingpananaliksik,siguraduhingnaihandamonarinangbibliograpiyaotalasanggunian. Ito ay nagpapakita ng talaan ng aklat, dyornal, pahayagan,magasin, di nakalimbag na batis katulad ng pelikula, programang pantelebisyon,dokumentaryo, at maging angsocial media networking sites na pinagkuhanan mong impormasyon. Mahalagang magkaroon ng bibliograpiya o talasanggunian angisang pananaliksik o aklat sapagkat ito ay isa sa katibayan ng pagigingmakatotohanan ng pananaliksik o aklat na ginawa. Sa pagsulat ng bibliograpiya otalasanggunian, mahalagang makuha ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat
o artikulo, lugar kung saan ito nailathala tagapaglathala, at taon kung kailan itonailathala.Paghahanda ng Pansamantalang BibliograpiyaNarito ang mga hakbang sa paggawa ng pansamantalang bibliograpiya:1.Maghanda ng mgaindex cardna pare–pareho ang laki. Karaniwang 3x5 pulgadaang ginagamit ng iba.2.Isulat sa mgaindex cardna ito ang mga impormasyon ng iyong sanggunian. Angganitong paghahanda ay makatutulong para sa paggawa ng pinal na bibliograpiya.3.Isaayos ang mgaindex cardnang paalpabeto ayon sa may-akda ng iyongsanggunian. Maaari itong ilagay sa kahon,folder,o sobre.May iba’t ibang paraan ng pagsulat ng bibliograpiya. Ang ilan sa mga ito ayang sumusunod:❖APA oAmerican Psychological Association❖MLA oModern Language Association❖Chicago Manual of StyleIisa-isahin natin ito mamaya dahil alam kong sabik na sabik ka nangmatutunan ang mga ito.Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng Tala1.Gumamit ng isangcardpara sa isang kaisipan o ideya.2.Tiyaking may pamagat at pahina ang aklat na pinagkukunan ng tala.3.Mas magiging maayos kung isa lang ang sukat ngnotecardoindex cardnagagamitin. Maraming sukat angnotecardoindex card, karaniwangginagamit ang 3 x 5, ang 5 x 8, at 4 x 6, para sa mga tala.
Upload your study docs or become a
Course Hero member to access this document
Upload your study docs or become a
Course Hero member to access this document
End of preview. Want to read all 55 pages?
Upload your study docs or become a
Course Hero member to access this document