Filipino 1 - Prelims (Terms) Flashcards

Terms Definitions
Teoryang Bow-bow
Ayon sa teoryang ito, maaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nililikha niyo.
Teoryang Pooh-pooh
Unang natuto magsalita ang mga tao sa hindi sinasadyang napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
Teoryang Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na kalaunay nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba't ibang kahulugan.
Teoryang Ta-ta
Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna'y nagsalita.
Teoryang Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao sa pamamagitan ng mga tunog na nililikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang it ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao
Instrumento ng Komunikasyon
Kahalagahan ng wika na nagsasabing "ang wika, pasalita man o pasulat, ay pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan".
Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman
Kahalagahan ng wika na nagsasabing "Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang saling-lahi at napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika".
Nagbubuklod ng Bansa
Kahalagahan ng wika na nagsasabing "Ano mang wika ay maaring maging wika ng pangaalipin, ngunit maari rin itong gamitin upang pagbuklurin ang isang bansa sa layuning pagpapalaya.
Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
Kahalagahan ng wika na nagsasabing "Ang wikang nakasulat na ating nababasa o wikang sinasalita ng mga tauhan sa pelikula na ating naririnig ang nagdidikta sa ating isipan upang gumana at lumikha ng imahinasyon at dahil dito ay nililinang ang ating malikhaing pag-iisip.
Interaksyonal
Tungkulin ng wika na nakakapagpanatili/nakakapagpapatatag ng relasyong sosyal.
Instrumental
Tungkulin ng wika na tumutugon sa mga pangangailangan.
Regulatori
Tungkulin ng wika na kumokontrol at gumagabay sa kilos/asal ng iba.
Personal
Tungkulin ng wika na nakakapagpahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Imahinatibo
Tungkulin ng wika na nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
Heuristik
Tungkulin ng wika na naghahanap ng mga impormasyon/datos.
Impormatib
Tungkulin ng wika na nagbibigay ng impormasyon/datos.
Pambansa
Antas ng wika na karaniwang ginagamit sa mga aklat ng pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan, ito rin ang wikang kaladalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
Pampanitikan
Antas ng wika na ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining.
Lalawiganin
Antas ng wika na tinatawag din bilang bokubolaryong dayalektal. Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang maliban lamang kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar.
Kolokyal
Antas ng wika na karaniwang ginagamit na pang-araw-araw na salita na ginagamit sa pagkakataong impormal, kadalasan may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maari rin itong maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito.
Balbal
Antas ng wika na nagmumula sa pagkakapangkat-pangkat ng mga tao para maging sariling "code", isa itong mababang antas ng wika.
Dayalekto
Barayti ng wika na nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa iba pang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook.
Sosyolek
Barayti ng wika na nabubuo batay sa dimensyong sosyal, tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipinan.
Jargon
Barayti ng wika na ang tanging bokabularyo ay matatagpuan lamang sa isang partikular na pangkat ng gawain.
Idyolek
Barayti ng wika na nagsasabing bawat isa ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika.
Filipino
Ito ang tinatawag na wikang pambansa ng Pilipinas, samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa mga umiiral ng wika sa Pilipinas at sa iba pang wika
Esperanto
Paglikha ng isang artipisyal na wika mula sa pagsasama-sama ng mga salita ng halos lahat ng wika sa Europa.
Mono-based National Language
Pagiging Tagalog na istraktura ng salitang Pilipino kaya ito ay pinalitan at ginawang Filipino.
Tagalog Imperyalism
Sanhi ng pagpapaunlad ng mga salitang pambansa upang ang mga salitang hiniram sa iba ay mapalitan ng mas tamang salita na base sa Filipino.
1935
Isinaad sa Saligang Batas "Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa.
Oktubre 27, 1936
Itinagubilin ni Pang. Quezon sa Asemblea National ang paglika ng Surian ng Wikang Pambansa.
Enero 12, 1937
Hinirang ni Pang. Quezon ang mga kagawad na bubuo sa Surian ng Wikang Pambansa.
Abril 1, 1940
Binigyang pahintulot ang paglilimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa.
Agosto 13, 1959
Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang kautusan na nagsasaad na dapat tukuyin ang Wikang Pambansa bilang Pilipino.
Oktubre 24, 1967
Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusan na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay papangalanan ng Pilipino.
Pebrero 2, 1987
PInagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV na nagsasaad na ang pambansang wika ay tatawagin nang Filipino.
Hulyo 1997
Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang kautusang nagtatakda na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino.
2001
Ipinalabas ng Komisyonng Wikang Filipino ang 2001 revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
2006
Ipinagbigay alam ng Komisyon ng Wikang Filipino ang pagsususpinde sa 2001 revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispelling ng Wikang Filipino.
/ 40
Term:
Definition:
Definition:

Leave a Comment ({[ getComments().length ]})

Comments ({[ getComments().length ]})

{[comment.username]}

{[ comment.comment ]}

View All {[ getComments().length ]} Comments
Ask a homework question - tutors are online