Kung iisipin nais lang gamitin ng Amerika ang Pilipinas upang mapabagsak nito

Kung iisipin nais lang gamitin ng amerika ang

This preview shows page 2 - 4 out of 9 pages.

Amerika laban sa Espanya dahil sa mga pangyayari noon sa Cuba. Kung iisipin, nais lang gamitin ng Amerika ang Pilipinas upang mapabagsak nito ang Espanya. Upang maiwasan ang kahihiyan mula sa pinangangambahang pagkatalo, lihim na nakipagsundo ang mga Kastila sa mga Amerikano na magkaroon ng isang kunwaring labanan kung saan susuko ang mga Kastila sa mga Amerikano. Hindi naman pinayagang sumali sa nasabing labanan ang mga Pilipino, at doon nga’y matagumpay na nasakop ng mga Amerikano ang Intramuros. Bagama’t nakaramdam si Aguinaldo na parang dinaya sila dahil sa hindi pagsali sa labanan sa Maynila, idineklara niya ang kalayaan ng Pilipinas noong June 12, 1898, at pagkaraan ng ilang buwan ay pinasinayaan ang Republika ng Pilipinas. Pormal namang isinuko ng mga Kastila sa mga Amerikano ang pamamahala sa Pilipinas sa halagang $20,000,000 sa Kasunduan sa Paris. Walang kinatawan sa nasabing kasunduan ang mga Pilipino. Kasabay nito, ipinahayag ni Pangulong William Mckinley ng Amerika ang “Benevolent Assimilation” kung saan nakasaad dito na ang layunin ng Amerika sa Pilipinas ay hindi upang ito ay alipinin, kung hindi upang ito ay paunlarin , tulungan bumuo ng pamumuhay at maturuan ang mga Pilipino sa pagtatag ng isang pamahalaan para sa mga Pilipino. Umani ng negatibong reaksiyon ang proklamasyong ito sa mga Pilipino na naging dahilan upang mabuo ang mga kampanyang kontra-Amerikano sa pamumuno ni Heneral Antonio Luna. Noong Pebrero 4, 1899 naman sumiklab ang mitsa ng digmaang Pilipino-Amerikano nang binaril at napatay ng isang sundalong Amerikano ang isang kawal na Pilipino. Nagpalabas naman ng manipesto si Apolinario Mabini, ang tagapayo noon ni Aguinaldo, na hinihikayat ang mga kapwa Pilipino na ipaglaban ang kanilang bansa laban sa mga Amerikano. Ngunit, tinutulan ito ng mga mayayamang Pilipino at ilang mga ilustradong hindi lang takot sa mga Amerikano kung hindi takot din mawala ang kanilang estado sa lipunan sa oras na mapaalis ang mga Amerikano, kaya naman pinagkaisahan nilang mapatalsik sa posisyon si Mabini. Noong tuluyan nang nasakop ng mga Amerikano ang Pilipinas, agad nilang ipinatupad ang Batas Sedisyon na nagpaparusa ng kamatayan o matagal na pagkakabilanggo sa mga Pilipinong magsasalita, magsusulat o tatangkilik sa pagsasarili at paghiwalay ng Pilipinas sa Amerika. Ang batas na ito ay hindi naging hadlang sa mga nasyonalistang Pilipino na magsulat laban sa mga Amerikano at patuloy na ipaglaban ang kalayaan ng bansa. Kasabay nito, ipinakilala ng mga Amerikano ang wikang Ingles sa mga Pilipino. Dahil sa kagustuhan ng mga Pilipinong matuto, na hindi nila naranasan noong pananakop ng mga Kastila, pumasok sila sa mga pampublikong paaralan na ang midyum ng pagtuturo ay Ingles. Ang pangyayaring ito ang naging dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong marunong magbasa
Image of page 2
at magsulat. Ngunit, dahil din dito, unti-unting namulat ang mga Pilipino sa pamumuhay ng mga Amerikano na kanila ring naisabuhay. Ang mentalidad na ito ay makikita pa rin hanggang ngayon kung saan mas tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga bagay na gawang dayuhan kaysa sa mga lokal na produkto.
Image of page 3
Image of page 4

You've reached the end of your free preview.

Want to read all 9 pages?

  • Spring '14

What students are saying

  • Left Quote Icon

    As a current student on this bumpy collegiate pathway, I stumbled upon Course Hero, where I can find study resources for nearly all my courses, get online help from tutors 24/7, and even share my old projects, papers, and lecture notes with other students.

    Student Picture

    Kiran Temple University Fox School of Business ‘17, Course Hero Intern

  • Left Quote Icon

    I cannot even describe how much Course Hero helped me this summer. It’s truly become something I can always rely on and help me. In the end, I was not only able to survive summer classes, but I was able to thrive thanks to Course Hero.

    Student Picture

    Dana University of Pennsylvania ‘17, Course Hero Intern

  • Left Quote Icon

    The ability to access any university’s resources through Course Hero proved invaluable in my case. I was behind on Tulane coursework and actually used UCLA’s materials to help me move forward and get everything together on time.

    Student Picture

    Jill Tulane University ‘16, Course Hero Intern

Stuck? We have tutors online 24/7 who can help you get unstuck.
A+ icon
Ask Expert Tutors You can ask You can ask ( soon) You can ask (will expire )
Answers in as fast as 15 minutes
A+ icon
Ask Expert Tutors